CHAPTER 34

197 49 438
                                    

Chapter 34

ZINNIA'S POV

Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog. Basta ang alam ko lang ay nagising ako dahil sa mga halik na nararamdaman ko sa leeg ko. Umungol ako nang maramdaman ko ang mga kamay niyang pumipisil sa dibdib ko.

Binuksan ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin akin ang nakangiting mukha niya.

"You're awake already," sabi niya habang pinaglalaruan ang dibdib ko.

Kinagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang ungol ko na lumabas. Kakagising ko lang ulit at ayaw ko namang matulog ulit.

Naalala ko na naman ang ginawa namin kanina kaya hindi ko maiwasang mamula.

It was the second time we did it. Ang una ay noong nasa bahay kami ni Jacob pero hindi ako natulog sa tabi niya at nanatili ng matagal. Hinintay ko lang itong makatulog bago ako lumabas ng kwarto. Sa huli ay sa kwarto ako ni Anja natulog kung saan naabutan ako kinaumagahan ni Jacob at ang buong pamilya niya.

"What are you thinking?" tanong ni Jacob na kasalukuyang hinahalikan ang leeg ko habang ang isang kamay niya naman ay humahaplos sa mga binti kong natatabunan ng kumot.

"W-Wala," utal na pagkasabi ko dahil sinisimulan na ni Jacob sipsipin at kagatin ang balat ng leeg ko.

Tumigil ito at inangat ang mukha para matingnan ako. "Sigurado ka? Bakit ka namumula kanina?" sabi niya habang nakangisi.

"Wala ka ng pakialam doon," sabi ko pabalik sa kanya.

Alangan namang aaminin kong iniisip ko ang nangyari sa amin kanina?

"Baka naman iniisip mo ang ginawa natin kani-" bago pa nito matapos ang sasabin ay tinakpan ko na ang bibig nito.

Manghuhula ba 'to?

"Huwag mo ng ituloy ang sasabihin mo, susuntukin talaga kita," banta ko dito.

Hindi ito natakot dahil ramdam ko ang ngiti niya sa kamay kong tumatakip sa bibig niya.

"Sgshahahsjhsh."

"Ha?" sabi ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nito.

"Shahagsjakajaj." Itinuro ni Jacob ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.

"Hindi ko tatangalin 'yan dahil kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo," sabi ko sa kanya. "Hindi ka lang man nahiya," dagdag ko.

Hindi ko inaasahan na kakagatin nito ang kamay ko kaya natanggal ko bigla ang kamay ko sa bibig niya.

"Bakit ka ba nangangagat?" inis kong sabi sa kanya habang hawak ang kamay kong kinagat niya.

Grabe naman mangagat ang lalaking 'to. Hindi naman ako pagkain para kagatin niya ako ng napalakas.

"Masakit?" tanong nito bago hawakan ang kamay ko at hinalikan. "Sorry."

Hindi ko maiwasang kagatin ang labi ko dahil sa ginawa nito. May kung anong humaplos sa puso ko habang hinahalikan ni Jacob ang kamay kong kinagat niya. Masakit talaga ang pagkagat niya pero hindi ko inaasahan na hahalikan niya ang kamay ko.

Ngingiti na sana ako nang bigla akong may maalala kaya binawi ko bigla ang kamay ko mula sa kanya.

"B-Bakit?" takang tanong niya sa akin.

Mas kinagat ko ang labi ko dahil sa tanong niya pero bigla ko ring pinakawalan nang natuon ang mga mata ni Jacob sa mga labi ko.

"W-Why did you kiss my hand?" tanong ko kahit alam kong hinalikan niya ang kamay ko dahil masakit. Katulad ng ginawa niya kaninang umaga ay hinalikan din niya ang noo ko nang nabunggo ako sa pintuan dahil hindi ko inaasahan ang pagpasok niya.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon