CHAPTER 8

341 96 0
                                    

Chapter 8

ANAIS' POV

"Anak, Anais, gumising ka na! Nakahanda na ang agahan natin!" Nagising ako sa sigaw ni Nanay sa labas ng kwarto ko.

"Opo, Nay!" nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Nanay sa labas.

Kainis naman eh, antok na antok pa ko. Kasi naman kagabi nag video call pa kami ni Jacob at hindi na namin namalayan na umabot na kami ng alas-dos ng madaling araw at may pasok pa kami nun. Ayan tuloy apat na oras lang akong nakatulog dahil ala-sais ako gumigising kapag may pasok.

Inis akong bumangon at hinawi sa katawan ko ang kumot at pumunta sa banyo para mag-ayos.

Habang nagsisipilyo ako ay natandaan ko ang ginawa ko kay Jacob ilang linggo na ang nakaraan. Hindi naman ako nahiya kahit kaunti lang. Ewan ko nga ba bakit ako nasasarapan kapag naririnig ko ang mga ungol niya. Ang init pa ng pakiramdam ko.

Bakit kaya?

Nainis naman ako bigla nang maalala ang hickey na binigay niya sa akin. Kinausap ko siya tungkol doon pero nginisihan lang ako nito. Pasalamat naman ako dahil hindi nakita nina Nanay at ng mga kaibigan ko.

Tinapos ko na ang pagsisipilyo at sunod na naghilamos ng mukha ko. Lumabas ako ng banyo at humarap sa salamin at nagsimulang suklayin ang buhok ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusuklay nang may kumatok ng tatlong beses. Pumunta ako ng pintuan at binuksan ang pinto.

"Yes, Nay?"

"Matagal ka pa ba diyan? Aba lumalamig na ang pagkain kakahintay sa iyo." Ngumiwi ako at tumango.

"Peace po Nay. Susunod na po ako, tatapusin ko lang po ang ginagawa ko."

"Bilisan mo." Umalis na si Nanay.

Sinarado ko ulit ang pinto at pumunta sa harap ng salamin at tinapos ang ginagawa.

Hindi naman strict si Nanay pagdating sa akin, si Tatay lang. Hindi naman sa mahigpit siya pero hinahayan niya lang naman ako sa mga gusto ko at kapag mamasyal ako, dapat alam niya palagi kung sino ang mga makakasama ko. Wala naman sa akin yun, at least pinapayagan pa nga ako mamasyal kahit saan ko gusto.

Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto at pumunta na sa hapag-kainan pagkatapos kong ayusin ang sarili ko.

Baka magalit pa si Nanay....

Simple lang ang bahay namin at sakto lang sa aming tatlo nina Nanay at Tatay. May dalawang kwarto at cr sa loob ng kwarto at isa naman sa labas. May sala pero maliit lang. Hindi ito sa amin dahil nirerentahan lang ito namin kaya todo kayod sina Nanay at Tatay sa pagtatrabaho. Si Nanay ay isang labandera at si Tatay naman ay isang tricycle driver na hinahangaan ko.

Never ko silang kinakahiya kahit may nagbu-bully sa akin sa eskwelahan hanggang ngayon. Ewan ko nga ba pano nila nalaman. Hinahayaan ko lang sila dahil hindi nila alam gaano kahirap sa amin pero nagpapatuloy lang sa buhay at walang pakialam sa mapang-insultong mga tao.

Pagkadating ko pa lang sa hapag-kainan ay naamoy ko na ang lutong sinangag ni Nanay.

"Oh, Anak, kumain kana baka mahuli ka pa sa klase mo," sabi ni Tatay sa akin habang nagbabasa ng dyaryo.

Umupo na ako at sinimulan ng kumain. Naglagay ako ng sinangag sa platong nakahanda na at kumuha ng hotdog at egg.

Napahinto ako sa pagkain nang may maalala.

"Nay, Tay," tawag ko sa kanila at sabay naman silang tumingin sa akin. Wala silang sinabi kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita, "May party po kasi kami next month before ng graduation namin. Pwede po ba akong sumali?"

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon