CHAPTER 30

210 51 419
                                    

Chapter 30

JACOB'S POV

"Where do you want to go first?" I asked my daughter after we paid the zoo entrance.

"Giraffe! Giraffe! I want to go there first, Daddy!" turo ni Anja sa hayop at tsaka ako hinila.

Hinayaan ko lang ang anak kong hilahin ako hanggang sa makarating kami sa Giraffe.

"Take a picture of me first, Daddy, pleaseee." Natawa ako sa itsura ng anak ko dahil tuwang tuwang ito.

Ito ang unang beses na nakapamasyal si Anja sa zoo kaya pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay hindi na ito mapakali at ang likot-likot.

Kinuha ko ang selpon ko at kinuhanan ng litrato si Anja. Pagkatapos kong kuhanan ng litrato ang anak ko ay pinakita ko ito sa kanya.

Ang isang kamay ay nasa baywang ni Anja habang ang isa naman ay naka-peace sign sa gilid ng mukha niya. Ang isang litrato naman ay nakataas sa ere ang dalawang kamay ni Anja habang malawak na nakangiti.

"Ang ganda naman ng prinsesa ko," papuri ko sa anak kong kasalukuyang tinitingnan pa din ang litratong kinuhanan ko.

"Of course, Daddy. You are handsome and your child cannot be ugly - and that is me. Mommy is beautiful too, isn't she, Daddy?" Anja asked and looked up at me.

Kinurot ko ng mahina ang ilong nito. "Syempre maganda rin si Mommy, isa sa mga katangian iyon ng Mommy mo kaya minahal ko siya."

"Ano pa po ang iba?" kunot-noong tanong nito.

Napangiti ako bago ito binuhat at iniharap sa giraffe. "She was modest. Hindi madaling magalit at mainis ang Mommy mo. Hindi rin siya palasigaw dahil ang kalma niya lang palagi. Your Mommy is smart, kind and understanding. She understands all things." Nakangiti ako habang sinasabi ko sa anak ko ang tungkol sa kanya.

"I wish Mommy was here," my daughter said sadly as she looked up at the sky.

Pilit kong ngumiti kahit nakaramdam ako ng lungkot. "But even without Mommy, we know she's always by our side, right princess?"

"Yes, Daddy." Napangiti ito ng maliit sa akin.

Ang buhay ay may kanya-kanyang magaganda at masasamang mga karanasan. Anuman ang mangyari, ipinapangako kong palagi akong nasa iyong tabi. Kahit na malayo ka, alam mong mahal kita at palagi akong nandito sa tabi mo kahit napakalayo mo.

Napaangat ako sa langit pagkatapos.

Alam kong nakikinig ka mula sa itaas. Wala nang mas pinapahalagahan ko kaysa sa pagmamahal mo. Hindi alintana kung nasaan ako o kung ano ang ginagawa ko, palagi akong nakangiti kapag naaalala ang mga alaala natin.

"Hey, I'm really sorry. Tawag siya kasi ng tawag sa akin." Lumapit sa amin si Zinnia at ngumiti sa amin.

Ikaw na lang ang pag-asa kong malaman ang katotohanan.

"Ayos lang. Alam ko namang importante ang kausap mo," parang may pait akong nalasahan nang sinabi ko ang mga salita iyon.

Siya? Ang pangit na 'yon, importante?

Para kay Zinnia importante siya dahil asawa nito iyon pero para sa akin hindi.

Sino ba naman siya sa buhay ko para sabihin kong importante siya sa akin?

"Thank you for understanding," she said ang turned to Anja. "Why do you look sad?"

"I'm not sad, Mommy," my daughter refuses.

Hinalikan ko sa pisngi ang anak ko. Parang si Anja ay ako, sinasabing ayos lang kahit alam ko namang malungkot ito dahil sa pinag-usapan namin kanina.

Magsasalita sana si Zinnia nang tumunog na naman ang selpon nito. Kinuha nito sa dalang sling bag ang selpon bago tiningnan kung sino ang tumawag. Nakita ko itong napabusangot nang makita ang pangalan ng tumawag.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon