CHAPTER 7

303 97 1
                                    

Chapter 7

JACOB'S POV

"Nurse Cha, ano pong nangyari sa kaibigan ko?" nag-aalalang tanong ni Betty nang humawi ang kurtina at niluwa si Nurse Cha. Nandito kami ngayon sa clinic ng school at nakaratay sa kama si Anais na maputla ang mukha.

Hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa kanya, para sa kalagayan niya. Wala naman siyang sinabi kung ano ang nararamdaman niya, kung masama ba o hindi. Parang kanina lang na nagbibiruan kami, nagtatawanan at nagpipikunan, pero napalitan din ng pag-aalala ang lahat ng mga iyon.

Hindi na nagbibiro o nag-iingay si Cessy at Marcus. Ang iba ay nakaupo sa sofa malapit sa hinihigaan ni Anais at ako naman ay nasa tabi niya hawak-hawak ang kamay niya.

Nang dinala namin siya sa clinic ay inasikaso siya agad ni Nurse Cha, ang nurse ng clinic at sinuri. Ilang minuto din kaming naghintay sa kung ano man ang dahilan bakit bigla na lang nawalan ng malay si Anais na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising.

"May boyfriend ba si Ms.Vento?" tanong ng Nurse.

"Manliligaw po," nahihiyang sagot ko.

Tumango naman ito at tiningnan ako ng maigi "May nangyari na ba sa inyo?" Halos lumuwa ang mata ko sa narinig. Nagsiubo naman ang iba at tila nahiya pa sa sinabi ni Nurse Cha.

"W-Wala naman po, bakit?"

"Sinisigurado ko lang dahil kung may nangyari sa inyo, posibleng buntis siya sa ngayon. Pero kung hindi naman ay dahil lang sa kulang sa tulog o hindi kumakain ng ilang araw o sa tamang oras kaya nagugutom. Pero tanungin mo pa din siya para sigurado tayong walang may nangyari sa kanya. Wala rin naman siyang lagnat," pagpapaliwanang nito. Kumunot naman ang noo ko at napatingin kay Anais.

"Thank you, Nurse Cha," pagpapasalamat namin sa kanya.

"Walang anuman. Tawagin niyo lang ako kung may kailangan kayo." Lumabas na si Nurse Cha.

"Wow!! Sobrang straightforward naman magsalita ni Nurse Cha," hindi makapaniwalang saad ni Leo.

"Bakit ginugutom niya na naman ang sarili niya?" naiinis na tanong ni Betty sa sarili at ginulo ang buhok. Nabaling ang atensyon namin sa kanya.

Ginugutom?

Sa gusto kong malaman ang ibig sabihin niya ay nagsalita ako, "Ginugutom? What do you mean?"

Natigilan siya sa tanong ko at nagbaba ng tingin. Tiningnan ko din ang mga kaibigan niya na nakayuko at hindi alam kung sasagot ba sa tanong ko o hindi.

Magtatanong na sana ako ulit sa kanila ng biglang gumalaw ang kamay ni Anais na hawak ko. Bumaba ang tingin ko sa kanya na dahan-dahang minumulat ang mga mata.

Pagkakita nila na gising na rin si Anais ay wala pang limang segundo ay nagsipag-unahan na ito papunta kay Anais.

"Ok ka lang ba, Anais? Gusto mo ba ng tubig, pagka-" hindi alam kung ano ang gagawin at sasabihin ni Cessy sa kaibigan.

Pinutol siya ni Anaia at tinulungan ko naman siya nang gusto nitong umupo.

"I'm fine, no need to worry," pagpapagaan nito ng loob sa amin pero hindi man lang ito nabawasan.

"Paano kami hindi mag-aalala kung ilang beses mo ng ginugutom ang sarili mo, ha?! Kung hindi ka naman nawawalan ng malay, nahihilo ka naman!" galit na galit na sigaw ni Cessy sa kaibigan na wala lang emosyong nakaupo.

"Hindi ka humihingi ng tulong sa amin Anais, kahit isang beses lang. Alam naming hindi ka humihingi pero kung hirap na hirap ka na, nandito lang naman kami sa tabi mo handang tumulong palagi," malumanay na tinig ni Nally.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon