CHAPTER 31

194 52 480
                                    

Chapter 31

JACOB'S POV

"Are you ready?" I asked Zinnia while making sure I didn't leave any important items in my suitcase that I would take to Malaysia.

Zinnia turned to me who was also checking at the things she was going to bring. "Yeah. Just a moment and I'll be done here."

"It's alright, don't be in a hurry. It's only 6:30 a.m," I said once the zipper of my suitcase closed.

"Will we still wake Anja to say goodbye? Gusto ko sanang magpaalam sa kanya bago tayo umalis," sabi ni Zinnia sakin.

"Gusto mo ba siyang gisingin?" tanong ko pabalik sa kanya.

Tumingin ito kay Anja na natutulog ng mahimbing sa kama.

"Baka naman umiyak 'yan dahil inistorbo ko ang gising niya."

Umiling ako. "Gisingin mo lang, hindi 'yan iiyak. Tutal may pasok naman siya ngayong araw kaya walang problema."

"I will punch you in the face if Anja cries when I wake her up."

I smirked. "Huwag mo akong suntukin. Halikan mo na lang ako, pwede pa."

Lumukot naman ang mukha nito sa sinabi ko. "Kiss yourself." Agad itong tumalikod sa akin at ginising si Anja.

Sungit.

"Anja." Tinitingnan ko lang siya habang tinatapik nito si Anja sa balikat para magising. "Anja, we are leaving." Gumalaw ang anak ko bago unti-unting binuksan ang mga mata nito.

"Mommy," inaantok na sabi nito atsaka itinaas ang dalawang kamay para magpabuhat.

Pagkakita naman ni Zinnia sa nakataas na dalawang braso ni Anja ay agad nitong binuhat ang anak ko.

"We're leaving now, Anja. I just woke you up to say goodbye," sabi ni Zinnia habang hinahaplos ang likod ng anak ko.

"As long as Daddy and you go home right away, Mommy."

"Of course we'll go home right away because we're just going there for work, Anja."

"Anong gusto mong pasalubong?" Lumapit nadin ako sa kanilang dalawa.

Napangiti ng maliit sa akin si Anja habang pumipikit-pikit pa ang mga mata nito.

"Chocolates, Daddy. Thank you."

I smiled and kissed her on the forehead. "You're welcome, princess. Sige na, bumitaw ka na diyan kay Mommy dahil baka mahuli pa kami sa flight namin," sabi ko sa anak ko. Binalewala ko lang ang mga matang nakatingin sa akin ng masama.

Agad naman itong nagpababa kay Zinnia at tsaka umupo sa kama. Hinalikan ko ito sa noo ulit.

"Aalis na kami, ha? Magpakabait ka dito dahil hindi sila pumasok nina Mama para mabantayan ka, okay?" Tumango ito. "Tatawag din ako pagkatapos ng klase mo, Anja."

"I will be a good girl while you and Mommy are away, Daddy."

Ginulo ko ang buhok nito. "Pag-alis namin dapat maligo ka na at pagkatapos ay kakain ka sa baba ng agahan. Makinig ng mabuti sa teacher at kapag may problema, sabihin mo agad sa teacher mo para matawagan ako kaagad."

"Opo, Daddy."

"Aalis na kami," sabi ko at kinuha ang maleta kong nasa ibabaw ng kama. Kinuha rin ni Zinnia ang maleta niya sa ibabaw ng kama at ibinaba sa sahig.

"Ihatid ko po kayo sa labas, Daddy."

Agad naman itong umalis sa kama nang pumayag ako at sabay kaming tatlo bumaba ng hagdan. Ako na ang bumuhat sa maleta ni Zinnia pababa habang inalalayan naman nito si Anja. Nakita namin sina Mama pati narin sina Nanay sa sala na nagkakape pagkababa naming tatlo.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon