CHAPTER 24

219 57 432
                                    

Chapter 24

JACOB'S POV

Hindi ko namalayan na lumapit na sa akin ang anak ko sa sobrang lalim ng pag-iisip ko. Agad nitong hinila ang kamay ko at dali-daling lumakad patungo sa dagat. Napalingon naman ako kay Zinnia na nakangiti sa amin.

Huminto ako kaya napahinto rin ang anak ko sa paglalakad at tumingin sa akin ng may pagtataka.

"Daddy?"

"Hindi pa tayo naglalagay ng lotion," sabi ko sa kanya at inangat ang lotion na hawak ko.

Natawa na lang ako nang umirap ito.

"Akin na nga ang lotion, Daddy. Gusto ko ng lumangoy, eh." Umirap ito ulit at kinuha ang lotion na ibinagay ko. Padabog itong bumalik at umupo sa isa sa mga kahoy na lounge chair na nakapwesto at sinimulan ng maglagay ng lotion sa katawan.

"Pagkatapos mong maglagay ng lotion, hintayin mo muna ako bago ka lumangoy."

"But Daddy!" Sumimangot ito. "I want to swim na!"

Napataas ang kilay ko kaya natahimik ito. Wala ng magawa si Anja kundi ipagpatuloy ang paglalagay ng lotion sa katawan. Napapailing na lang ako dahil nagmamadali ito sa paglagay.

"Can I borrow your lotion after?" Zinnia asked me. "Sorry because I forgot to bring mine."

"Pwede naman," pagpapayag ko.

"Daddy ito na ang lotion," sabi ng anak ko na kakatapos lang maglagay. Inabot nito sa akin ang lotion at sumandal sa upuan at pinagkrus ang mga braso. "Daddy bilisan mo, naiinip na ako."

Tatawa-tawa naman akong lumingon kay Zinnia na nakangiti din sa anak ko. "Here," I said and I handed her the lotion. "Ikaw muna."

Kinuha na ni Zinnia sa akin ang lotion. "Thank you."

Ngumiti ako pero nawala din kaagad nang makitang naghubad ito mismo sa harapan ko. Naiwan na lang ang backless black two piece cross split swimsuit na suot nito.

Wala sa sariling bumaba ng dahan-dahan ang paningin ko sa katawan nito at sinuri. Dahil naka-swimsuit lang ito ay kitang-kita ko ang mapuputi at makikinis nitong hita at....at..ang ano.....

"Why are you looking at Mommy's body, Daddy?"

Agad namang napaangat ang tingin ko sa anak ko na nakataas ang kilay sa akin habang nakakrus pa din ang nga braso sa dibdib. Pagkatapos ay napatingin din ako kay Zinnia na nakatingin din sa akin.

"A-Ahmmm..." Napaiwas ako ng tingin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, nahuli na ako ng anak ko. Hindi ko rin mauuto ang anak ko dahil matalino ito at kagaya nung isang araw ay baka wala na naman akong masabi.

"I caught you looking at Mommy's legs and boo-"

"Diba gusto mo ng mag-swimming?" Pagputol ko kaagad sa sasabihin ng anak ko dahil alam ko na kung ano ang susunod na sasabihin nito.

"Pero bad ang ginawa mo, Daddy. Tiningnan mo ang boo-"

"Halika na nga" Lumapit ako at kinalong ito. "Ang daldal mong bata ka. Ikaw ang mapapahamak sa akin, eh." Pinisil ko ang pisngi nito at ngumiti kahit nakataas pa din ang kilay nito.

"Basta bad 'yon-"

"Opo na nga princess..." Bumuntong-hininga ako at ngumiwi.

Tumingin ulit ako sa kanya ngunit umiwas din agad ako ng tingin nang makita ko siyang nakatingin sa akin.

"We will just wait for you there," tukoy ko sa gilid ng dagat at dali-daling tumalikod at naglakad papalayo.

"Ikaw Anja, ha. Kung ano na ang pinagsasabi mo," saway ko.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon