CHAPTER 12

299 78 0
                                    

Chapter 12

JACOB'S POV

"Baby, can you hand me the folders on the coffee table?" utos ko kay Anais.

Tutok-tutok ako sa mga folder na binabasa ko bago ko pirmahan. Tumayo naman si Anais mula sa pinagkakaabalahang laptop at kinuha ang pinakukuha ko.

It's been four months since we graduated and tinake over ko na ang isa sa kompanya namin dito sa Pilipinas as a CEO. While Anais is my assistant but hindi ko naman siya pinapakailos ng masyado. Sina Marcus at mga kaibigan ni Anais ay abala narin. Inaalagaan ni Marcus ang family farm nila, Adrian is taking care of there restaurants, at si Leo naman ang mga ospitals na pagmamay-ari nila. Ang kaibigan naman ni Anais ay hindi ko alam kung ano ang mga pinagkakaabalahan.

"Here." Binaba ko ang hawak at kinuha sa kanya and I put it on the table..

"Come here, give me a hug." Pinaupo ko siya sa mga hita ko. "Are you tired?"

"Pano ako mapapagod kung ang ginagawa ko lang naman ay nakaupo at kaharap ang laptop palagi?" She raised her one eyebrow.

Natawa na lang ako sa isip ko dahil totoo ang sinabi niya. One time kasi I ask somebody para pumunta sa Accounting and Finance Department at hindi si Anais.

Nag-aalala lang naman ako sa kalagayan niya, pero isang linggo ba naman akong hindi pansinin?

Nilagay ko ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga. "I love you."

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa kanya kapag sinasabi ko ang tatlong salitang iyon.

But I'm willing to wait.

"Iniiba mo ang usapan. Hmp." Humalukipkip ito. Kusa nalang kinurot ng kamay ko ang pisngi niya at namula ito.

"Jacob." Inalis nito ang kamay ko.

Hindi ko na lang siya kinulit pa at tinuon na lang ang pansin sa halata niya ng tiyan at hinaplos. She's now six months pregnant at three months na lang ay magiging Tatay na ako. I smiled with that thought.

I can imagine now na may tumatakbo na makukulit sa bahay namin. Ako, magtatrabaho kada umaga at pag-uwi ko sa gabi ay sasalubingin ako ni Anais at ng anak namin. I mean 'mga anak namin.'

"What are you thinking?" Bumalik lang ako sa sarili nang marinig ang inis na boses ni Anais. "Girls? Ang magaganda ang mukha at mas-sexy ang katawan kaysa sakin? Nagsasawa ka na ba sakin kaya ka humahanap ka ng iba? Kainis ka, sobra." Umawang ang labi ko sa mga naririnig ko mula sa kanya. "Eh di doon ka na, 'wag ka ng bumalik." Naluluha itong umalis sa pagkakaupo sa akin at dumiretso sa personal restroom ko.

Hindi ako nakasunod sa kanya agad dahil hindi maproseso sa utak ko ang mga sinabi niya.

Ako? Iniisip ang iba?

No....no....no....You're wrong Baby.

I sigh and stand up. Sanay na ako sa pagbabago ng mood niya pero minsan din ay hindi ko maintindihan. Katulad na lang nung five months siyang nagbubuntis.

~~FLASHBACK~~

"Good Morning Baby!" I greeted her when I entered the dining area.

Nauna pa siyang nagising sa akin at hindi pa ako hinintay.

Lumingon siya saglit at tinuon ulit sa selpon na hawak nito. Umupo ako sa tabi niya at inutusan kaagad ang kasambahay na nasa gilid na ihanda na ang agahan. Wala sina Papa at Mama ngayon dahil busy sila kakaasikaso ng kompanya namin sa ibang bansa.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon