CHAPTER 22

242 64 320
                                    

Chapter 22

JACOB'S POV

Maaga akong nagising kinabukasan at bumangon mula sa pagkakahiga. Mahimbing pa ang tulog ng anak ko kaya hinayaan ko muna ito dahil maaga pa naman. Agad akong ngumiti sa anak ko dahil yakap-yakap nito ang larawan ng kanyang ina sa magkabilang braso. Niyakap ito ni Anja ng mahigpit na para bang ayaw nitong bitawan at ayaw nitong kunin ito ng iba. Sa tuwing matutulog si Anja ay hindi niya nakakalimutan na sabihin sa kanyang ina na goodnight at yakapin ang larawan niya habang natutulog.

Maingat kong kinalas ang mga braso nito para makuha ang litrato mula sa kanya. Halos hindi na ako humihinga habang kinukuha ang litrato mula sa kanya. Napatigil ako nang gumalaw ang anak ko at paharap na tumagilid sa akin. Tiningnan at sinigurado ko muna na malalim ang pagkatulog ng anak ko bago muling kinuha ang litrato mula sa kanya. Nakahinga lang ako ng maayos nang makuha ko na ito sa wakas.

Pagkakuha ko ay agad kong tiningnan ang larawan at hinaplos ito. Hindi ko naman maiwasan ang paninikip ng dibdib ko kapag nakikita ko ang larawan na ito araw-araw. Ako mismo ang kumuha ng litratong ito kung saan sa mga oras na ito ay masaya pa kami at walang nararamdaman na lungkot at sakit bawat araw. Ako mismo ang kumuha ng larawan na ito kung saan ay nakikita ko pa ng personal ang ngiti, mukha, at tawa niya.

Nakangiti siya sa larawan habang nakahawak ang isang kamay niya sa hindi pa niya kalakihang tiyan at ang isa naman ay nakapeace sign sa gilid ng mukha niya. Naalala ko pang pinipilit ko pa siyang kuhanan ng litrato kasi ayaw niyang magpakuha sa akin. Dinadahilan niyang maraming tao at nahihiya daw siya. Pero nang kuhanan ko na siya ay parang hindi siya nahihiya dahil sa ganda ng ngiti niya.

"Good morning." Hinalikan ko ang litrato niya. "Mahal na mahal kita."

Hanggang ngayon ay siya pa rin ang nilalaman ng puso ko. At hanggang ngayon ay hindi ako nagsasawang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya kahit sa litrato ko lamang ito masasabi.

Miss na miss na kita sobra.

Pinunasan ko ang luhang akmang tutulo sa mata ko. Nilagay ko na ang litrato niya sa tabi ng anak ko bago umalis ng kama. Nagsimula na akong mag-ayos sa sarili ko. Naligo ako at nagbihis ng damit pang-opisina pagkatapos. Kaya't maaga akong nagising at nag-ayos ay dahil may maaga akong schedule ng meeting sa umaga at marami pang dadating sa hapon.

Natapos na lahat-lahat na hindi pa rin gumigising si Anja pero hinayaan ko lang ulit dahil alas-siyete pa lang ng umaga. Kinuha ko na ang bag ko na pang opisina at naglakad papalapit sa anak ko. Hinalikan ko ang noo nito at tatalikod na sana nang makita kong unti-unting bumukas ang mga mata nito.

Kinusot-kusot nito ang mga mata nito bago tumingin sa akin na inaantok pa.

"Work, Daddy?"

Tumango ako. "Magwowork lang si Daddy, ha?" Hindi ito nagsalita.

Tiningnan ko ang relo ko at may isang oras pa ako bago magsimula ang meeting.

Tumingin ulit ako sa anak ko. "Gusto mong sumama kay Daddy sa work?"

Lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ko. "Pwede po?"

"Basta huwag ka lang makulit kapag nagtatrabaho ako."

Ngumuso ito. "Alam mo naman Daddy na hindi ako makulit." Sumimangot ang mukha nito.

"Talaga?" Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Kaya pala hindi natatapos ng mga nagtatrabaho sa opisina ang mga trabaho nila dahil may isang bata na makulit na nang-iistorbo sa kanila."

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon