CHAPTER 37

171 48 427
                                    

Chapter 37

JACOB'S POV

Pumunta ako sa hardin namin pagkatapos at walang ibang ginawa kundi ang tumayo lang at ramdamin ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa balat ko.

Habang nililibot ko ang paningin ko sa kalawakan ng hardin ay hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari kanina sa pagitan naming dalawa ni Zinnia. Hindi ko akalaing pagdating na pagdating ko dito sa bahay mula sa ospital ay madadatnan ko si Zinnia na umiiyak sa kwartong ako lang ang nakakapasok simula nang ipagawa ko iyon noon.

Ang kwartong iyon ay ipinagawa ko isang buwan pagkatapos ng malungkot na pangyayaring iyon. Ang kwartong iyon ay may dalawang dahilan kung bakit ko pinagawa at ang dalawang dahilan na iyon ay para sa kanya at para sa akin.

Para sa kanya dahil sa mga panahong pinapagawa ko iyon ay naisip kong ipinagawa ko ang kwartong iyon sa kanya dahil para malaman niyang kahit wala na siya ay pinapahalagahan at iniingatan ko pa rin ang mga memoryang magkasama kaming dalawa.

Para naman sa akin dahil para hindi na ako mas masaktan pa dahil sa tuwing naalala ko ang mga bagay na nagpapaaala sa kanya ay naalala ko siya. Alam ng sarili ko na sa mga panahong iyon kung saan sariwa pa ang lahat ng mga pangyayari sa akin na kapag naaalala ko siya ay iiyak lang ako ng iiyak hanggang sa hindi na kaya ng katawan ko at wala na akong mailabas na luha sa mga mata ko.

Lahat-lahat ng mga bagay na sa kwartong iyon ay mga alaala naming dalawa at mga bagay na nagpapaaalala sa kanya. Kahit saan mang sulok ka titingin, may importansya ang lahat ng mga bagay na nandoon. Mga litrato naming dalawa na halos sakupin ang kwarto. Mga litratong simula nang inamin ko ang nararamdaman ko sa kanya hanggang sa ikinasal na kaming dalawa. Mga regalo niya sa akin tuwing kaarawan ko ay nandoon din sa kwartong iyon. Ang damit din na ginamit namin sa araw ng kasal namin ay hindi pwedeng mawala sa kwartong iyon. Kahit nasira ang damit na iyon dahil sa aksidente ay hindi ako nagdalawang-isip na ipaayos ito kahit ang naaalala ko lang dito ay isang trahedya kung saan nagsimula ang lahat.

Kahit kailan ay hindi ko naisipang itapon o pabayaan na lamang ang mga bagay na iyon dahil mahahalaga ang mga ito sa akin. Minsan lang ako pumasok sa kwartong iyon pero ipinaparamdam nito palagi sa akin kung gaano kami kasaya pero kaalinsabay ang lungkot at pangungulila ko sa kanya.

Napapikit ako at huminga ng malalim.

Kumuyom naman bigla ang mga kamao ko nang maalala ang nakita kong mga pasa sa magkabilang braso at pisngi ni Zinnia kanina. Mukhang sinaktan ni Velasco si Zinnia dahil sa mga araw na magkasama kaming dalawa ni Zinnia ay wala naman akong nakitang mga pasa sa katawan niya. Alam ko ring hindi naman sasaktan ni Zinnia ang sarili niya ng pisikal kaya ang naisip ko kaagad pagkakita ko ng mga pasa ay si Velasco dahil kakabalik lang nito kahapon at paniguradong ito lang ang kasama ni Zinnia kagabi.

Minulat ko ang mga mata ko bago tumalikod dahil napag-isipan kong puntahan ngayon si Zinnia sa condo niya. Pagkaakyat ko sa itaas ay nakita kong bukas ang puting pinto kung saan pumasok si Zinnia kanina kaya lumapit ako dito. Bago ko e-lock at isarado ang pinto ay sumilay ang isang ngiti sa mga labi ko nang igala ko ang paningin ko sa kwarto bago ko ito tuluyang isinarado.

Pumunta ako pagkatapos sa kwarto ko at naligo. Then I just quickly dressed and groomed myself after I took a shower before I left the room and closed the door. Bumaba ako ng hagdan bago diret-diretsong lumabas ng bahay at pumunta sa garahe ko.

"Sir, saan po tayo?" tanong ni Manong pagkakita niya sa akin.

"Ako na lang Manong ang magmamaneho," sabi ko sa kanya.

Tumango naman ito. "Ah, sige, Sir. Ingat po kayo sa pagmamaneho." Ngumiti ako kay Manong bago pumasok ng sasakyan. Tinuturing ko si Manong Richard bilang ikalawang ama ko dahil mula pa noon nang maliit pa ako ay driver na siya ng pamilya namin. Kahit sinabihan ko na siya noon na huwag akong tawagin na 'Sir' ay tinatawag pa din ako nito. May mga oras din namang tinatawag niya akong 'Anak' o 'Iho' pero paminsan-minsan lang.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon