CHAPTER 16

269 73 1
                                    

Chapter 16

JACOB'S POV

"A-Ano pong nangyari sa k-kanya?" kinakabahang tanong ko nang makitang pumikit si Anais. Pagkatapos kasi nitong manganak at makita ang anak namin kahit sandali lang, pumikit kaagad ito.

Salamat naman dahil successful ang pagpapanganak ni Anais at walang naging problema.

"Relax, Mister, normal lang na ma-pass out ang asawa mo pagkatapos manganak. She's just tired and need some rest," sagot sa tanong ko ng babaeng doktor na nagpanganak kay Anais. Tumango ako senyales na naiintindihan ko. "Ikaw ba naman manganak tapos hindi ka mapapagod, diba?" dagdag nito.

Ngumiwi ako sa karagdagang sinabi ng doktor.

Oo nga naman noh? Ang bobo-bobo mo talaga Jacob.

Pero syempre naninigurado lang ako na walang mangyayaring masama sa kanya. First time ko na malagay sa sitwasyon na 'to kaya hindi ko alam kung ano ang dapat na gagawin.

A smile formed my lips immediately as I recalled what the doctor said a while ago. At least may sinabi siyang maganda maliban sa ligtas si Anais.

Asawa, huh? Malapit na.

Napabaling ako sa kanila. Hindi ko naman maiwasan ang maging emosyonal. Namuo ulit ang mga luha sa mga mata ko habang nakatingin sa mag-ina ko. Nang marinig ko ang malakas na pag-iyak ng anak ko ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Nang nilagay ito sa dibdib ni Anais ay pareho kaming tumunghay sa anak namin para makita ang mukha niya.

She's so beautiful!

Ayan agad ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko ng malapitan ang anak namin. Kahit bago pa ito ipatong kay Anais at hindi pa ito napapaliguan, alam kong kamukhang-kamukha talaga nito ang ina niya. Like her Mother, she has black eyes and pinkish lips, and pointed nose.

"Sir kukunin na po namin ang, Baby." Pinunasan ko muna ang luha ko bago tumingin dito.

"S-Sige." Maingat nitong binuhat ang anak ko.

Hinalikan ko muna sa noo si Anais bago lumabas. Agad namang tumayo sina Mama at Papa sa inuupuan nila pagkakita sakin.

Agad naman silang lumapit sakin. "Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?Kamusta naman ang apo ko? Si Anais?" dire-diretsong tanong ni Mama. Bakas sa mukha nito ang kaba at pag-aalala.

Pinunasan ko ulit ang luha kong pumatak na naman. I'm just happy. Tatay na talaga ako. May anak na ako. May pamilya na ako.

Naluluhang tumawa ako at umiling sa kanila. "Maayos naman pong nanganak si Anais, Ma, Pa. Walang problema. Tsaka babae po ang apo niyo," dagdag ko.

"Thank God." Nakahinga sila ng maluwag at namilog ang mga mata ni Mama. "Its a girl! Pwede ko na bang makita ang apo ko?"

"Ma, mas excited ka pa sa akin? Ako dapat ang unang makakabuhat sa anak ko." She just rolled her eyes. I laughed. Alam ko namang excited na sila Mama at Papa na makita at mahawakan ang apo nila.

"Hayaan mo na Jacob, ganyan talaga ang Mama mo, parang siya pa ang Tatay ng bata-Aray!" Kinurot siya sa tagiliran ni Mama.

"Huwag mong sasabihin ulit 'yan sakin!Syempre excited ako noh! Ikaw nga parang hindi ka masaya diyan."

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon