CHAPTER 39

179 45 405
                                    

Chapter 39

JACOB'S POV

"I told you already to stop drinking alcohol, Jacob!" Mama snatched the wine I was holding and took it away from me. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag ka ng uminom ng alak, ha? You've been drinking every day for the past few weeks, Jacob. Stop this nonsense already!" Mama said angrily to me, but I just ignored her. I closed my eyes and laid my head on the bed.

"Ma, please," mahinang sabi ko.

"No, Jacob! Ilang beses ko ng sinabi sayo na tumigil ka na sa kakainom pero hindi ka nakikinig sa akin! Hindi nakakabuti sayo ang ginagawa mo sa sarili mo!"

"Ma, please." Minasahe ko ang ulo ko dahil sumasakit bago ako dumilat. "Ibinalik mo na sa akin ang alak, Ma. Umiinom ako," sabi ko at sinubukang abutin mula sa kamay ni Mama ang alak pero iniiwas lang nito sa akin.

"Hayaan? Nababaliw ka na ba, Jacob? Kahit ilang beses ka pang uminom ng alak araw-araw! Kahit ilang beses mo pang ilunod ang sarili mo sa alak araw-araw, walang magbabago! Hindi mawawala kung ano man ang nararamdaman mo sa kakainom mo, Jacob! Tandaan mo 'yan!" Nakaramdam naman ako ng guilt nang makitang naluluha si Mama. "Hindi sa lahat na pagkakataon na kapag nasasaktan ka, iinom ka ng alak, Anak."

"Ma."

"Hindi ko naman sinabi, Anak, na huwag kang uminom pero huwag mo naman sanang sobrahin. Huwag mo naman sanang abusaduhin ang katawan mo dahil lang sa may pinagdadaanan ka ngayon, Anak."

Tumingala ako dahil sa pagpipigil ng luha na tumulo. "Sorry, Ma, dahil nagkakaganito ako ngayon. Sorry, Ma, dahil napaiyak kita ngayon. Sorry, Ma, dahil...dahil...a-ang sakit-sakit kasi, Ma. Pasensya na." Tinakpan ko ang mga mata ko. "P-Pasensya na, Ma." Naramdaman kong umupo si Mama sa tabi ko at niyakap ako.

"Naiitindihan ko, Anak, naiitindihan ko," rinig kong sabi ni Mama sa akin.

"I love her.....I loved her so much that I was hurt when she left me. Buhay ako, Ma, pero sa loob ko ay parang patay na."

Hinahaplos-haplos ni Mama ang likod ko. "I know. I know," pag-aalo ni Mama. "Hindi ka magkakaganito sa mga nakalipas na mga araw kung hindi mo siya mahal, diba?" Tumango ako sa balikat ni Mama. "Pero alam mo, Anak, kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman mo ngayon, dapat magpatatag ka. Ang sarili mo lamang ang makakatulong sa iyo, gaano man kahirap o kadali ang mga pinagdadaanan mo. Ang sarili mo lamang ang mapagkakatiwalaan mo sa nga panahong gaya ngayon na makakabangon ka kahit ano pa man ang pinagdadaanan mo, Anak." Hinalikan ni Mama ang ibabaw ng ulo ko. "Kaya umiyak ka lang, Anak. Ilabas mo lang ang lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon. Lahat ng mga luhang pinipigilan mo dahil nakikita kong pinipilit mong maging malakas at matatag, iiyak mo lang. Tandaan mo na nandito lang si Mama palagi. Pwede mo akong iyakin palagi sa balikat ko." Tuluyan na akong napaiyak sa balikat ni Mama sa sinabi niya.

Lahat-lahat ng halo-halong nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw ay inilabas ko. Iniiyak ko lahat-lahat. Dinaan ko na lamang sa pag-iyak ang sakit na nararamdaman ko dahil nagbabakasakali akong mawala kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko.

"I'm sorry you have to go through this," Mama said softly to me while still caressing my back. "Hindi ko man nararamdaman ang nararamdaman mo pero alam ko namang napakahirap."

"G-Ginusto ko, Ma, eh. Ginusto kong mahalin siya kaya nasasaktan ako ngayon," sabi ko sa pagitan ng pag-iyak.

"What really happened, Son?" Mama asked. "The only reason I know is Zinnia because you always mention her name even when you're sleeping. Pwede mo bang sabihin kay Mama, Anak?" Napaiyak naman ako nang maalala siya.

Ang dali-dali niyang sabihin na ayaw niya na akong makita bigla. Kung paano niya ako unti-unting sinasaktan sa mga salita niya hanggang sa hindi ko na kinaya. Hindi na kinaya nang sarili ko dahil sobrang nasasaktan na ako. Hindi narin ako makahinga ng maayos dahil sa kakaiyak. At kung paano niya ako iwan na hindi ko man alam ang dahilan kung bakit. Dapat nga masaya siya pero bakit siya umiiyak? Dapat natutuwa siya dahil desisyon niya iyon. Desisyon niya iyon kaya nasasaktan ako hanggang ngayon.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon