CHAPTER 15

286 75 1
                                    

Chapter 15

ANAIS' POV

Nakakabagot! Palagi na lang ako nandito sa loob ng bahay. Paano ba naman kasi, hindi na ako pinapayagan ni Jacob ngayon na lumabas. Halos wala na nga akong ginagawa dito sa loob ng bahay. Gigising, matutulog, kakain, manunuod ng t.v. at babalik na naman sa dating gawi. Nakakasawa na.

"Don't frown okay? Its for your own good." Umirap lang ako sa katabi ko at nilipat sa kabilang channel ang tv.

Kung gusto ko bang sumimangot, may magagawa ka ba? Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ako nakasimangot ngayon.

Tinuon ko na lang sa harapan ang atensyon ko. Tungkol sa iba't-ibang uri ng mga hayop ang palabas sa t.v. Pinapakita kung paano kumain ang mga hayop at ano ang mga kinakain nila. Saan sila nakatira at kung gaano katagal sila nabubuhay.

Nasa living room kami ngayon ng bahay nila at ang mga magulang naman nito ay umalis kani-kanina lang ng umaga. Kami lang dalawa dito ni Jacob at mga katulong nito sa bahay. Kada weekends ako sa kanila natutulog at weekdays naman kina Nanay at Tatay.

"Baby." Naglalambing na niyakap niya ako sa tagiliran pero hindi ko siya pinansin at tinutok lang ang atensyon sa pinapanood. "Magsalita ka naman please."

Tumaas ang kilay ko at inalis ang paningin sa pinapanood. Bumaling ako sa kanya. "Talaga?" paninigurado ko.

Siguraduhin niya lang kapag magsimula na akong magsalita ay hindi siya aangal.

Tumango at ngumiti naman ito. "Palabasin mo ako dito sa bahay kung ganun." Napangisi ako nang mawala ang ngiti nito sa sinabi ko.

Oh? Ano ngayon? Sabi mo magsalita ako diba?

Binitawan niya ako at napahilamos ito sa mukha. "Hindi nga pwede," sabi nito.

"Bakit ba? Lalabas lang naman ako ah?" Tumayo ako ng dahan-dahan at humarap sa kanya. "Naiinip na ako dito sa bahay, gusto ko ng lumabas."

"Anais 'wag kang makulit. Diba sabi ng doktor mo ay magpahinga ka? Alam mo naman this month mangaganak ka na. Please understand, Baby."

Sumimangot ako at nangilid ang mga luha sa mga mata, papaiyak na. Nagiging emosyanal na ako at palagi na lang umiiyak sa maliliit na bagay habang mas tumatagal at papalapit nang manganak. Naging mas overprotective narin sa akin si Jacob simula ng seven months kong pagbubuntis. Hindi niya na ako pinapalabas ng bahay, sa office room na siya nagtatrabaho at hindi na siya pumapasok kakabantay sakin.

"B-but I want to go out please." Pinunasan ko ang pisngi ko kung saan tumulo ang isang butil na luha.

I hate this!

"Kahit s-sandali lang tayong lumabas, okay lang sakin." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Kahit sandali lang okay na sakin, okay na okay. Gusto ko lang talagang lumabas ng bahay kundi iiyak talaga ako. Parang akong bata kung hindi binibigay ang gusto ko.

Alam ko namang ang kulit-kulit ko na at pilit kong pinipilit si Jacob sa mga gusto ko sa hindi niya mga gusto. Pero hindi ko mapigilan eh, umiiyak ako kung hindi ko nakukuha ang mga gusto ko.

Napapikit si Jacob at sumandal sa sandalan. Alam kong tinitiis lang nito ang pangungulit ko sa kanya araw-araw. Naawa ako sa kanya pero mas lamang ang kagustuhan kong masunod ang gusto ko. Ewan ko nga, hindi naman ako ganito dati. Nagsimula lang talaga nang buntis ako.

He opened his eyes at ibinuka niya ang mga braso. Agad naman akong lumapit sa kanya. Pagkalapit ko sa kanya ay agad nitong hinalikan ng matagal ang malaki kong tiyan at bumuntong-hininga pagkatapos.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon