CHAPTER 23

223 59 447
                                    

Chapter 23

JACOB'S POV

"Anais."

Sa mahabang panahon, ngayon ko lang nabanggit ang pangalan niya.

Lahat ng mga bagay na pinagdaanan ko. Lahat ng sakit na pinagdaanan ko ay unti-unting bumabalik. Ang sakit ng pagkawala niya. Ang sakit na iniwan niya sa akin, sa amin ng anak niya, sa aming lahat ay dahan-dahang bumabalik. Mga ala-ala na ang sakit-sakit ay unti-unting bumabalik sa akin. Ang mga masasayang alaala na mayroon kami na kaagad na napalitan ng sakit at kalungkutan. Ang mga alaalang pinilit kong kalimutan at ilibing ay dahan-dahang bumabalik.

Sa kanyang pagpasok lahat ay tumahimik. Walang gumawa ng ingay. Walang nagsalita. At wala sa amin ang may lakas ng loob na putulin ang nakakabinging katahimikan. Nakatingin lang ang lahat sa kanyang nakangiti at napakaamong mukha. Kahit ako ay tahimik at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Unti-unti narin ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko.

"Pourquoi sont-ils silencieux?"

Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya, halata naman ang pagtataka sa boses nito.

"I told you to speak English, didn't I?" sabi ni Velasco habang nakaharap pa din sa akin at may ngisi sa mukha.

Gustong-gusto kong suntukin ang mukha niya hanggang sa dumugo.

"Oh, I forgot." Nilibot nito ang tingin sa amin pagkatapos. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang lagpasan niya lang ako ng tingin.

Bakit?

"Anais, a-anak....." dahil tahimik ay rinig namin ang hikbi ni Nanay nang magsalita ito. Nakahawak ito sa dibdib sa bandang puso at parang hindi makahinga ng maayos.

Napabaling naman ito kay Nanay pero hindi nagsalita.

Dahan-dahang lumapit sa kanya si Nanay. Ang parehong pisngi ay basang-basa na ng luha, ngunit hindi na nag-abala pang punasan pa. Nanginginig ang mga kamay nito at katawan habang papalapit sa kanyang anak na nakatingin lang sa kanya at nag-aabang ng gagawin nito. Patuloy pa din sa paglapit si Nanay, ngunit hindi pa ito nakakalapit ng tuluyan nang harangan siya ng dalawang lalaking matatangkad. Tiningan nila si Nanay na napatigil sa paglalakad.

"What do you need from Ma'am Zinnia?"

Napakunot ang noo ko gaya ni Nanay na nagtataka din kung sino si Zinnia na sinabi ng isang lalaki. Seryosong lang ang dalawang lalaki na nakatingin kay Nanay at hinihintay ang sagot.

"Sino si Zinnia?" tanong ni Leo na nasa gilid ko. Nakatingin pa din ito kay Anais at bakas sa mukha nito ang gulat at pagtataka.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Aba malay ko," suplado kong pagkakasabi at muling humarap. Nakita ko pa itong ngumuso.

"Hi," bati ni Zinnia at pumunta sa harap ng dalawang lalaki upang makausap ng harapan si Nanay. "I'm, Zinnia."

Zinnia?

"Zinnia?" Nanay asked in shock.

"Yes, I'm Zinnia Velasco."

Parang nabuhusan ako ng malamig sa narinig.

Velasco..... Velasco..... Velasco.....

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon