31. The Truth

167 12 12
                                    

Tumango lang si Nathan nang tanungin siya ni Mark kung napansin ba nito si Ray.

Tatakbo na sana palabas si Mark nang muli siyang tawagin ni Nathan. Kita sa kilos nito ang pag-aalinlangan ngunit nakita rin ni Mark ang pangungusap ng mga mata nito. Kaya naisip niya na baka may mahalaga itong sasabihin tungkol kay Ray. Unlike Aki, Anxo, and Caleb, he didn't had the chance to bond with Nathan in the past. Most of the information he knew about him were from Aki and Kurt. Ang iba ay galing kay Caleb na nakasama nito sa fraternity noong college, at dahil na rin sa kapatid ito ni Nat. He kind of felt guilty he once suspected him for shooting Anxo. Nasa park din kasi ito nang mabaril si Anxo. Turns out, sinusundan niya lang din pala si Anxo at gusto niya lang din itong makausap.

"Matagal ko nang gustong sabihin 'to Mark. Nang personal. Parang hindi yata kami makaka-move on hanggat hindi ko ito nasasabi. Sorry. Sorry sa mga nagawa ni Dad sa FATE at salamat sa mga naitulong n'yo sa pamilya namin. Lalo na kay Nat. Siguro ang hirap lang magsimula ulit hanggat walang closure 'yung chapter na 'yon," halos maiyak na sabi ni Nathan na hindi pa rin maalis sa batok ang isang kamay. Nando'n naman ang sinseridad sa mga mata niya. Ang totoo, mas ramdam pa nila ang suporta ng FATE sa kanila kaysa sa suporta ng mga kamag-anak, ang dahilan kung bakit nila tuluyang inilayo ang mga sarili sa lahat. Kung sino pa 'yung mga kadugo nila, sila pa 'yung matindi ang naging panghuhusga sa pamilya nila. 

Natigilan si Mark nang marinig iyon mula kay Nathan. Alam niyang timid ang personality nito kaya hindi inaasahang kaya nitong masabi ang mga narinig niya. Hindi rin niya inaasahang pati siya ay kakausapin nito, wala pa naman siya sa FATE nang mangyari iyon. Pero natutuwa siyang kahit si Nathan, itinuturing na siyang isang totoong Rushton. "Alam ko, Nathan. Kahit hindi mo pa sabihin, alam ko na ang totoo. 'Wag mo nang isipin 'yon. We're actually sorry for your loss. Heard a lot about your dad, how good and kind he was. At alam ko ring it does not make him a bad person for that one mistake. He'd done other good things people should remember about him." Naalala niya ang mga naririnig niya noong bata siya kapag may nagsasabing disgrasyada ang ina, kabit, japayuki, pokpok, at gold digger. Kahit hindi noon naniniwala sa mga sinasabi ng iba, tumanim ang mga salitang iyon sa utak niya. Kaya nga about a year ago, nang malaman na may asawa ang kinakasama ng ina, umalis siya sa bahay nila. Hindi niya matanggap na magiging kabit ang ina. That's when he accepted his dad's job offer and moved to the penthouse. Soon, his book got published. Ang hindi niya inaasahan ay nang maging best-seller ito. Dinalhan pa nga niya ng kopya ng libro ang ina kanina, pero siya ang nasorpresa nang makita ang lahat ng editions ng libro niya na naka-display sa dingding ng resto. "At isa pa, lagi mong tatandaan that you are not your parents' mistake. Hindi mo kailangan bitbitin sa balikat ang mga pagkakamali ng ibang tao," bilin pa ni Mark.

"Salamat, bro," tugon ni Nathan. Ang totoo, nakausap na ni Nathan si Aki, ang mommy Ariella nito, at ang Chairman. Mark was supposed to be the last person on his list pero hindi pa rin siya nagkakaroon ng pagkakataon na makausap si Anxo. Ipinangako kasi niya iyon sa puntod ng ama at kamakailan lang nito nahanap ang lakas ng loob para simulang kausapin ang Rushton Family. He was genuinely grateful that FATE tried to cover the issue, iniwasan na as much as possible lumabas pa sa media ang nangyari sa company. Of course, at some point, he wanted to blame FATE. Kasi hindi naman magsu-suicide ang ama kung hindi ito nagkaproblema sa trabaho. But over the months, he was able to accept the fact that it was his dad's fault, his dad's choice. It was never his own decision nor his mistake. But as a son, he knew he could have stopped him and that's the saddest part of it.

"I heard about your dream house," sabi pa ni Mark.

"Oo, malapit nang matapos, kasisilip ko lang kanina. Salamat din sa pagsisikap ni Nat sa Japan," Nathan replied. Maluwag na ang pakiramdam nito nang masabi kay Mark ang matagal nang gustong sabihin dito.

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now