22. The Star (2)

172 11 9
                                    

Sa dami ng tao sa loob ng bookstore, nahanap pa rin talaga siya ni Anxo. Kaya laking gulat nga nito nang hawakan siya ni Anxo sa balikat. Halos magdikit pa ang mga mukha nila nang lingonin niya ito. At kahit gabi na, amo'y bagong ligo pa rin ang binata sa harapan niya. May suot itong puting long sleeve shirt sa loob na may itim na horizontal stripes habang suot ang itim na denim jacket.

"You're here," bungad ni Ray sa binata nang gumuhit ang ngiti sa labi nito. Noon na rin niya napansin si Mang George na nakatayo sa may pintuan ng bookstore. 

"S'yempre," nakangiti ring sagot ni Anxo nang itaas ang hawak na libro, ang kopya niya ng TPL.

Lalo tuloy natuwa si Ray sa binata. Tuwang-tuwa siya na supportive ito sa half-brother. 'Yun nga lang, nangamba siya nang hindi na makita si Nat at ang kahina-hinalang lalaki sa kinatatayuan ng mga ito kanina. Ibinalik nito ang tingin kay Mark na nasa kabilang dako para siguraduhing wala roon ang dalawang hinahanap. Napahawak din siya sa braso ni Anxo. Naalala niya nang mabaril ito. Agad niyang kinawayan si Mang George para palapitin ito sa kanila. Sinabi niya kay Mang George ang kutob niya kaya agad din nitong kinontak si Kurt na kasalukuyang nasa loob din ng mall. 

Nang muli namang lumingon si Mark sa dako nila, iba na ang nakita niya. Nakalabas na kasi sina Ray nang bookstore para hanapin ang kabilang dulo ng linya na ngayo'y malayo na sa CR. Mas lumapit na ang pila sa bukana ng bookstore. 

Pumuwesto naman si Kurt malapit kay Mark pagkatapos niya itong mabilis na kinausap sa phone. Dahil overtime na siya sa event, mas pinabilis ng babaeng host ang pace ng pila at ginawang per batch ang pagpunta ng fans sa harap ni Mark. Book signing at group picture taking na lang ang ginawa nila per batch. Nag-announce din ang host na kailangan na nilang putulin ang pila dahil limampung katao na lang ang maaari nilang i-accommodate. Nahihiya na nga rin ito kay Mark. 

Noon na lang napansin ni Mark sina Anxo at Ray na nasa bandang dulo ng pila. Mukhang nag-uusap ang dalawa at hindi na nila narinig ang sinabi ng host. Sa isip-isip naman niya, hindi na naman kailangang pumila ng dalawa. Nahihiya tuloy siya sa mga ito. Balak niya sanang kausapin ulit ang host para mapuntahan ang dalawa at paunahin sa pila ngunit nang muli niyang ibalik ang tingin sa dalawa, para bang gusto na lang niyang siya ang pumunta roon. Hindi nakatakas sa kanya ang ternong denim na suot ng dalawa. Mukha ring hindi maabala ang dalawa sa masayang usapan. Kitang-kita niya ang laki ng ngiti ni Ray habang kausap si Anxo. 

Alam-alam ni Ray 'yung pakiramdam na may nakatingin sa kanya. Kaya naman nang maramdaman iyon, agad niyang nilingon ang paligid at nang marating ang dako kung saan nakapuwesto si Mark, noon na lang niya nahuli ang tingin nito sa kanya. Hindi tuloy napigilan ni Ray ang agarang pagtaas ng kamay para ipaalam dito na nakita niya ito. Ngumiti pa nga ito bago ikinaway ang kamay sa binata. Nagulat tuloy siya nang biglang ibaling ni Mark ang tingin sa limang fans sa harapan niya. "Seriously?" singhal nito at hindi makapaniwala sa nangyari. 

"Oh, anong problema?" tanong ni Anxo. Pansin agad nito ang pag-iba ng mood ni Ray. 

"Dinedma lang naman ako ng kuya mo," iritang sagot ni Ray. 

"Baka hindi ka lang niya napansin?" 

"Kahit ang taas ng kaway ko sa kanya?"

"Marami pa kasing tao rito, at saka baka pagod na 'yon. But don't worry malapit na naman tayo," excited pang sagot ni Anxo.

"Wait lang po," pigil sa kanila ng babaeng host bago pa sila makahakbang para sundan ang lumalakad na pila sa unahan. Biglang nasa harapan na nila ito at noon na lang nila napansin na wala na ang ibang nakapila sa likuran nila kanina. Pagtataka tuloy ang rumehistro sa mukha ng dalawa bago muling nagsalita ang host, "Naku, hindi na po kayo abot sa book signing. Over na po tayo sa limit as announced earlier."

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now