4. The Rescue

232 22 17
                                    

Naalala ni Ray si Mark Alan Cortez nang naging kaklase niya ito sa isang minor subject noong unang semestre sa kolehiyo. Mas kilala ito sa tawag na Cortez. Guwapo ito, matangkad at palangiti. Noon mas nahasa ang stalking skills ni Ray. Kulang na lang, ilagay niya ito sa resume at tawagin ang sariling isang certified social media stalker.

Sa social media niya nalaman na engineering ang kurso si Cortez, malayo sa kursong kinukuha niya. Kaya nag-chat siya sa mga kakilala niya sa engineering department para malaman ang iba pang minor subjects nila. 'Pag nalaman niya raw ang minor subjects ni Cortez, kailangan niya lang malaman kung meron din siyang gano'ng subject para kaparehong schedule ang kunin niya.

Sa social media niya rin unang nalaman na varsity player ito. She's always been into sporty guys. Base sa mga laro at practice nito, magaling talaga ito sa basket ball kaya marami ring nagkakagusto. Nalaman na rin niya ang schedule ng practice nito through social media. Ito ang reason bakit irregular subjects kinukuha ni Cortez, para maka-attend sa daily practice.

Alam na rin ni Ray kung ilan ang kapatid ni Cortez at kahit ang itsura nito noong bata. Alam niya ring single pa ito. Minsan pa nga, aksidente niyang na-like ang lumang post nito.

Para naman malaman pa ang ibang detalye tungkol dito, gumawa sila ni Yurena ng fake na survey questionnaires para sa isang fake na communication research. Kunwari pinasagutan nila ito sa maraming respondents pero sa totoo lang kay Cortez at kay Andrew, crush ni Yurena, lang nila ito pinasagutan. Bilang kaklase, hindi naman siya matanggihan ni Cortez.

Kaklase pa rin niya si Cortez hanggang second year sa ilang subjects dahil sa marami pa rin itong minor subjects. Hindi pa rin nawawala ang feelings ni Ray para rito kaya tuloy pa rin siya sa stalking. Nang minsang sundan niya ito papunta sa covered court, doon niya naabutang nagbibihis ito sa hallway. Dahil tapos na ang mga klase sa katabing building ng court, walang ibang tao roon maliban sa kanya. Hindi naman kasi ine-expect ni Ray na gano'n ang mga lalaki. Na ayos lang sa kanila kahit kung saan-saan na lang magbihis. Naabutan niya ito nang hubarin ang polo at sando sa loob. Tumambad sa kanya ang abs nito. Nando'n pa rin siya nang hubuin nito ang pantalon para magpalit ng jersey shorts. Pero noon na rin siya nakita ni Cortez na nakatingin sa kanya.

Kaya  ngayon nang lapitan ng imbestigador sa ospital, noon na niya napagtanto na mali na ang ginagawa niya, na dapat na niyang itigil ang sobrang stalking sa mga crush dahil maaari talaga siyang ipahamak nito.

Nang magkamalay si Ray sa ospital, nagulat siya sa mukhang bumungad sa kanya. Napatanong tuloy siya sa sarili kung nasa langit na ba siya. Anghel ba ang lalaking nasa harapan niya? "Mark?" paniniguro pa niya nang kusutin ang mga mata. Tandang-tanda niya ang aliwalas sa mukha ng best-selling book author na tumambad sa kanya. Ang mukha ni Mark Jin, ang mukhang kusang tinititigan ng mga mata niya. Kakikita lang niya rito sa bahay nila kahapon, at hindi niya alam kung bakit nasa harapan na niya ulit ito. "Teka, nasa'n ako?" Nakahiga siya sa isang single na hospital bed at may kurtinang naghihiwalay sa kanila sa ibang tao sa kuwarto.

"Nandito ka pa rin sa ospital," mahinahong sagot ni Mark. Nakaupo ito sa tabi ng kamang hinihigaan niya. "Nawalan ka ng malay kanina nang kausap mo 'yung...."

"Teka," putol ni Ray nang tuluyang bumangon mula sa pagkakahiga. "Nasa'n na siya? Ipinapatawag niya ba ako sa police station? Dadalhin ba...?

"Shhhh," putol din ni Mark sa aboridong si Ray. "Okay na. Nakausap ko na siya. No need for you to go to the station. It's all good. 'Wag mo nang isipin 'yon. Nahihilo ka pa rin ba? May nararamdaman ka bang kakaiba?" Nakangiti pa ito nang idikit ang kanang kamay sa noo ni Ray.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Ray. Malapit pa rin ang mukha niya sa binata. Kulang na lang ay sabihin niya rito ang totoong pinagdadaanan ng sasabog na puso. 

"Ray?" muling tawag ni Mark sa nakatulalang dalaga.

"Yes, Mark. So-sorry. Pasensya na sa abala. Hindi ko alam kung bakit ako nawalan ng malay. Kanina pa ba ako rito? Nakaalis na ba 'yung lalaki?"

"Okay na nga. 'Wag mo nang isipin' yon."

"Hindi ko alam kung anong sinabi mo sa kanya pero salamat. Super thank you, Mark."

"Ikaw pa. Hindi ko na rin tinawagan si Rayco, sinabi naman ng nurse na okay ka na naman raw."

"Buti naman. Salamat talaga," ulit pa ni Ray. Hindi niya maalis ang tingin sa binata. "Pero teka, bakit nandito ka sa ospital? May nangyari ba sa 'yo?" Ngunit noon na rin natigilan si Ray. Naalala niyang kailangan nga pala niyang malaman ang kalagayan ni Anxo.

"Dahil kay Anxo. Nandito ka rin dahil sa kanya, 'di ba? Kaya ka kinakausap noong lalaki kanina?" sagot naman ni Mark na ikinagulat ni Ray.

"Bakit mo kilala si Anxo?" naguguluhang tanong ni Ray.

"'Yan din sana gusto kong itanong sa 'yo," sagot ni Mark.

"Ano na bang update sa kanya? Alam mo ba? Okay na ba siya?"

"Bago ka nawalan ng malay kanina, katatapos lang ng operasyon niya. And it went well sabi ng doktor. 'Buti na lang at walang tinamaang internal organs at major arteries. He's now in his room. Hinihintay na lang namin siyang magkamalay."

"Mabuti naman. Sana magising na siya. Wait. Namin? What's exactly is your relationship with Anxo?"

"Well, I'm still not used to saying this but, yeah, I'm his brother."

[≡] 〆( ・⺫・‶)

Author's Note: I guess I enjoy writing this story at siguro 'yon ang mas mahalaga sa ngayon. May goal ako na tapusin ang story no matter what. How is it so far?
どうもありがとうございました.
❤️❤️❤️

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now