24. The Broken Glass (2)

148 11 11
                                    

(Hey guys, sorry for my hiatus. A lot had happened 🙊 Sorry din for this very short update. Ang totoo matagal na 'to sa draft ko at ewan ko ba kung bakit hindi ko pa na-post noong nakaraan. Pero eto na siya. Love you all, stay safe 💛💛💛) 

Tiningnan siya ng tita niya sa mga mata niya na para bang may hindi magandang nangyari sa dalawa.

"Ano nga pong nangyari?" Naalala niya nang kabahan siya kanina sa penthouse nang mabasag ang plato ng pichi-pichi.

"Puntahan mo muna si Renren," seryoso pa ring sagot ng tita niya.

Dumiretso si Ray sa kuwarto sa taas para puntahan ang kapatid. Naabutan niya itong nakaupo sa sahig. At habang nakasandal ang likod sa frame ng kama, napahagulhol ito nang malakas nang makita ang ate niya. "Ate, sa'n ka ba lagi pumupunta? Bakit ba laging wala ka rito?"

Agad niyang niyakap ang kapatid. "Bakit ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak? Nasaan sina mama?" Ang daming mga bagay o pangyayaring sumusulpot sa isipan niya. Mga bagay na ayaw niyang mangyari. Mga salitang ayaw niyang marinig.

Habang nag-uusap ang magkapatid sa kuwarto, pinapasok din ng tita niya sa loob sina Anxo at Manong George. Ipinaghanda niya ang mga ito ng maiinom bago nagkuwento.

Nang makabalik naman si Anxo sa penthouse, dumiretso na agad siya sa kanyang kuwarto na para bang iniiwasang makita si Mark—na kasalukuyang nagsusulat doon sa sarili nitong silid. Ayaw namang isipin ni Mark ang mga sinabi ng ama sa kanya kanina dahil sa lalo lang siyang nagi-guilty. 

Habang mag-isa sa kuwarto, hindi maalis sa isipan ni Anxo ang sinabi ng tita ni Ray sa kanila. Hindi niya rin alam kung tama ba ang ginawa nila na umalis na lang doon nang hindi nagpapaalam kay Ray. Kaya hindi na rin niya napigilan ang sarili at tuluyang pinuntahan si Mark. Naabutan naman niya ito sa kuwarto nito habang nagsusulat sa kanyang laptop. Ngumiti si Mark nang kumustahin siya nito.

"Okay ka lang ba?" tanong pa sa kanya ni Anxo. He looked worried, as if he knew something Mark didn't want to tell him. 

"Ewan," sagot ni Mark. "Matagal mo na rin bang alam?" 

"Oo e," nag-aalangang sagot ni Anxo at hindi makatingin nang diresto sa mga mata ni Mark.

"Oh God. I don't know what to say. I can die right now. Please," sagot nito nang mabilis na isinara ang laptop at saka sumubsob doon.

"Kuya. It's not your fault."

"Sorry, Third. Sorry for ruining everything. 'Yung mere existence ko sa mundong 'to, isa iyong napakalaking pagkakamali," naiiyak nitong sabi sa kapatid nang tuluyang hawakan ni Anxo ang balikat nito.

***

Nang masabi ni Renzy sa ate niya ang nangyari, hindi nagpapigil si Ray at agad dumiretso sa ospital. Habang nakasakay sa tricycle, inalala niya ang mga araw na masayang-masaya ang kumpleto nilang pamilya. Lalong-lalo na nung mga bata pa sila ni Rayco.

Noo'y lagi pa siyang kinakarga ng ama sa likod at naniniwala pa siya na siya ang paborito ng ama. S'yempre, wala pa si Renzy noong mga panahong iyon. Kahit saan magpunta ang ama kapag umuuwi ito, ayaw niyang hindi ito kasama. Lagi namang hawak ng mama niya ang kamay ni Rayco at takot na takot na mabitiwan iyon. 'Yung moment na 'yon ang paulit-ulit na sumasagi sa isipan niya habang tumutulo ang mga luha.

Hindi na niya nahintay ang sukli mula sa driver ng sinakyang tricycle at mabilis pa sa alas-kwatrong pumasok sa loob ng ospital. Nang makita si Rayco na nakatayo sa isang mahabang pasilyo ng gusaling iyon ng ospital, tumakbo na ito nang mabilis para malapitan ito.

"Kuya, why didn't you tell me? Nasaan si ma?"

Pero bago pa makasagot, he started crying. "Kasama ni dad."

"Wait, what? Kelan pa ba umuwi si dad?" 

"Matagal na siguro siyang nakauwi, Ray."

"Kelan pa nga? Bakit hindi ko alam? And'yan ba sila sa loob?" Nakatingin si Ray sa nakasaradong pinto ng kuwarto.

"Pumasok ka."

***

"Don't say that, Kuya. Napakabuti mong tao, wala kang kasalanan sa mga nangyari," sabi pa ni Anxo. 

"Tapos, ang dami ko pang hindi nasasabi kay Ray," sagot ni Mark. 

Naalala ni Anxo 'yung mga pagkakataon na napapansin niyang umiiwas si Mark kay Ray at hindi mapigilan ang sarili na ikonekta rin iyon sa mga nangyayari. Naalala rin kasi niya ang kuwento ng Tita Ana ni Ray sa kanya kanina. 

"Ewan ko, Third," naiiyak pa ring sagot ni Mark sa kapatid. "Pero dahil do'n, hirap na hirap akong harapin si Ray. Lalo ngayon na alam na siguro niya. Matagal ko nang alam, pero dapat pala sinabi ko na sa kanya. Lalong-lalo na kapag napapag-usapan na namin ang dad niya." Naalala pa ni Mark nung araw na mag-decide siyang umalis sa bahay nila, last year nang iwan ang ina. 'Yun din ang araw bago siya nakipagkita sa ama sa FATE at tuluyang tanggapin ang job offer nito. 

Noong araw ring iyon, pagkatapos makipag-usap sa ama, inihanda na nito ang mga gamit para makalipat na ng bahay. Ayaw niyang magalit sa ina kaya hindi na niya inulit dito ang mga nalaman niya at ang isa sa mga dahilan kung bakit pinili na lang niyang umalis sa bahay nila. Ayaw niya ring husgahan ang ina. At kahit ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanya, hindi niya rin kayang putulin ang kasiyahan ng ina. Hindi rin naman niya kayang pagmasdan ang kasiyahan nito lalo't alam niyang may ibang tao itong nasasaktan.

Umiiyak ang ina nito nang umalis siya sa bahay nila. Nakatayo ito sa labas ng bahay nila. May suot pang apron at hawak na sandok. Bago binuhay ang makina ng dalang pick up, tumingin muna si Mark sa lalaking katabi ng ina. Ngumiti pa ito sa kanya kaya lalo siyang nagmadaling makaalis doon. 💔💔💔

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now