7. The Special Offer (2)

205 19 32
                                    

Nang tumingala si Ray, doon niya napagtanto na si Rayco ang nakabanggaan. Nasipat din niya si Mark sa may likuran nito. Nakasuot ito ng itim na polo shirt na may maliit na logo ng FATE na tulad ng suot ni Rayco. Ang buhok nitong kadalasang naka-brush up ay bagsak ngayon.

"Bakit gabi ka na?" iritang bungad ni Rayco sa kapatid. Agad din itong lumayo kay Ray at hindi na napansin ang takot sa mga mata nito. Pero hindi iyon nakatakas sa mga mata ni Mark.

"Raymen girl," bati ni Mark. "Are you okay?" Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala.

"'Y-yung lalaki, n-nandito siya," nauutal nitong tugon habang itinituro ang bahagi ng sidewalk kung saan nakita ang kahina-hinalang lalaki.

"'Yung nasa CCTV? 'Yung nakita mo sa park? 'Asan na siya?" sagot ni Mark ngunit hindi na masipat ang lalaking sinasabi ni Ray.

"No way, and'yan lang siya seconds ago," naiiyak na sagot ni Ray.

"Let's go, punta kami sa cafe," yaya ni Rayco nang hilahin ang kapatid sa braso. "You need water."

Nang makalabas sa cafe, nagpresenta si Mark na ihatid sa bahay ang magkapatid. Si Rayco ang umupo sa shotgun seat habang sa backseat naman si Ray. They talked about Anxo. Iniisip rin ni Ray kung paano ito haharapin. Ang worst case scenario ay ang hindi siya matandaan nito. Mapapahiya rin siya kay Mark 'pag nagkataon. Pero handa na rin siyang isugal iyon kung para sa safety niya at ng pamilya. "Para sa pamilya? Walang landi thoughts? Sure ka ba ro'n, gurl?" bulong ng konsiyensiya niya.

"Hindi ko alam e," sagot naman ni Mark sa tanong ni Ray tungkol sa kapatid.

Nagulat si Ray pero inisip na lang niya na baka nga hindi ito gano'ng ka-close kay Anxo. Alam ni Rayco ang dahilan pero hindi na nito mapigilan ang pagiging usisera ng kapatid. "I see, pero ano bang posisyon niya sa FATE at masyado yata itong overprotective sa kanya?" tanong ni Ray.

"Ray, you're being nosy," muling saway ni Rayco sa kapatid. Umiinit na naman ang ulo niya rito.

"I need to know, tutal nadamay na rin ako rito," angal pa ni Ray bago suminghal nang malakas.

"Ray, watch your words," singhal ni Rayco sa kapatid.

"She's right," sabi ni Mark kay Rayco nang bahagyang lumingon sa likuran. "She needs to know. But before I tell you more, we need your answer. Please understand that some details and information are truly confidential. I will tell you everything once you joined us."

Sa isip-isip ni Ray, ang dami na agad sinabi ni Mark. Pero hindi na lang ito sumagot sa binata.

"Bakit nga ba hindi p'edeng may separate unit?" tanong ni Rayco.

"Bro, you've been to the place, you know why," may kompiyansang sagot ni Mark.

Noon naalala ni Rayco ang tinutukoy nito. Doon niya rin nakilala si Mark nang minsang isama siya ni Caleb. "Oo nga pala. Ray, ako na bahalang mag-explain kay mama."

"Pero alam mong ayokong iwan sina mama," protesta ni Ray.

"Ako na bahala. Pababayaan ko ba naman sina mama," sabi pa ni Rayco nang lingonin ang kapatid sa backseat.

"You mean...?"

"Yes," he confirmed.

Bago matulog, kinausap ni Rayco ang ina. Kaya noong gabing iyon nagsimula na si Ray mag-impake ng mga gamit. Hindi niya maintindihan pero naiiyak siya habang nag-iimpake.

Kinabukasan, maaga ang naging meeting nina Ray tungkol sa project for FATE. Maaga siyang nakauwi kaya itinuloy na lang nito ang pag-iimpake sa kuwarto. Tinulungan pa siya ni Yurena na agad sumugod sa bahay nila nang marinig ang balita. Lingid naman sa kaalaman ni Ray ang lihim nitong pakay. "Bes, CR lang ako," sabi nito kay Ray nang lumabas ng kuwarto. Katapat lang ng kuwarto nina Ray at Renzy ang kuwarto ni Rayco. Bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto ni Rayco kaya hindi napigilan ni Yurena ang sarili na sumilip. Pero nang makitang nasa loob ang hubad na si Rayco, noon niya rin sinadyang itulak ang pinto. "Ay, sorry po, kala ko CR," mahinang tili nito.

Nagulat si Rayco nang makita si Yurena. Kasalukuyan kasi itong nagbibihis. "Sa baba, Yurena," turo nito sa dalaga.

Nang makababa si Yurena, itinuloy ni Rayco ang pagbibihis at saka nagtungo sa kuwarto ng kapatid. "Need help?" bungad niya kay Ray.

"Mamaya na lang kuya 'pag ibinaba ko ang maleta. Ano pa lang sinabi mo kay mama?"

"Ah sabi ko may project ka sa FATE, that's why need mong mag-stay in sa hotel ng FATE."

"I see. Bakit 'pag ikaw ang nagsabi kay mama, parang ang dali-dali lang?"

"S'yempre, ako favorite ni mama," biro ni Rayco. Pero alam naman ni Ray na totoo iyon. Sa tuwing dumadating ang package ng ama, si Rayco muna ang unang pinapapili ng ina. Tapos lahat naman ng para kay Renzy, may separate na balot o may nakasulat nang pangalan nito.

"Okay lang. 'Di ba ako naman favorite mo?"

Napasinghal si Rayco. "Nasa'n na si Renren?"

Nang sumunod na araw, wala silang naging meeting para sa project for FATE. Nakapagpokus siya sa ibang mga task niya. Maagang natapos ang trabaho. Nagpasama siya kay Camberina na bumili ng toiletries. "Sa'n ba camping mo?" pag-uusisa pa ni Camberina habang pinupuno ni Ray ang shopping basket. Malawak ang supermarket kaya kahit maraming namimili hindi siksihan sa mga aisle. "Alam mo namang first time ko umalis sa bahay."

"Hindi halata. Naku, anong sabi ng mama mo? Magwo-worry 'yon for sure."

"Hindi 'yon. Walang magbabago sa bahay. Baka nga hindi mapansin ni mama na wala na ako sa bahay pagkaalis ko. Nando'n naman sina kuya at Renren."

"Drama mo, gurl. Basta alam ko worried 'yon." Bitbit rin ni Camberina ang basket niya na may lamang ilang piraso ng sabon at bote ng shampoo.

"Ni hindi nga niya ako kinausap no'ng sinabi sa kanya ni kuya na lilipat ako."

"Tampo pa, bakit ka nagkakaganyan?"

"Wala lang 'to gurl. Okay! 'Yan, kumpleto na. Pumila na tayo," sabi nito nang ilagay ang nakakahong 140g na toothpaste sa basket.

Linggo nang hapon nang sunduin ni Mark si Ray sa bahay. Saktong wala ang ina at ang magkakapatid lang ang nadatnan nito sa bahay. Si Rayco ang sumalubong kay Mark. Handa na ang dalawang maleta ni Ray sa salas. Nang mailagay ang mga maleta sa kotse ni Mark, agad na ring sumakay si Ray. Hindi ito tumitingin kay Renzy dahil alam niyang maiiyak siya. It's not like she's going to a very far place. Sanay lang talaga siya na laging may kasama sa kuwarto. Sanay siyang palaging nakikita ang kapatid. Habang hindi pa niya naitataas ang tinted na bintana ng sasakyan, noon siya tinawag ni Renzy, "Ate, video call tayo mamaya ha."

"Okay, ba-bye na," sagot nito habang pinipigil ang pag-iyak bago tuluyang isinara ang bintana.

Nang makarating sa parking area ng FATE Tower 2 kung nasaan ang sinasabing unit, sinalubong sila ng isang lalaking naka-polo barong. Binati nito si Mark at saka kinuha ang mga maleta ni Ray sa likod ng kotse. Dumiretso sila sa elevator para umakyat sa 34th floor ng building. Nang marating ang nasabing floor, hindi hallways ang tumambad sa kanya. Sa halip, isang malaking Balinese na pinto ang naroroon. Pumindot si Mark ng ilang numero sa keypad ng digital lock na nakakabit sa tabi ng pintuan. Nang mabuksan ang pintuan, nagulantang siya sa bumungad sa kanila.

〰️〰️〰️〰️〰️

Author's Note: Hey!!! Anong ineexpect n'yo sa next UD? Comment below. If you like this update please don't forget to vote by clicking the star button. 감사합니다❤️❤️❤️

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now