33. The Day He Left

158 11 11
                                    

Nang iwan ni Josh ang dating kaklase na mag-isa sa loob ng nakakandadong silid, walang ibang sumagi sa isip ni Ray kundi si Mark. Kung paano niya ito mapipigilang papuntahin sa lugar na 'yon. Hindi niya maintindihan kung bakit habang tumatagal, tila ba'y mas umiigting ang tali sa mga kamay niya. Dahil nasa likod ang mga kamay, kahit ang pagkamot sa braso ay hindi niya magawa. Puno ng alikabok ang sahig at ramdam niya rin ang paglagkit ng buhok. Kapag aaninagin niya ang nag-iisang bintana sa loob ng kuwarto, pansin niya ang bakal na railings sa likod ng itim na kurtina at tinted na bubog. Hindi rin niya alam kung saan itinago ni Josh ang phone. She felt hopeless. Wala na rin siyang tiwala sa utak n'ya, kung kakayanin pa ba nitong mag-isip ng solusyon para sa kinahaharap na suliranin. 

***

Nang makaalis si Josh, binilin nito sa dalawang lalaki na iniwan sa loob ng gusali na bantayang maigi ang dalaga. Kaya nga hindi umalis ang dalawa sa harap ng pintuan ng kuwarto. Sandali lang sumilip sa labas si JC, mataba at kulot ang buhok, nang may marinig na kaluskos mula sa labas. Naka-sando at jersey shorts lang ito at mukhang may uling pa sa kanang kamay. 

Walang ibang gusali na malapit doon. Ang pinakamalapit na ngang establesimiento sa kinaroroonan nila ay ang maliit na bahay na nadaan nila sa kanto bago lumiko sa makipot na kalsadang nagdala sa kanila sa gusaling iyon. May barbed wires na nakapalibot sa lote na kinatatayuan ng tila'y abandunadong gusali. Mataas ang mga damo sa likod ng lote.

***

Alalang-alala si Anxo nang hindi nito napigilan si Mark sa plano. Binigyan lang siya ni Mark ng isang malaking ngiti bago nagpaalam. Mabilis ang ginawang pagtakbo ni Mark para mapuntahan agad ang sportsbike. Doble ang bilis noon kumpara sa isang ordinaryong motorsiklo.

Tumawag muna si Mark sa phone number ng ina bago sumakay sa itim na sportsbike. Muli itong humingi ng tawad sa ina. "Saka, happy birthday po pala, ma. Pasens'ya na kayo at hindi ko na kayo nabati kanina," turan pa nito.

"Balik ka na lang dito, Mak. Saka 'wag na 'yung motor ang dalhin mo, delikado naman iyon. Hihintayin kita rito anak," hiling ni Alicia mula sa kabilang linya. 

Hindi agad ito makasagot sa ina. Alam niyang delikado ang gagawin niya. Bago putulin ang tawag, sinabi niya rito kung gaano niya ito kamahal. Pagkatapos nitong isuot ang helmet, agad nitong pinaharurot ang motor na sinasakyan. 

***

Tila na ang ulan nang tuluyang makabalik si Josh sa lugar kung saan iniwan si Ray pagkatapos nitong maihatid ang supplies sa ramen house. Ipinirada niya ang pulang kotse sa harap ng lumang truck na nandoon din sa harapan ng gusali. Halos tuyo na rin ang sementadong harapan. Nang makababa sa kotse, may bitbit itong paperbag na siyang nagpabagal sa paglalakad niya. Pagkatapos salubungin ni Tony, payat at mahaba ang nakapusod na buhok, agad siyang pumasok sa loob ng gusali para buksan ang kuwarto kung saan iniwan si Ray. "Sino 'yan? Josh?" rinig pa nitong tawag ni Ray mula sa loob ng kuwarto. 

Pagkabukas niya ng pinto, ang maputlang mukha ni Ray ang bumungad sa kanya. Kaya naman agad nitong inilabas ang dalang ramen mula sa dalang paper bag. Mainit pa iyon at siya mismo ang naghanda para mismo kay Ray.

"Hindi ramen ang gusto ko Josh, ang gusto ko itigil mo na 'to," kinakapos ang hiningang hiling ni Ray. Bakas sa mukha nito ang labis na stress at takot. Sobrang dami nang nangyari sa kanya para sa isang buong araw.

"E baka mamaya pa makarating ang jowa mo.' 'Tsaka walang lason 'yan, malinis 'yan," sabi pa rito ni Josh na para bang nasa ramen house lamang sila.

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now