32. The Choice

157 13 10
                                    

Rayco also remembered the first time he spoke with Mark. 

Hindi niya sana ito gustong kausapin pero dahil makulit si Nat, napilitan siyang isama ito sa SAB (Students' Activity Building).Takang-taka pa rin si Mark kung bakit siya ipinatawag ni Rayco ga'yong never naman silang nag-usap nito. Hindi pa niya inaasahang maabutan itong kausap sina Otep. Akala tuloy niya, member ito ng fraternity at iimbitahan siyang sumali sa grupo. Takot siya sa sasabihin ng ina kung sakaling mauwi doon ang pagkikita nila ni Rayco. At kung mangyayari 'yon, takot din siya na ilihim iyon sa ina. Bilin na bilin pa naman nito sa kanya na kahit anong mangyari hindi dapat ito sumali sa kahit anong fraternities. Hazing kasi ang ikinamatay ng kapatid ni Alicia noon. Kaya bukod sa nagulat si Mark na inakbayan siya ni Rayco, nagulat siya nang lapitan nito si Ray nang papunta sila sa SAB. Nasalubong nila ito sa hallway. Narinig lang nito kanina ang pangalan ni Ray sa usapan nina Rayco at Otep, biglang nasa harapan na niya ito. Nagulat pa siya sa asaran ng dalawa. At dahil sa pagtawag ni Ray ng kuya kay Rayco, noon na niya mas naintindihan kung bakit kinausap ni Rayco sina Otep kanina. Hindi nga maalis sa isip niya ang sinabi ni Rayco sa mga ito. Bagay na pumigil sa kanya para ngitian si Ray nang ngumiti ito sa kanya. 

Tuwang-tuwa si Nat nang madala sa office si Mark. Pagod na pagod na kasi ito sa paghahanap ng p'edeng pumalit kay Rayco. Ayaw niyang bumagsak ang pinaghirapan nilang dalawa. Nalaman kasi ni Nat na bukod sa madalas sa library si Mark, isa rin ito sa may pinakamataas na grades sa cream section ng Third Year. Naisip agad nito na perfect si Mark na maging president ng iiwan nilang book club. Si Rayco ang kasalukuyang president noong mga panahong iyon at si Nat naman ang secretary nito. Malaki ang additional points na makukuha ni Mark for extra-curricular activities sa Final Year niya sa academy kapag naging president ito ng club. Kaya naman laking gulat nila nang tanggihan nito ang alok. Hindi raw ito interesado na agad na ring nagpaalam sa kanila.

Nang sumama sa bahay nina Rayco si Nat, doon na nila naabutan si Ray. Pansin naman agad ni Ray ang gusot sa mukha ng dalawa. Kaya naman doon na rin naulit ni Nat kay Ray na may problema sila ni Rayco. Na walang gustong tumanggap sa posisyon ni Rayco from third year students. May iba't-ibang rason ang lahat ng mga estudyanteng nakausap nila. Kaya rin laking gulat ng dalawa nang marinig ang suhestiyon ni Ray. 

"Anong sabi mo?" paniniguro ni Rayco.

"Ako na lang, sabi ko," ulit ni Ray.

"E kaso 'di papasa ang grades mo," malditang sabi ni Nat.

"Why not?" sabi naman ni Rayco. "I mean, wala naman sa rules ng club na dapat mataas ang grades ng maa-appoint na president. And well, kaya lang naman nagkaro'n ng ganitong book club before ay dahil sa seniors natin na naghahabol sa grades nila."

"So pasok na ako, kuya?" excited na sagot ni Ray. Na-imagine na agad niya na president na siya ng isang club. At kung magkakataon, iyon ang magiging highlight ng high-school life niya, sa isip-isip niya.

"Pag-iisipan muna namin ni Nat."

"Please, kuya!"

***

"I'm positive I'm also the reason why she left the penthouse, I made her so confused about everything," sabi pa ni Rayco. Hindi ito umaalis sa tayo, nasa tabi lang ito nang pintuan ng penthouse. "Gulong-gulo na siguro 'yon. Tapos, wala pa siyang support na nakukuha mula sa kuya niya. Ang dami-dami ko pang hindi sinasabi sa kanya. Hating dad for what he did, pero nadamay na si Ray," bida rin nito. "I was mad thinking that dad was only planning to give the resto to Ray... after finding out na matagal nang nakauwi si dad, while he's preparing for the resto. Para hindi na siya umalis ng bansa. 'Yung resto na dream ni Ray nung bata pa ito, nung mga bata pa kami."

"Magtatayo ng resto si Tito Raymond?" paniniguro pa ni Nat.

Napatingin din si Mark kay Rayco. Dahil kay Kurt, alam na rin kasi nito na nakauwi na ang ama ni Ray at isa iyon sa mga gusto niya sanang masabi kay Ray bago ito umalis sa penthouse. *Bukod 'yon sa mga dapat niyang sabihin dito tungkol sa trabahao nito sa TA. 

"Ganun na nga, Nat. Was supposed to be a surprise but I accidentally found out," pag-amin ni Rayco. The day he found out about that was the day when he posted a group photo on Pixtagram, a family photo, as per his caption, without his dad and Ray on it. Bago kasi ma-ospital ang ina, hindi pa nasasabi ni Rayco ang nalalaman niya tungkol sa ama. Kahit dismayado sa ama, gusto pa rin sana niyang ma-surprise ang ina. 'Yun nga lang napunta siya sa sitwasyon na kailangan na niyang sabihin ang totoo sa ina. Wala noon sa bahay si Rayco nang naikuwento ng Tita Ana nila na madalas nitong makita si Raymond sa Resto Asyano. Kaya bukod sa nagulat ang mama nila, galit na galit din ito sa asawa. Hindi niya matanggap na wala itong kaalam-alam na matagal nang nakauwi ang asawa. Tumaas pa nga ang BP nito, uminom ng maraming gamot na akala niya'y magpapababa sa BP niya. Noon na ito agad na isinugod sa ospital kung kailan saktong nakarating sa bahay si Rayco. 

Nang makuha ni Anxo ang phone sa pool area, mabilis siyang bumalik sa kinatatayuan ng lima.

Dahil naman sa sinabi ni Rayco, noon na naisip ni Mark na baka nga galing din sa resto ang ama ni Ray kanina, knowing it's her mom's birthday today, at posibleng nagkita pa roon ang mag-ama. "Wait. So, Ray thought na kabit ng dad n'yo si mama?" nag-aalalang tanong nito nang isara ang pinto ng penthouse nang makalabas na ang lahat. He felt weird saying that. Hindi rin nito maalis ang pansin sa hawak na phone. Inisip niya tuloy na baka iyon ang dahilan kung bakit nga umalis si Ray kanina. 

"Hindi ba?" tanong ni Nat nang tingnan nito si Rayco. "Sorry, naguguluhan ako."

"No," mariing protesta ni Mark. "Ang alam ko... mag-best friend sila noong high school. But mama is now happy with Tito Falco. As such, they plan to get married soon," bida pa nito habang sinusubukan pa ring kontakin ang number ni Ray.

"Ah okay, Rayco, so umuwi ng bansa si Tito Raymond na hindi niya sinabi sa inyo kasi gusto niya kayong i-surprise sa itatayo niyang resto. Tapos, 'yung highschool friend niya na may resto, 'yung mama mo Mark, pinupuntahan niya para magpatulong sa itatayo niyang resto? Gano'n ba ang nangyayari?"

"Yes, Nat," korong sagot nina Mark at Rayco.

"But wait, sorry to ask bro, I thought married na ang Tito Falco mo," mahinang tanong ni Caleb habang naglalakad sila pabalik sa elevator. Kanina pa rin itong nakatingin sa phone niya.

"'Yun din ang alam ko. But turns out, Tito Falco was never married to Ms. Crista. At kaya naman daw umalis sa kanila si Tito Falco ay dahil sa nahuli niya si Ms. Crista na may kasamang iba. How sad. Kurt confirmed this bago ako tuluyang nag-decide na bisitahin si mama, I guess, I'm the worst for judging my own mother," bida pa ni Mark na nanginginig ang kamay nang pindutin ang triangle button sa panel board ng elevator para makababa sa lobby. Hindi maalis sa isip niya si Ray, knowing na kasama nito ang lalaking bumaril kay Anxo. Ang problema, hindi pa rin naman nila alam kung saan pupuntahan ang dalaga.

"You did? You're the man," sabi dito ni Caleb nang tapikin ang balikat nito. Masaya ito na nakipagkita na ito sa ina. Noong nasa penthouse pa ito, madalas nila iyong pag-usapan. "Kelan ka bumisita?"

Noon naman muling naalala ni Mark nang bumisita ang ama sa penthouse. Kung hindi siya binisita ng ama, baka hanggang ngayon dismayado pa rin siya sa ina, baka hindi pa rin niya alam ang totoo. Iyon ang araw nang naabutan ng *Chairman sina Mark at Ray sa pool area ng penthouse. Dahil sa natunghayan, naalala nito ang nangyari sa kanila ni Alicia sa Japan, ang matagal na niyang gustong sabihin sa anak. Bagay na hindi naman kinukuwento ni Alicia sa anak. Nakaalis na si Ray sa penthouse nang pumasok ang mag-ama sa loob. Naupo ang Chairman sa salas nang dumiretso si Mark sa kusina. Nagulat siya nang hindi na makita sina Anxo at Ray doon. Nang i-tsek niya ang phone, nakita niya ang text ni Anxo sa kanya. Sinamahan daw nito si Ray pauwi sa kanila, iyon ang araw nang ma-ospital ang ina ni Ray. "Yan solo mo na si dad," sabi pa nito sa text na may kasamang smiley na emoji. Nang mabalikan ni Mark ang ama sa salas, may dala na itong dalawang tasa ng tsaa. Tinabihan niya ang ama sa mahabang sofa na kinauupuan nito. "Dad, alam kong favorite mo, 'to. Matcha," sabi ni Mark nang iabot sa ama ang isang tasa ng tsaa kaya naman lalong naalala ng ama ang ina nito na mahilig din sa matcha. Tinapik nito ang balikat ng anak bago nito ibinalik ang tingin sa skyline habang inaalala ang nangyari sa kanila ni Alicia more than 20 years ago. "Son, the places we visited when I took you to Japan, those were the places where me and your mom fell in love," his dad told him. 

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now