18. The Chicken

165 15 19
                                    

Halos dalawang taon na ang nakalilipas mula nang huling beses nilang nakita si Nat sa penthouse. 'Yun din ang araw nang lumabas ang issue ng ama nito tungkol sa embezzlement ng funds ng FATE. Direktor pa naman ng FATE ang ama nito. Kaya nang matunugang alam na ng Chairman ang iskandalo, agad na itong nag-resign sa trabaho. Kaya bago pa rin pag-tsismisan ng mga empleyado sa FATE ang nangyari sa ama, hindi na rin muling pumasok sa opisina si Nat. Wala na siyang mukhang maihaharap sa mga taong tumulong sa kanila, lalong-lalo na kay Caleb. Pero hindi na rin hinayaan ng Chairman na kumalat pa ang issue nang mag-resign ang ama ni Nat at nang mag-AWOL ito. They dealt with it internally.

Pero ang mas ikinagulat ng lahat ay nang malamang nag-suicide ang ama ni Nat ilang araw pagkatapos nitong mag-resign sa trabaho. Ang pangyayaring ito ang mas lalong dumurog sa puso ni Nat.

Kahit masakit, iniwan niyang mag-isa ang kuya niyang si Nathan sa bansa at nagtrabaho sa Japan sa loob ng halos dalawang taon. Pinutol niya ang lahat ng kontak sa lahat ng mga kaibigan at kamag-anak nila. She was too chicken to deal with everything back then.

Alam niyang hindi sapat ang dalawang taon para makalimutan ng lahat ang nangyari. Pero alam niya ring hindi niya iyon kayang takasan nang habambuhay.

Nang makauwi at sunduin ni Nathan sa airport, wala siyang nagawa kundi ang umiyak at yakapin ito. Noon nag-flashback sa kanya ang lahat ng mga nangyari sa kanila noon. Simple lang ang suot niyang yellow na T-shirt na may naka-print na Japanese characters sa harap: 逃げるつもりはない. Translation: I'm not gonna run away. Ngunit sopistikada ang suot nitong jacket na bumagay sa mataas niyang boots. Kaya nang mapansin ang suot ng kapatid, pinagalitan pa niya ito. "Kuya naman, hindi ako nagpakahirap sa Japan para ganyang klase ng mga damit ang suotin mo, nagpapadala naman ako sa 'yo," naiiyak pang sabi nito sa kapatid habang nakatingin sa suot nitong kupas na itim na jacket at gray na T-shirt sa loob. Nakasuot din ito ng itim na sumbrero at halos matakpan na noon ang kalahati ng mukha nito.

Hindi naman ito nagsalita at ngumiti lang dahil sa sinabi ng kapatid.

"Itaas mo nga 'yang mukha mo," pakiusap pa ni Nat sa kuya niya. "Hindi mo kasalanan 'yon. 'Wag mo nang sisihin ang sarili mo. Basta pokus lang tayo sa mga plano na'tin. Para hindi na nila tayo muling apak-apakan," matatag ang boses pa niyang sabi rito.

"Alam ko," sagot nito nang iangat ang tingin.

"Thanks for doing the things for me here."

Nang maihatid ang kapatid sa tinutuluyang bahay, unang hinanap ni Nat ang picture ng ama na malapit sa maliit na altar nila sa salas. Ilang minuto siyang humiga sa kama pagkatapos magbihis bago niyaya ang kapatid na kumain sa labas. Noon sila dumiretso sa Meadow's Diner pero nang mapansing doon kumakain si Caleb kasama si Lucy, hindi na sila tumuloy sa loob. Hindi pa siya handang makita ito pagkatapos ng halos dalawang taon. Pumunta na lang sila sa 3rd floor ng Rushton's Mall at doon nakita ang paboritong resto nila ni Rayco.

Pagkatapos kumain, nagpaiwan si Nat sa resto. Hindi rin naman siya nagtagal doon. Bumiyahe siya patungong downtown. Pero habang inaalala niya ang nakaraan, dinala siya ng mga paa sa CNBar. Ilang bote rin ng alak ang nainom niya roon. Nang maramdaman ang pagsakit ng ulo, saka siya dumiretso sa ramen house na malapit sa Fate Enchanted.

Kinabukasan, agad niyang kinontak si Rayco. Hindi pa rin ito nagpapalit ng number at naitago niya naman iyon. Hindi maipaliwanag ni Rayco ang naramdaman nang marinig ang boses nito, ang boses na halos dalawang taon na niyang hindi narinig pero kilalang-kilala pa rin niya.

Gusto niyang magalit kay Nat. Pero nang marinig ang paghagulhol nito mula sa kabilang linya, ramdam na ramdam din niya ang sakit na pinagdaanan nito. Hindi lang niya maintindihan kung bakit pati siya ay kailangan nitong layuan. Magkaibigan na sila mula pagkabata . Siguro 'yon na rin ang naging dahilan kung bakit madali sa kanyang makipagkitang muli rito.

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now