15. The Secretary

170 16 34
                                    

Lunes nang muling makita ni Ray si Amber. Kasama ito ni Mark nang umuwi sa penthouse. Razored bob ang buhok nito at bumagay sa maliit na mukha nito ang bangs. May suot itong black na blazer at mataas ang heels. Saktong dinner pa nang pumasok ito. Nakaupo si Ray sa may dulo ng mesa kung saan katabi si Anxo. Nasa tapat naman ni Ray si Tara na siyang katabi ni Caleb. Doon umupo si Mark sa tabi ni Caleb at kahit doon sa tabi ni Anxo niya pinauupo si Amber, mas pinili nitong umupo sa tabi ni Mark. Napasimangot tuloy si Ray nang makaupo si Amber na agad ipinakilala ni Mark. Pansin ni Ray na iba talaga kung makadikit itong si Amber sa boss niyang si Mark. Ngayo'y mas maasim pa ang mukha niya sa lutong sinigang na baboy ni Aleng Tetay. Naalala tuloy niya ang istorya nina Aki at Mek. EA din ni Aki si Mek. At kung EA naman ni Mark si Amber, naisip tuloy ni Ray na posible ring may relasyon ang dalawa.

"Asim na asim ka d'yan, Ray," puna ni Tara. Suot na nito ang pambahay na pink pullover habang naka-bun ang buhok.

"Oo e pero masarap naman siya," sagot nito pero kay Mark nakatingin. Natutuwa siyang pagmasdan ang mukha nito sa tuwing titikman ang sabaw ng sinigang. Wala iyong reaksyon. 

"Anong mas bet mo 'yung ramen n'yo kagabi o itong sinigang ni Aleng Tetay?" usisa pa ni Tara. 

Tumingin ulit si Ray sa gawi ni Mark na abala na sa paglalagay ng sabaw sa bowl ni Amber.

"Syempre 'yung ramen," sabat naman ni Caleb nang tingnan si Anxo. Hindi pa nasasabi nina Anxo at Ray na nakita nila si Nat kagabi.

"Ewan, may kulang sa lasa ng ramen kagabi e," bimbing sagot ni Ray. 

"Talaga ba? Kaya pala hindi mo naubos ang ramen mo," turan ni Anxo kaya napalingon si Mark sa gawi ni Ray pero hindi naman nagkomento. 

"Sir Mark, mag-ramen naman tayo minsan," masiglang sabi naman ni Amber. Kulang na lang ay idikit niya ang mukha sa boss.

"Sige," tipid na sagot ni Mark.

Naiinis si Ray kay Amber kahit hindi pa niya ito masyadong nakikilala. Minsan na silang nagkita nang sunduin siya nito sa lobby ng FATE noong nakaraan. Naiinis din siya sa sarili kasi and judgy niya rito. At lalong naiinis siya kasi naaapektuhan siya sa nakikita.

"Okay ka lang?" tanong ni Anxo sa kanya nang mapansing tulala ito. Ngayon lang ni Ray napansin ang suot na glasses ni Anxo. Bagay ito sa binata. Well, for Ray, kahit naman anong isuot ni Anxo, babagay rito.

"Ah-yes, naisip ko lang 'yung nangyari kagabi sa ramen house," mahinang sabi niya para si Anxo lang ang makarinig.

"Bakit anong nangyari?" tanong ni Caleb. Bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"Wag kang magugulat. Pero, na-nakita namin si Nat sa ramen house kagabi," tugon ni Anxo. 

Hindi na naman nga nagulat si Caleb na agad nilingon si Ray. "Sinabi mo na ba kay Rayco?"

"No. Hindi pa kami nag-uusap ni kuya. Ano bang nangyari?" usisa ni Ray.

"Well, it's a long story. But to make it short, matagal siyang nawala tapos bigla na lang siyang nagpakita kahapon. I saw her as well... nang magkita kami ni Lucy sa Meadow's Diner," kaswal na bida ni Caleb. 

Bigla namang tumayo si Mark para kumuha ng drinks sa kusina kahit may orange juice na sa mesa. Noon na rin tumayo si Ray para sundan si Mark.

Binuksan ni Mark ang isa sa mga pintuan ng malaking ref sa kusina at nagulat nang maramdamang may tao sa likod. "Shit. Ray. Ano ba, kakagulat ka," angal nito. 

"Sorry may kukunin lang din ako. Ayaw mo ba ng orange juice?"

"Hindi umiinom si Amber ng orange juice."

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now