14. The Next Date

165 18 16
                                    

Tahimik ang naging pagpasok ni Caleb sa loob kaya hindi na rin napansin nina Mark at Ray ang presensya nito kung hindi pa nga ito nagsalita. "Mukhang madidiban ang usapan natin ah," aniya na wala ring bakas ng kahit konting amoy ng yosi sa katawan. O siguro, dahil sa mas matapang pa rin ang amoy ng beer na siyang bumabalot sa malamig na bahagi ng penthouse.

Hindi naitago ni Ray ang pagkagulat kaya hindi rin agad nakasagot. Tumingin siya sa gawi ni Mark na sa hagilap niya ay wala naman sa mood na sumagot. Pansin din niya ang pipikit-pikit na mga mata nito. "Uhm, wala 'yon, antok na rin ako, kayo ba?" pag-iiba na lang niya sa usapan nang tuluyang salubungin ang tingin ni Caleb. Hindi na niya naubos ang laman ng hawak na bote ng beer.

Nang makapasok sa kuwarto at makahiga sa kama, naalala nito ang mga sinabi ni Mark kanina. "What if ako nga ang tinutukoy niya?" she asked herself. "Imposible," sagot din niya sa sariling tanong. Ilang beses pa rin niyang kinausap ang sarili. Hirap siyang makatulog. Hindi mawala sa isip niya si Mark.

Kinabukasan, tanghali na sila nang nagising mula sa pagkakatulog. Kahit Linggo at walang pasok, maagang naligo si Ray at nagbihis muna bago bumaba para tumulong kay Aleng Tetay sa paghahanda ng almusal. Hindi niya s'yempre kinalimutan ang paglalagay ng konting makeup sa mukha. Kahit kahapon naman, umalis siya sa penthouse na wala kahit konting ayos sa mukha. Bahagya rin niyang kinulot ang buhok bago nagsuot ng contact lenses para iwan na ang salamin sa kuwarto.

Nakaalis na rin si Tara nang makababa siya. Nang madala nila ni Aleng Tetay ang mga pagkain sa mesa, naramdaman niya ang tingin sa kanya ni Mark. Gusto niyang bigyan ng kahulugan ang mga titig nito. Pero nang salubungin naman niya ang mga mata nito, noon biglang nagkunot ng noo si Mark. Ang sabi pa niya, "Ang puti ng mukha mo. May makeup ka ba?"

Akmang pipigilan pa sana ni Caleb si Mark sa sasabihin nang agarang sumagot si Ray. "Ah, flour siguro 'yan. Dahil sa pancake," palusot nito na siyang nagpatawa kay Caleb. Doon ito umupo sa tabi ni Mark habang nasa harapan naman ni Mark ang nagpupunas ng mukhang si Ray.

Huling bumaba si Anxo na agad napansin ang almusal na pancakes at BLT salad. Nandoon din ang hiniwahiwang-hiwang wheat bread kasama ang samu't saring prutas sa mesa. Doon na ito naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Ray, sa harap ni Caleb.

"Salad naman tayo. For a change," sabi pa ni Ray pagkatapos magdasal nang tahimik.

"Aw. H'wag na malungkot ang isa d'yan," asar ni Caleb na nakakaloko ang ngiti.

"Sino? Bakit?" inosente pang tanong ni Ray kahit iniisip na niyang si Anxo ang tinutukoy nito.

"Hindi na kasi omurice ang breakfast na'tin e favorite pa naman 'yon ng isa d'yan," sabi pa ni Caleb habang pinipigil ang pagbungisngis.

"I only like omurice dahil sa Penthouse Lovers," depensa ni Anxo bago ibaling ang tingin kay Mark. "'Di ba ito lagi ang breakfast ni Rocket sa penthouse?"

"Ah kaya pala naging favorite mo siya?" paniniguro pa ni Ray kay Anxo.

"Not really. Mas prefer ko talaga ang fruit muesli at kung granola with yogurt ang kakainin sa umaga. Na-curious lang talaga ako sa omurice noong nakaraan. Kaya nga napapa-post pa ako sa Pixtagram, but it doesn't mean it's my favorite," paliwanag pa nito nang mapansing sa kanya nakatingin ang tatlo. "Why? It's not like I'm the only one requesting omurice for breakfast. 'Di ba?" Muli niyang ibinaling ang tingin sa kapatid.

Mark cleared his throat. Kaya naman pati si Ray ay napatingin na rin dito. "Kahit 2 breakfasts lang 'yon?" angal pa ni Mark pagkatapos ng isang malaking kagat sa sandwich na bumabakat sa kanyang pisngi.

"Pero last-last week halos araw-araw omurice tayo e," daing pa ni Caleb.

Naalala tuloy ni Ray ang usapan nila ni Mark noong nakaraang Martes nang itanong niya rito kung anong favorite food ni Anxo. "So favorite mo nga ang omurice?" tanong niya kay Mark. Nakatingin pa rin ito kay Mark na ngayo'y bagsak ang buhok at mamula-mula pa rin ang mukha. 

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now