9. The Housemates (2)

179 18 22
                                    

Bukod sa napahiya dahil sa sagot ni Mark, nayabangan din siya rito. It wasn't something she expected from him. "What?" she asked him. Kunwari hindi niya alam ang pinagsasasabi nito.

"It wasn't you," ulit niya. Hindi na ito humarap kay Ray at rinig din ni Anxo ang usapan nila.

"Sorry 'di ko maintindihan," kunot ang noong sagot niya. Baka sakaling matakasan niya ulit ang isang ito.

"Hindi ikaw 'yon." May diin sa tono niya.

"See I was talking about the ending. If Rocket was real... at all. 'Yun 'yung tanong ko. I suppose, we're on the same page?" Rinig din ni Mark ang kompiyansa sa tono nito.

Noon na nga napalingon si Mark sa kanya. "That's okay, Ray. Tapusin mo muna ang book, that's a nicer way to ask the author about its ending. Siguro, 'di ba?"

Tinamaan siya sa sinabi nito. Pero hindi niya alam kung paano nito nalaman na hindi pa niya tapos basahin ang libro. Malayo naman ito sa kanila ni Anxo kanina noong pinag-uusapan nila ang libro. "Okay, fine. I won't bother you again," ani Ray. May banta sa tono niya.

"Fine. Let's eat," sagot ni Mark nang tuluyang dumampot ng isang slice ng pizza mula sa mesa sa harapan niya.

Naramdaman ni Ray ang kamay ni Anxo sa balikat niya. Gusto sana niyang tanungin si Ray kung okay lang ito. Pero bago nakapagsalita ang binata, naunahan na siya ni Ray. "CR muna ako Anxo ha," balisang sabi nito nang agarang pumasok sa loob para umakyat sa kuwarto niya.

Ngunit bago pa rin ito makaakyat sa staircase, noon niya nakasalubong si Caleb sa may salas. Nakasampay sa balikat nito ang puting towel.

"Are you okay?" tanong nito sa dalaga. Tinanong din niya ang sarili kung 'yun lamang ba ang alam na linya ni Caleb. Pero pinili na lamang niyang ngitian ang binata dahil hindi pa rin naman niya alam ang dapat niyang isagot dito. Hindi niya p'edeng sabihin na bwisit na bwisit s'ya sa pinsan nitong si Mark. Na kahit si Anxo naman ang gusto niya, bakit ba super bothered siya rito? "May problema?" segunda ni Caleb. Mahihimigan ang pag-aalinlangan sa tono niya.

"Need ko lang pumunta sa restroom," sagot niya kahit na nagulat sa pahabol na tanong nito.

"Meron na dito sa baba. No need to go to your room."

"Ah ganun ba, sige, dun na nga lang," sabi nito nang ilayo ang tingin sa binata at naglakad pabalik sa pool area.

"Hey, it's on the other side. Samahan na kita. Come." Sumenyas siya rito at nagtungo sa dako ng kusina.

Sinundan siya ni Ray. Napatitig tuloy ito sa malapad na balikat ng binata. Nang makarating sa bar, tumigil si Caleb sa paglalakad at saka humarap sa dalaga. Pinindot niya ang switch ng ilaw sa tabi para magliwanag ang maliit na hallway patungong restroom. "There you go. You should be fine," aniya at agad na bumalik sa pool area.

Kulang na lang ay sumigaw siya sa loob ng restroom dahil sa kainisan kay Mark. Simula nang makapasok sila sa penthouse, parang hindi na ito ang Mark na nakilala niya. O siguro nga, hindi pa niya ito lubusang nakikilala.

Malawak naman ang restroom. May shower room sa bandang dulo at kahit may bathtub may malaking espasyo pa rin para sa shower. Nasa bukana naman ang high-tech na toilet nito. Mukhang galing Japan pa iyon dahil sa ilang Japanese characters na nakasulat sa control panel sa tabi ng bowl. Hindi naka-separate ang bidet at mukhang built-in na rin iyon sa bowl. Pero dahil hindi naman siya totoong naiihi, hindi na siya nag-panic na gamitin ito. Nang lumabas ng restroom, nagulat siya sa bumungad sa kanya. "Sorry, matagal ba ako? Your turn," sabi nito kay Anxo na nasa harapan niya.

"No, I'm good."

"Ha?"

"Yeah I don't need to use the restroom."

"Ahhhh." Napakagat labi si Ray para pigilin ang pagngiti dahil sa kilig.

"I was worried. Kala ko kung saan ka na napadpad."

"Yeah, sa laki ba naman ng bahay na 'to, it's easy to get lost," ani Ray. This time, parang totoong naiihi na siya.

Natawa si Anxo.

"By the way, kung pinsan n'yo sina Caleb, Rushton ka rin ba? Or sa mother side kayo related?"

"Yes, I'm also a Rushton. Mark Anxo Rushton."

"No way," she laughed. Ayaw niyang isipin na si Anxo ang isa sa sinasabi ni Yurena na Big Four.

Nagkibit balikat si Anxo.

"So Mark is also a Rushton?"

"Yes. Technically." Napansin ni Ray ang pag-aalinlangan sa tono ng binata.

"But he wasn't a Rushton when I googled his name in the past." Naalala rin ni Ray nang kumain sila ni Mark ng ramen at nung nagkomento siya sa buhay ng mga tagapagmana ng business tycoons.

"Oh yeah. He's still using Jordon. Her mom's surname. But he's definitely a Rushton, of course, he's my brother."

Noon napagtanto ni Ray na magka-iba sila ng ina ni Mark. Medyo nalungkot siya for Mark. "Well I guess even the Internet doesn't know everything," she replied. "Sorry, I'm being nosy."

"No, that's fine. You should know. At least. We'll be housemates after all."

"So ibig sabihin kapatid mo rin si Aki Rushton?"

"Yeah, I guess you've seen him on TV."

"Well, his love story is so inspiring."

"I know. He's a good person. Deserved niya 'yon."

"Wait, dito rin ba siya mag-stay?"

"Oh. Sorry, Ray. He's staying in his condo. Pero bumibisita rin naman siya rito paminsan-minsan. Siguro para bisitahin ang room niya."

Hindi pa rin makapaniwala si Ray na makakasama niya talaga sa iisang bubong ang mga ito. Kay Anxo pa lang, kotang-kota na siya. Ikinuha pa nga siya ni Anxo ng pagkain para hindi na ito umalis sa lounge chair kung saan nakapalibot ang tatlong binata kasama si Tara.

"Okay, let's start the initiation," sigaw ni Tara.

"Wait. Anong initiation?" Kinabahan na si Ray.

"Well, anyone who will stay in this house should be part of this ritual," nakangising sabi naman ni Anxo.

"Wait anong ritual 'yan?" Natatakot na si Ray.

"This," sabi ni Anxo. Hawak nito ang ilan pang bote ng beer. "The beer ritual."

Noon na lang nakahinga nang maluwag si Ray.

The four patted their legs and clapped as they chanted, "Hep, hep. Go, Ray. Go, Ray."

***

8 am na nang magising si Ray nang sumunod na araw. Lunes at may mahalagang meeting siya about sa project for FATE. Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Malamig sa guest room dahil nakatodo ang lakas ng aircon. Hindi pa niya masyadong maalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Ang gusto muna niyang malaman ay kung paano siya makakapasok sa trabaho.

Dumiretso siya sa CR pero napagtantong naka-lock ito. Kailangan niya ring maligo nang mabilis. Kumuha siya ng mga damit mula sa maleta niya at saka dali-daling bumaba para doon sa restroom mag-shower. Wala namang ibang tao sa salas nang makababa siya rito. Sa tingin niya'y tulog pa rin ang mga ito dahil sa maraming nainom kagabi. Napahinga siya nang maluwag nang mapihit ang doorknob ng restroom. At least hindi ito naka-lock at agad niyang nabuksan. 'Yun nga lang tumambad sa kanya ang hubad at bagong ligong katawan ni Mark Aljin Jordon. Muli na naman niyang nasilayan ang sparkling abs nito. Tumutulo pa roon ang mga butil ng tubig galing sa basang buhok habang pinapaigting niya ang tapis ng puting tuwalya.

Author's Note: This completes the Chapter 9 of this book. So far, ano nang team nyo? #TeamMark? #TeamAnxo? #TeamCaleb? To learn more about Caleb and Tara, please read One Day He Wrote My Story.

Happy Mothers' Day to all the moms in the world.

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now