6. The Project

204 17 32
                                    

Kahit late nang nakauwi sa bahay, maaga pa rin namang nagising si Ray kinabukasan sa tulong ng alarm niya sa phone. Halos isang taon na siya sa Tell Adworks at kahit minsan hindi pa siya na-late. She won't let that happen. Kahit naman noong estudyante pa lang siya, never din siyang na-late sa klase. Lagi siyang on-time at present. Kasi 'yung mga kaklase na nga niyang madalas absent at late, hindi na niya mahabol ang grade, lalo na siguro kapag na-late o umabsent pa siya.

Unlike Rayco and Renzy, hindi talaga siya magaling sa academics. At lalong hindi magaling ang memorya niya. Kaya ayaw na ayaw niya lalo sa mga subject na required mag-memorize.

Noong high school, nasanay na siyang laging naikukumpara kay Rayco na bukod sa sikat sa mga kaklase at kababaihan, lagi ring nangunguna sa academics. Hindi na rin siya nagtatakang mabilis itong natanggap sa FATE Co., isa sa leading conglomerates sa bansa. Kaya nga proud na proud dito ang ina. Kaya feeling din ni Ray ito nga ang favorite ng ina. Si Rayco lang din kasi lagi ang naririnig niyang ikuwento ng ina sa mga kumare nito habang ang masayahing si Renzy naman ang sa feeling niya ay paborito ng ama. Lahat ng hilingin nito, binibili ng ama. Kapag umuuwi ang ama, ito lagi ang una niyang hinahanap.

Noong bata siya, ayaw din niya sa pangalan niya. Feeling niya sobrang common ito. Feeling niya hindi 'yon kasing unique ng pangalang Rayco.

Kanina pang nakatitig si Ray sa pangalan niya sa ID. Junior Copywriter ang nakasulat sa ilalim ng pangalan. Batong-bato na siya. Nababagalan siya sa oras sa office. Natapos na niya umaga pa lang ang trabaho. Mukhang kahit hindi s'ya magaling sa school, kinakaya naman niya ang minsa'y demanding na trabaho. Nakatulong din siguro ang hilig niya sa pagbabasa kaya kahit papaano ay natuto siyang magsulat. Well, hindi na rin niya maalala kung paano o kailan ba siya nagsimulang mahilig sa pagbabasa. Bukod kay Renzy, wala namang ibang mahilig magbasa sa pamilya. Basta sa pagkakaalala niya, elementary pa lang may binabasa na siyang mga serye at pocketbooks.

Pero kahit mukhang stable na sa trabaho, alam niyang hindi niya deserved ang posisyon. Alam niyang kaya lang siya natanggap ay dahil kailangang-kailangan ng company ng bagong copywriter noong nag-apply siya. Dalawa lang naman silang nag-apply. Nang mapili ang kasabay niya, nagka-tigdas ito bago ang job offer kaya no choice ang HR at siya na lang ang kinuha. Mabuti na lang at magaling ang officemate niyang si Camberina. Chubby, chinita, chismosa, at fashionista ito. Ito rin ang nag-assist sa kanya noong bago pa lang siya sa floor at katatapos lang sa training.

"Ray, tawag ka ni boss, punta ka na ro'n, mukhang urgent," sabi nito sa kanya nang makabalik sa station niya. Magkatabi ang work station nila at parehong dalawa ang monitor sa harapan nila. Nang makabalik naman si Ray sa station pagkatapos kausapin ang boss, tinanong siya ni Camberina kung anong napag-usapan nila. As if she's not aware of the project.

"Ayon nga, special project daw. First time sa 'king ma-assign ang ganitong pang senior copywriter na project. Bakit hindi mo tinanggap? No choice tuloy si boss."

"Ano ka ba, Ray. Magaling ka. It's time. Mag-level up ka na. Hindi ka p'edeng matengga sa junior level, that's so entry level. Kayang-kaya mo 'yun, hindi 'yon ipagkakatiwala sa 'yo kung alam nilang hindi mo kaya."

"Top client natin ang FATE Co. so nakakapressure," aburidong sagot ni Ray.

"Yes, minsan lang ang ganyang projects. Well, sabagay, may balita na rin naman na bibilhin ng FATE Co. ang Tell Adworks. Sa laking company nila, need talaga nila ng sariling ad agency."

"Really? Ang sarap sigurong maging heir ng FATE Co. 'no? Literal na mabibili mo ang lahat."

"O 'di mag asawa ka ng Rushton," biro ni Camberina.

"Rushton?"

"Hindi mo kilala ang Rushtons?" napalakas na tugon ni Camberina. Napatingin tuloy sa kanya ang team ng mga graphic designer sa kabilang bay.

"Hindi e, sorry. Mas kilala ko pa ang mga fictional na pamilya at dynasty sa mga librong nababasa. Wait, gano'n silang kayaman?"

"Yes, ang chairman slash CEO ng FATE Co. ay ang second richest person sa bansa. Pero ang panglibro at pampelikula ay ang love story nila ng asawa nito. Galing sa hirap ang asawa nito. Literal na from rags to riches nang pakasalan ng chairman. So alam mo na, posible 'yan sa totoong buhay. Tamang-tama binata pa ang tatlong anak ng chairman. Isama mo pa ang guwapo rin nitong pinsan. Pili na nang pede mong ligawan."

"Wait, hulaan ko, so 'yung ex ni Alma Young na si Aki Rushton ay anak ng sinasabi mong may ari ng FATE Co.?"

"Oo girl, ikaw na lang siguro ang hindi na nakakaalam."

"He's that rich? Ang swerte naman nung Mica."

"Yes, so minus one na pala agad. Dalawa na lang pala ang pagpipilian mo, girl. Tatlo pala, kasama 'yung pinsan."

"Anong name nung dalawa?"

"Bakit? Stalk mo online?"

"Of course. Online lang naman e."

"Well, hindi ko kilala 'yung pangalawa. Recently lang siya medyo nagparamdam, so hindi siya kasama sa Big Four. Maybe maging Big Five na siya soon."

"Ano 'yung Big Four?"

"The Rushton Heirs AKA The Big Four! Including Caleb Rushton, ang ate niyang si Tara Rushton, ang anak ng chairman na si Aki Rushton, at... naku... hindi ko rin maalala 'yung name ng bunsong anak. Basta may Mark 'yon."

"Ang dami talagang Mark sa mundo. But how do you know all these things?"

"Duh, madalas ako sa club and I have elite friends."

Nagtawanan ang magkaibigan. Natigil na lamang ang tsismisan nila nang dumaan ang boss.

Nang makasabay mag-dinner sa bahay si Rayco, noon nito tinanong sa kapatid kung may kilala itong Rushton bilang sa FATE Co. na ito nagtatrabaho.

Hindi naman agad nakasagot si Rayco. Mukhang natigilan ito at nag-isip muna bago nagsalita. "Remember Caleb? 'Yung barkada ko nung college. 'Yung lagi naming kasama ni Nat. Caleb is a Rushton. Pamangkin siya ng chairman ng FATE," bimbin nitong sagot. Kasama nila sa table ang ina na siyang kausap ni Renzy tungkol sa paparating na package dito galing sa ama.

"Really? 'Yung guwapo na medyo bad boy ang look? Sobrang yaman pala niya. So siya 'yung sinasabi ni Cambe!"

"Well, 'pag kasama mo naman sila parang normal na tao lang din. Hindi tulad sa mga nababasa mo. Malalaman mo lang na bilyonaryo sila sa pangalan nila. Bakit mo nga pala natanong?"

"I need to marry a Rushton."

"Gagi. Bakit nga?"

"Sa work kasi may project ako for FATE. So naging interesado ako sa background ng company."

"Then I should tell you that...," saad nito bago tumunog ang phone. "Yes, Mark, okay. Copy. Kunin ko lang ang laptop. 'Andun 'yung files," sabi nito sa kausap sa phone habang naglalakad papunta sa kuwarto.

Napahinga si Ray nang malalim. "Mabuti na lang at hindi ako sa FATE nagtatrabaho," bulalas nito. Bigla namang sumagi sa isipan niya si Anxo na alam rin niyang sa FATE Co. nagtatrabaho. Kahit alam na niyang naging maayos ang operasyon nito, hindi pa rin maaalis sa kanya ang mag-alala rito. She knew, any time may p'ede pa ulit magtangkang bumaril dito. Tiningnan nito ang phone para malaman kung may bago ba itong post. Pero nagulat siya nang hindi na niya ito makita sa online world. Sa totoo lang, hindi naman siya ang nakahanap kay Anxo noon sa social media. It was Yurena. Hindi niya rin alam kung bakit nalaman nito na "Anxo III" ang pangalan nito roon. Ang biro lang ni Yurena noon sa kanya, mas magaling daw siyang mag-stalk.

AN: Hey! What can you say about this chap? Caleb and Tara were already introduced in ONE DAY HE WROTE MY STORY. Ano sa tingin niyo ang nangyari bakit hindi na makita ni Ray ang online account ni Anxo?

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon