32. The Choice (2)

147 9 11
                                    

Nang makipaghiwalay si Ariella, mom nina Aki at Anxo, sa ngayo'y Chairman ng FATE Co. na si Mark Kenji Rushton, hindi na nito makilala ang sarili. Hindi na nito alam kung paano pang muling babangon. Wala na ang buhay niya na kasama si Ariella, ang tanging buhay na alam niya. Mr. Kenji was still on his early 20s back then, at noo'y COO pa lang ang posisyon sa kompanya. All he wanted to do was to find a girl he loves, marry her, and start a family. Ayaw niyang magaya sa mga magulang, lolo't lola nina Aki, na napilitang magsama dahil sa isang arranged marriage. Ang problema, hindi niya alam kung bakit biglang nakipag-break si Ariella sa kanya. Nang ilang beses pagtaguan at ipagtabuyan ni Ariella, napag-desisyunan nito na tanggapin na lang ang offer ng ama na i-manage ang Osaka branch nila. Ang tanging rason lang naman niya kung bakit ayaw niya noong pumunta sa Osaka ay dahil sa ayaw niyang iwan si Ariella sa Pilipinas. Ayaw kasing iwanan ni Ariella ang trabaho at mas lalong hindi nito kayang iwan na mag-isa ang ina.

Sa Osaka na nakilala ni Kenji si Alicia, ang mama ni Mark, ang dahilan kung bakit siya tuluyang naka-move on kay Ariella. Bukod sa maganda, matalino, at madiskarte, magaling din itong magluto. Pagkatapos magkita sa isang pub, hindi na siya tinantan ni Alicia. She found him mysterious. Bukod sa ayaw nitong magkuwento tungkol sa buhay niya, minsa'y makikita na lang niyang tutulo ang luha nito kapag napaparami ang naiinom na alak. Gusto niyang pasayahin ang malungkot na buhay nito sa Japan. She felt challenged and couldn't even remember when was the last time she felt that way. Pero noon din niya napagtanto na siya pala ang napapasaya nito. Unti-unting nagkaro'n ng kulay ang malungkot na buhay ni Alicia sa Japan. Mabilis ang mga pangyayari at tuluyan na ring nahulog ang loob nila sa isa't-isa hanggang sa nag-propose na rin si Kenji rito. Nandoon sila sa amoy matcha na pool area ng penthouse na tintirhan ni Kenji sa Osaka. Iyon din ang gabi na balak na nitong aminin kay Alicia ang totoong pagkatao niya, ang background nito. Wala pa kasing kaalam-alam si Alicia na Rushton heir na pala ang kasintahan niya. Pero noong gabi nga na mag-propose ito, 'yon din ang gabi nang nakatanggap si Alicia ng isang tawag mula sa Pilipinas. Ang tawag ay mula sa babaeng nagpakilala bilang Rosenda, ang best-friend ni Ariella. And that was to tell her that Ariella was 6 months pregnant. Ayaw raw sabihin ni Ariella na buntis siya kasi alam na nitong masaya na ang dating kasintahan sa piling ni Alicia. Pero dahil sa naaawa sa ipinagbubuntis ni Ariella, noon na niya sinimulang ipagtabuyan si Kenji. Lalong nawasak ang puso ni Kenji dahil sa ginawa ni Alicia. Mahal na mahal na niya si Alicia at ayaw na niya itong iwan. Handa siyang panagutan ang anak kay Ariella pero hindi niya balak makipaghiwalay kay Alicia. Si Alicia na ang gusto niyang pakasalan.

Ngunit sa ikalawang pagkakataon, muli na namang nawasak ang puso ni Kenji. Umuwi ito ng Pilipinas para panagutan ang ipinagbubuntis ni Ariella na nauwi na rin sa kasalan. Nang makauwi sa Pilipinas, noon na rin niya nalaman ang dahilan kung bakit ito nakipaghiwalay sa kanya. Iyon ay dahil sa ayaw ng mga magulang niya rito, dahil sa mahirap lamang ang pamilya nina Ariella. Minsan na kasi pala itong pinagbantaan ng mga magulang niya para layuan na ang anak nila. Pinipigilan daw kasi nito ang anak nila na maging succesful at nagiging balakid si Ariella sa mga plano nila para sa anak na nakatakdang maging leader ng FATE conglomerate.

Makalipas ang dalawang buwan, noon na lang nalaman ni Alicia na buntis din siya. Bumalik siya ng Pilipinas na pilit itinago ang anak sa ama nito na tuluyan nang naging Chairman ng FATE. Ayaw na niyang masira ang binubuong pamilya nito at wala na siyang magagawa dahil kasal na rin ito kay Ariella. Mag-isa niyang itinaguyod ang anak hanggang sa isang araw, pagkalipas ng halos labing-apat* na taon, muli niyang nakita ang Chairman sa isang Japanese tea shop. Hindi alam ni Alicia kung bakit nang magtagpo ang mga mata nila, para bang nakonsiyensya siya. Naisip niya na karapatan pa rin nitong malaman na may anak ito sa kanya. Alam din niyang wala itong kasalanan dahil siya naman ang nakipaghiwalay rito.

Nang malaman ng Chairman na may anak ito kay Alicia, hiniling agad nito kay Alicia na bigyan siya ng pagkakataong makilala at makasama ang anak. Agad namang pumayag si Alicia at hinayaang isama ang anak sa Osaka. She felt like her son also deserved to know his father.

Nang makarating si Mark sa Osaka, hindi lang natupad ang pangarap nitong marating ang paboritong lugar ng ina, nakilala rin nito ang half-brother na si Aki. Hindi inaasahan ni Mark na makakasundo nito si Aki, na tatanggapin siya nito nang buong-buo bilang kapatid. Madalas na wala ang ama sa apartment nila dahil sa trabaho, kaya naman silang dalawa lang ang naiiwan doon. Kasama ang secretary ng Chairman, marami silang napasyalang lugar sa Osaka, Nara, at Kyoto.

Noong huling Linggo nila sa Japan, dinala sila ng ama sa Tokyo. First time sumakay ni Mark sa isang bullet train kaya naman bukod sa sobrang saya nito, bigla niyang na-miss ang ina. Mas lalo kasi niyang naintindihan ang mga kuwento sa kanya ng ina noon. Pero noon na rin niya napagtanto na hindi pala ang lugar ang totoong minahal ng ina, ito ay ang taong nakasama niya sa napakagandang lugar na 'yon.

Dahil sa ilang buwan sila sa Japan, isang taong hindi nakapasok si Mark. Marami kasing inasikaso sa Osaka ang ama at hindi inaasahang magtatagal sila roon. Gustong-gusto naman iyon ni Mark dahil sa ayaw na talaga nitong mag-aral.

Bago magsimula ang bagong academic year, pinilit ng ama na mag-enrol si Mark sa pinapasukang academy ni Aki pero tinanggihan niya ito. Bukod sa sobrang mahal ng tuition doon, malayo ang school sa bahay at resto nila, at hindi niya gustong iwan na mag-isa ang ina.

Ayaw na nga sana niyang pumasok para matulungan na rin ang ina sa resto. Pero dahil nga rin sa pakiusap ng ina, nag-enrol na rin siya sa academy na malapit sa resto nila at sa unang taon pa lang niya sa academy, nakilala na agad niya si Ray.

***

"Hindi ko nga rin makontak si Josh," sabi pa ni Caleb sa kausap nito sa phone. Nasa tabi nito si Nat na hawak-hawak ang kamay ni Rayco.

Kausap naman ni Rayco si Makoy sa phone at nagpapatulong para ma-track ang location ni Josh habang nag-uusap sina Nathan at Mang George na nasa tabi rin ng tatlo.

"Sandali, heto, may sinend siya sa 'king file," sabi naman ni Mark kaya agad itong nilapitan nina Caleb at Rayco para silipin ang screen ng phone nito.

"Sino?" tanong ni Rayco.

"Si Josh. At gaya ng kutob ko, ako lang ang kailangan niya. Hindi niya raw sasaktan si Ray basta mag-isa akong pumunta roon. Sinend niya rin sa 'kin ang location niya," sagot ni Mark.

"Hindi ka p'edeng pumunta ro'n nang mag-isa, kuya," sabi naman ni Anxo na kanina pa ring kinakabahan. Natatakot din siya na baka maulit kay Mark ang nangyari sa kanya.

"Paparating na rin si Kurt. May kasama siyang mga pulis," sabi ni Caleb na may kakilalang police sergeant. "Pero, teka, kilala n'yo ba 'yung lalaking 'yon?" tanong pa nito nang mapansin ang isang lalaki na nakatayo sa may pintuan ng lobby. Nakangiti ito at nakatingin sa dako nila. Blonde ang bagsak na buhok nito, singkit ang mga mata.

Pamilyar rin kay Mark ang suot nitong jacket na parang nakita na niya noon. "Otep?" mahinang usal ni Mark nang mapagtanto ring ang suot na jacket ay hawig sa jacket ng bida sa pinapanood niyang anime. 

"Teka, akala ko siya 'yung kasama ni Ray?" nagtataka ring tanong ni Rayco.

***

AN: Hey guys, one last chap na lang bago ang FINALE (Final Chapter). Up next, Chapter 33: The Day He Left. But looking back sino ang pinaka-paborito n'yong MARK sa buhay ni Ray? Comment below para sweet 💛

A. Mark Anthony Jinares / Makoy (since elementary days thru Rayco)
B. Mark Joseph Saroza / Otep (since high-school/academy days)
C. Mark Aljin Jordon / Mark Jin (since high-school/academy days)
D. Mark Alan Cortez / Kurt (since university days)
E. Mark Caleb Rushton / Caleb (since university days thru Rayco)
F. Mark Anxo Rushton / Third (since internship days)

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now