23. The Ink

163 11 5
                                    

Hindi maintindihan ni Ray kung sinong humahabol sa kanya sa isang makipot na eskenita. Hapong-hapo siya nang pansamantalang tumigil sa pagtakbo. Panay ang lingon niya sa paligid. Walang ibang ilaw roon bukod sa liwanag mula sa isang lamppost mula sa kabilang kanto. Maingay ang busina ng mga sasakyan sa di-kalayuan. Nahihilo na rin siya at para bang umiikot na rin ang paningin. Bagsak na ang gulo-gulo niyang buhok. Nang hawakan niya ang ulo niya para sana ayusin ang buhok na bumabagsak sa mukha niya, naramdaman niya ang dugo sa kamay niya. Agad niya iyong ipinahid sa suot niyang denim na bestida hanggang sa matuyo ang kamay. Iisa na lang rin ang suot niyang sapatos. Marahil ay nawala niya ang kabiyak noon dahil sa pagtakbo. Ni hindi niya alam kung sinong humahabol sa kanya. Hindi rin niya alam kung nasaan na sina Mark, Anxo at Mang George. Iniisip niya kung paano siya napadpad sa eskenitang iyon. Napahinto siya sa pag-iisip nang makarinig ng kaluskos o mahihinang yabag sa kanyang gilid. Nang lingonin niya ito, tumambad sa kanya ang isang pamilyar na lalaki. Pamilyar ang suot nitong jacket at sombrero. Kapansin-pansin din ang tattoo nito sa leeg. At kahit may suot na itim na mask, kilalang-kilala niya ang mga mata nito. Nakita niya nang hugutin nito ang baril mula sa baywang niya at nang agad nitong itutok ang baril sa kanya. Kaya hindi na niya rin napigilan ang pagsigaw. 

"Hey-hey, what's wrong?" narinig niyang sabi ng pamilyar na boses. It's as if it was echoing from another dimension.

"No, it's not me," nagmamakaawang sagot ni Ray. May nginig sa boses niya.

Ginalaw-galaw ni Mark ang katawan ni Ray para tuluyang magising mula sa pagkakatulog. "Ray, I'm here now. You're safe now," sabi pa ng binata. Kapapasok lang din nito sa guest room.

"Mark?" tanong niya nang tuluyang imulat ang mga mata. Ngunit hindi lang takot ang naiwan sa kanya ng panaginip na dapat ay unti-unti nang umaalpas sa kanyang alaala. "It's you?"

"Shhss, that's just a bad dream."

"Oh my god, Mark. Parang totoo talaga ang lahat," naiiyak niyang sagot sa binata bago tuluyang yumakap rito. It's as if she found home in his arms.

"It's okay, it's okay, I'm here," bulong ni Mark sa dalaga habang hinahaplos ang likod nito. "And sorry," he added, with a look of pure guilt on his face. 

Hindi sanay si Ray na naalala ang mga panaginip. Normally, paggising niya, tuluyan na ring maglalaho sa alaala niya ang mga naging panaginip. Pero iba itong napanaginipan niya nitong Sabado ng umaga. Bukod sa kabang ibinigay noon sa kanya, she felt like there was a hidden message to that nightmare. 

Kahit nang makabalik na siya sa penthouse pagkatapos bumisita sa bahay nila, 'yung panaginip pa rin ang iniisip niya. Kasama na roon si Mark na siyang bumungad sa kanya kanina nang maggising. She couldn't stop thinking about him. Hindi niya mahagilap si Yurena. Wala rin naman si Rayco sa bahay nila kaya ang ina at si Renzy lang ang nakasama nito. 

"How's your visit?" bungad sa kanya ni Mark nang makaupo siya sa mahabang sofa sa salas at pagkatapos huminga nang malalim. Mark was wearing a black shirt and red pajamas.

"Okay naman. May dala akong pichi-pichi," matamlay niyang sagot, suot ang ang large-size na T-shirt at Daisy Dukes na shorts. Sa tuwing haharap siya rito, naiisip niya 'yong pagyakap niya rito kanina. Ang totoo, gusto pa sana niya itong yakapin muli ngayon. 

"Uyyy. Gusto ko 'yon. Salamat," nakangiting sagot ni Mark. 

"Nando'n, pinatong ko sa dining table. Kayo, kumusta rito?"

"Umalis din si Tara, hindi pa siya nakababalik. Nasa pool naman si Third, nagpapa-araw."

"Ahhh."

"You want? To swim."

"No. Not in the mood." Kulang na lang ay sabihin niya rito na yakapin ulit siya nito. 

"Ahhh, okay. I didn't expect that. Knowing that you came here for Third."

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now