10. The Hangover

176 15 19
                                    

[Warning: This chapter contains a spoiler to One Day He Wrote My Story.]

Caleb was fixing his hair when he received a call from Mark. "She's coming, today," sabi ni Mark mula sa kabilang linya.

"Ah, okay. Ngayon na ba 'yon?"

"Yes, hindi mo nabasa sa GC?"

"Sorry, naka-mute pa ang mga GC ko. Pero punta ako. Tagal ko na ring 'di nakakauwi e."

"Sige. You know what to bring. See you."

Napatingin sa relo si Caleb matapos putulin ang tawag. Agad niyang dinampot ang body bag na nakapatong sa side table ng kuwarto. Ibinaba niya ang blinds ng bintana at agad lumabas ng bahay. Mas madalas kasi itong mag-stay sa mismong bahay nila. Hindi siya gano'ng kakomportable sa penthouse.

Nang makarating sa penthouse, dumiretso ito sa guest room para silipin ang kuwarto. Nadatnan naman siya roon ni Anxo. "Ayos ah, parang walang nangyari," bungad ni Caleb sa pinsan.

"Ako pa. But are you sure, okay lang sa 'yo ang set up na 'to?"

"Wala na naman ako magagawa e. Saka hindi rin naman niya ako mararamdaman dito."

Napakunot ng noo si Anxo. "I mean, may say ka. Kung ayaw mo, then we don't need to push this."

Pumasok si Caleb sa loob ng restroom. "Don't mind me. Look, I'm even checking her room."

"Bakit nga ba?"

"Last time kasi, sira ang pintuan nitong CR. But now that I have checked it, looks fine. Napaayos n'yo na ba 'to?"

"Well, I don't know. Si kuya Mark lang makakasagot n'yan. Siya 'yung madalas dito recently. And we all know, siya lang ang nawiwili dito... sa lugar na ito."

Patuloy nilang ni-recall ang naging paglipat ni Mark sa penthouse simula nang pumasok ito sa FATE. At nang wala nang masabi, saka na umalis si Anxo para bumalik sa gym sa loob ng penthouse. Tinawagan naman ni Caleb si Tara sa phone nito.

Katatapos lang maligo ni Caleb nang makarating si Ray sa penthouse. Nalaman niya iyon dahil sa agad siyang pinuntahan ni Mark sa kuwarto niya. Inabot ni Caleb ang pulang extra board short nito kay Mark. llang minuto rin silang nag-usap. Naunang umalis si Mark na sadyang dumaan sa tapat ng guest room. Kumatok siya roon pero nagbago ang isip niya at bigla na lang umalis. Kaya naman nang buksan ni Ray ang pinto nakababa na siya.

Nang makababa na rin si Caleb sa pool area, agad na ring sumunod si Tara. Nakasalubong pa nito si Anxo sa may hagdanan kaya sinabi niya rito na papuntahin na rin si Ray sa pool area. Sinabi niya rin dito na kung walang isusuot ang dalaga, pumunta lang sila sa kuwarto niya.

Umalis na rin ang kasambahay na tumulong sa kanila sa paghahanda ng mga pagkain at inumin.

"So what's the deal with her? Boys, kanina pa kayong nagbubulungan d'yan." Nakatayo si Tara malapit sa gutter ng pool. Naka-cross ang mga kamay niya.

"Kapatid siya ni Rayco," sagot ni Mark.

"Oh," tipid na reply ni Tara.

"Kaya okay lang," segunda ni Caleb.

"Hoy Mark Caleb, 'wag mo akong pinagloloko," saway ni Tara sa kapatid. "Alam ko tumatakbo sa utak mo."

"Kayo lang naman ang naglalagay ng issue. Nasabi ko nang okay lang sa 'kin. Wala akong pakialam kung kapatid pa siya ni Rayco. We're just worried about her. 'Yan kasi, hindi mo pa binabasa libro ng pinsan mong writer." Nilingon nito si Mark.

"How is it related to her? Your book, I mean?" tanong ni Tara kay Mark. "Congrats nga pala. I heard from Sash na natalo niya ang libro ni Bry. Ni JB Tomlinson. My god. I'm so proud of you."

The Name In Your BookWhere stories live. Discover now