Kabanata 31

326 23 1
                                    

Kabanata 31

Clyde's Point of View

"Meron. I'm now pursuing Theo. He's not just my P.A anymore because he's more than just my employee."

Tila nabingi ako sa aking narinig mula sa tinuran ni kuya. Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa pagkakataong ito at para bang ano mang oras sasabog na ako. Niyukom ko ang aking kamao sa sobrang galit. Galit ang nararamdaman ko sa ngayon. Galit at sakit.

Tila mas masakit pa ang aking narinig kaysa sa suntok na tumama sa akin.

"Clyde-" agad kong pinutol ang anumang salitang kanyang sasabihin.

"Tangina! Gusto mo din siya?" nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.

Fuck! I was right. Tama pala lahat ng hinala ko.

"'Di ba alam mo namang gusto ko siya? P-pero, pero bakit? Bakit siya pa?" sambit ko.

Nakita ko ang mga mata ni Tim. Nangungusap na nakatingin sa akin. Gusto ko siyang kuhanin mula sa pagkakahawak ni kuya sa kanyang mga kamay. Ang araw na espesyal sa kanya ay nasira ko. Ang araw na pinaka hihintay ko ay tila naging isang masamang panaginip.

"Siya ba si Love? Siya ba Tim?" malumanay kong tanong. Hindi ko kasi kaya siyang pagtaasan ng boses.

Hindi siya nakasagot. I knew it.

"Clyde, Mahal ko si Theo-"

"Mahal? Kailan pa kuya?" tanong ko. Hindi siya agad nakasagot. "Kuya kailan pa!?" paguulit ko.

Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. "The first time I saw Theo. It was 2 years ago. Kaya last year, nagulat ako when I saw a picture of him sa iyong kwarto. Then I asked you right? Tinanong kita kung sino at bakit may ganoong litrato ka. At nalaman ko nga na classmate mo siya at kaibigan. I was really disappointed noong araw nang sinabi mo sa akin na you liked him more than your friend. I don't know why I felt that way."

"Kaya mas una ko siyang nakita
kaysa sa iyo, Clyde. Mas una ko siyang nakilala kaysa sa iyo. At mas una ko siyang minahal." dagdag pa niya.

"You're lying, kuya! Tinanong kita kung kilala mo ba siya, but you've said, no!"

"I said no because... " hindi niya itinuloy ang kanyang sasabihin.

"You said no because of what? Bakit hindi mo sa akin sinabi agad kuya? Kaya pala noong araw na iyon ay wala kang tigil katatanong about Tim, kung papaano ko siya nakilala, bakit ako may picture niya. Iyon pala kilala mo siya. Ganiyan ka na ba ngayon kadamot? You're unbelievable kuya, don't do this to me! Don't do this to Tim!"

"Shut up, Clyde!" sigaw ni kuya sa akin.

"No! I won't shut up! Magkasira na tayong magkapatid, ngunit hindi ako lalong makapapayag na malayo mo sa akin ang taong kaligayahan ko, ang mahal ko." sagot ko. Humarap ako kay Tim. "Tim? Come with me, please?" pakiusap ko sa kanya at sinubukang lapitan.

Palapit na nasa ako nang bigla akong hinarap ni kuya. "No. Hindi siya sasama sa iyo. Hindi ko mamaring ipaubaya sa iyo ang taong galigayahan ko din. Let's go, Theo." aniya sabay hilang muli kay Tim ngunit nakita kong hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan.

"Theo, sabi ko halika na. What are you waiting for?" ani ni kuya kay Tim.

"Sir, hayaan niyo akong kausapin si Clyde. Kaibigan ko siya. Ayokong iwan siya lalo't-" mabilis na lumihis ang aking mata dahil sa sinabi ni Tim ngunit agad na namang umeksena ang kapatid ko.

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon