Kabanata 9

444 31 0
                                    

Kabanata 9

Ngayong araw ay ang araw na magsisimula na akong mag trabaho kaya naman maaga akong pumasok dahil simula ngayon, ay iba na oras ng pasok ko. Simula alas sais ng umaga hanggang alas dose ng tanghali. Nakausap na ako ng nga Professors ko at alam naman daw nila dahil kinausap mismo sila ni Sir Costin.

Nandito pa ako sa room at kasalukuyang nag-a-ayos ng aking gamit nang may biglang lumapit at ginulo ang buhok ko. "Tim? Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Clyde. Wala na siyang topak ngayon.

"Oo? Ewan ko. Parang hindi pa." naguguluhan kong sagot.

Humawak siya sa aking kanang balikat. "Kaya mo 'yan, ikaw pa?" sabi niya sabay ngiti sa akin. "Oo nga pala susunduin ka dito para ihatid ka sa kumpanya."

"Teka anong oras na ba?" tanong ko.

Tumingin siya sa kanyang relo. "Mag a-alas dose na kaya sigurado akong paparating na ang sundo mo. Nag message na din sa akin si kuya, kailangan daw saktong ala una nandoon ka na."

Tumango nalang ako at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Pagkatapos kong mag ayos ay napag desisyunan ni Clyde na pumunta na kami sa parking lot baka daw kasi nandoon na ang susundo sa akin.

Kinilabutan ako, naiisip ko kasi parang susunduin ako ni kamatayan.

Dumating kami sa parking lot at iginala ko ang aking paningin sa mga sasakyang mga nakaparada. Pansin ko din na may sumasalubong sa aming lalaki. Halata na may edad na ito at may kalakihan din ang kanyang tiyan. "Sir Clyde!" masiglang bati nito. Nakita ko siyang tumingin din sa akin at ngumiti kaya ganon din naman ako sa kanya.

"O-hh Mang Ben! Kanina ka pa ba?"

"Hindi Sir, kadadating ko lang din, alam mo na traffic." sagot nito.

"Oo nga pala Tim, siya si Mang Ben, siya ang maghahatid sundo sa 'yo simula ngayon." pakilala ni Clyde. "At Mang Ben ito si Tim, kaibigan ko. Gwapo no?" dagdag pa niya kaya siniko ko siya.

"Hello po, Mang Ben!" masigla kong sabi. Nakita ko siyang ngumiti.

Kinalabit ako ni clyde at humarap siya sa akin. "Tim, hindi kita maihahatid ngayon dahil kailangan ako ng mga ka-grupo natin. Sabi nila ako na daw ang bagong leader kapalit mo." malungkot niyang sabi sabay nguso. Nakakatawa ang mukha niya.

"Ayos 'yon! Alam mo kung bakit?" tanong ko. Kumunot ang kanyang noo.

"Bakit?" tanong niya.

Tumawa ako bago sumagot. "Kaya ka nila ginawang leader, para naman daw may gawin ka at hindi kana makakatakas kung sakaling uwian na." aniko. "Tsaka ako ang nag suggest sa kanila na gawin kang leader."

"Grabe ka naman sa akin!" reklamo niya.

"Kaya mo 'yan! Ikaw pa!?" pang gagaya ko sa sinabi niya.

"Sige na, baka ma-late ka pa! Ayaw pa naman ni kuya sa lahat ay 'yong late." sabi niya na parang nananakot ang dating. "Goodluck Tim!" narinig kong sigaw niya.

"Bye!" sabi ko.

Nakita ko siyang kumaway at bumusangot ang kanyang mukha.

Nandito na ako sa loob nang sasakyan at hindi ko mapigilan hindi makaramdam ng kaba. Nagsisimula na ding manginig ang mga tuhod ko. "Bakit ba ako kinakabahan?" Tanong ko sa sarili ko. Siguro dahil first time kong magta-trabaho kaya ganito. Lilipas din ito at masasanay na ako sa susunod.

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon