Kabanata 3

517 29 1
                                    

Kabanata 3

Hilong hilo ako ngayon habang binabagtas ang daan palabas sa lugar na ito. Batid kong isa itong condominium na pangmayayaman lang ang kayang tumira sa ganitong kamahal at kagarang gusali.

Sisingsisi ako sa sarili ko dahil kung hindi ako dumaan sa eskenitang 'yon ay hindi mangyayari sa akin ito. Pagdating ko labas ng gusaling ito ay bigla akong nanlumo. Bakit ba nangyayari sa akin ang mga 'to. Nasaan ako?

"A-ahh Manang? Anong lugar po ba ito?" tanong ko sa babaeng nagtitinda ng anik anik.

"Nasa Quezon City tayo, hijo." sagot niya. Halos malaglag ang panga ko dahil sa kanyang sinagot. Quezon City!? Nakarating ako dito nang dahil doon sa estrangherong 'yon!? Lintek naman oh!

Gusto ko man umuwi agad ay wala naman akong pamasahe pasakay pabalik sa maynila. Kung maglalakad man ako'y may kalayuan din ito at hindi ko kakayaning maglakad ng  ganito kasakit ang likudan ko. Dapat pala nanghingi muna ako ng pamasahe sa kanya nang sa gayon ay makauwi na ako kina Auntie.

Patay! Isa pa 'yon sa inaalala ko. Alam kong hinahanap na ako ni Auntie dahil hindi ko nakauwi at hindi man lang ako nakapagpaalam kagabi. Gusto kong umiyak dahil sa katangahan na nangyari sa akin. Sinabunutan kong muli ang aking sarili at nagtungo sa kawalan.

"Excuse me Sir?" may kumalabit sa akin. "Pinabibigay po sa inyo." sabi noong guard tapos napansin kong may inaabot siya sa akin.

"Ano po ito?" tanong ko tapos kinuha 'yong inaabot niya na parang papel. "Pera? Kanino galing?" tanong kong muli.

"Hindi ko po pwedeng sabihin. Basta pinapasabi po na kailangan mo daw 'yan." aniya sabay alis at muling pumasok sa loob nong gusaling pinanggalingan ko.

Sino naman kayang magbibigay ng pera sa akin? At isang libo ito. Malaking halaga ito para sa akin dahil ngayon lang ulit ako nakahawak ng ganito kalaking halaga.

Hindi naman pala akong sobrang kamalas malas. Konti lang. Naghanap agad ako ng masasakyan pabalik sa Maynila dahil may pamasahe na ako. 'Yon nga lang masakit pa din talaga ang balakang ko kaya nahihirapan akong maglakad. Lintek na lalaking 'yon ginawa pang basketball ring ang likuran ko!

Sumakay ako ng jeep para mura at tipid sa pamasahe. Ilang minuto ang naging biyahe sa wakas makakababa na ako.

Bumaba ako sa jeep at tumawid sa pedestrian lane. Kailangan ko pa ulit sumakay ng tricycle papunta sa bahay ni Auntie. Kinakabahan na ako sa mga oras na ito dahil hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag ang nangyari sa akin.

"Manong dito na lang po." sabi ko sabay abot ng bayad. Buti nalang sinuklian ako kanina sa jeep kahit buo ang pera ko.

Tumapat ako sa mansyon ni Auntie. Hindi siya literal na mansyon dahil hindi naman talaga. Hindi ito kalakihan o kaliitan dahil katamtaman lang ito.  Sadyang ganon lang ang tawag ko dahil ako ang kanilang alipin sa malapalasyo nilang bahay.

Nagdasal muna ako bago tuluyang pumasok. Parang lalabas ang puso ko sa sobra nitong pagtibok dahil sa kaba.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa pasilyo para tingnan kung may tao sa loob nito. "TIMEEEEEE!!!!" halos mahimatay ako sa takot dahil sa narinig kong sigaw ni Auntie. Patay akong bata ako.

"LINTEK NA LALAKI KA! SAANG LUPALOP KA NG MAYNILA NAGSUSUSUOT AT HINDI KA NAKAUWI KAGABI!?" sigaw niya. Sabi ko na nga ba at kutako-takot na mura ang aabutin ko ngayon. Wala nang bago, ay meron pala dahil lumapit siya sa akin at hinila ang aking tainga papasok sa loob ng bahay.

Ang itanong niya, kung saang lupalop ng Quezon City ako napadpad.

"A-auntie m-mag magpapaliwag po ako." sabi ko habang nabubulol sa sakit ng pagkakapingot niya sa tenga ko.

"TSAKA KA NA MAGPALIWAG KAPAG NATANGGAL KO NA ANG TAINGA MO! ALAM MO BANG HINDI KAMI NAKAKAIN KAGABI KAKAHINTAY SAYO!? NAWALA KA NANG PARANG BULA TAPOS NGAYON MAG PAPAKITA KA NALANG BASTA BASTA?"

Ano daw? Hindi sila nakakain kagabi dahil hindi ako nakauwi? E-eh paano nalang kung namatay na pala ako edi hindi sila kakain hangga't hindi pa ako bumabalik!? Baliw ata itong si Auntie.

"ALAM MO BANG NAPAHIYA NA NAMAN ANG PINSAN MO SA ESKWELAHAN DAHIL INAWAY NA NAMAN SIYA? AYON, IYAK NANG IYAK KAGABI PA!"

Hindi ko pinahalata na natatawa ako. Sabi ko na eh! Si Shaira pa ang magmumukhang kaawa-awa at aping-api sa nangyari kahapon. Kalokohan.

Hindi alam ni Auntie na nakakailang palit na ng nobyo ang anak niya. Dahil sa oras na malaman ito, ewan ko nalang kung anong maaring gawin ni Auntie kay shaira. Gusto ko man sabihin kaso ayokong pagsimulan ng away nilang mag-ina. Bahala sila.

Matagal ng patay ang asawa ni Auntie dahil sa sakit na cancer. Si Papa naman, depression ang ikinamatay dahil sa sobrang pagiisip sa pagkawala ni Mama dahil din sa isang sakit. Nasa ika-limang baitang pa lang ako noon nang maging ulila ako Kaya si Auntie ang nagpalaki at nagpalamon sa akin magmula noon.

"Auntie pasensiya na po at ngayon lang po ako nakauwi. May importante po kasi akong pinuntahan kagabi." palusot kong sagot.

"IMPORTANTE? ANO NAMAN 'YON AT MAS NAGING IMPORTANTE PA SA AMIN ABER!?"

"Naghanap po kasi ako ng trabaho na maari kong pagkakitaan para naman po makabawi sa inyo." paawa ko sa kanya. Sana makumbisi siya sa mga palusot ko.

"Ganon ba? May nahanap ka ba naman?" sa wakay medyo humina na ang tono ng pagsasalita niya. Hindi na high pitched.

"Sa totoo po niyan ay wala. Pero maghahanap po ako sa lalong madaling panahon."

Nakita kong umaliwas ng konti ang kanyang mukha kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Oh siya! Ipaghanda mo ako ng makakain dahil gutom na gutom na ako." utos niya.

"Opo Auntie." sagot ko.

Naligo muna ako dahil ambaho ko na tapos hindi pa din ako nakakapagpalit ng suot na damit kaya sa tingin ko'y dugyot na ang aking itsura.

Dumating ang pasado alas dos ng hapon at heto ako, pagod na pagod. Katatapos ko lang maglinis ng bahay,  maghugas ng isang katerbang kinainan at maglinis ng banyo dahil sa sobrang kakapalan ng dumi nito.

Napahinga ako ng malalim sa sobrang pagod kaya naman umupo muna ako saglit para magpahinga. Humikab ako at nag-inat. Ang sakit pa din ng likuran ko. Iniisip ko kung paano ko ito itatago bukas na school baka magtaka sila kung bakit ganito ako maglakad.

Hindi ako nakapasok ngayon at sigurado akong kailangan kong maghabol dahil alam kong may mga quizzes ngayon na na-missed ko. Kailangan kong maghabol bukas.

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon