Kabanata 20

432 26 0
                                    

Kabanata 20

Naglalakad kaming dalawa pabalik ng classroom. Maingay dahil marami kaming nakakasalubong na mga estudyante na sobrang magkwentuhan sa hallway. Nakatulala lang ako habang naglalakad at na para bang may kung anong bumagabag sa aking isipan dahil sa mga sinabi sa akin kanina ni Clyde tungol sa kuya niya. May naging epekto ito sa akin at hindi ko maintindihan kung ano at bakit.

Napahinga ako ng malalim at tinuon ang aking atensiyon sa daan kung saan kami naglalakad.

"Tim? Anong oras ang susunod nating subject?" tanong ni Clyde sa akin.

Lagi siyang ganyan, hanggang ngayon kasi hindi pa niya alam kung ano ang oras at pagkakasunod-sunod ng mga subjects namin. Kung tutuosin dapat memorize na niya dahil nakailang buwan na din nagsimula ang klase.

"10:45 pa." sagot ko.

Tumingin muna siya sa kanyang wrist watch. "Ayos! Tara daan muna tayong cafeteria, gutom na ako at alam kong ganoon ka din." sambit niya sabay akbay ulit sa akin. Konti na lang talaga at kuba na ako.

Wala pang ilang minuto at nakarating kaming cafeteria. Himala at wala masyadong estudyante ngayon. Madalas kasing nagkakagulo dahil sa dami ng naririto. Pumasok kami sa loob at agad tumungo sa aming madalas na inu-upuan.

"What do you want to eat?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Ikaw, ano ba ang kakainin mo?" tanong ko pabalik.

Hinihintay ko siyang sumagot. Nilapitan niya ako at hinawakan sa aking balikat. "Ikaw. Gusto kitang kainin." Bulong niya.

Akma ko sana siyang sisipain ngunit agad din naman siyang nakalayo at nakaiwas. "Haha!" tinawanan ko na lang siya.

"Tatawanan mo lang ako?"

"Sige na umorder ka na baka ma-late pa tayo sa kaharutan mo! Kung anong oorderin mo, iyon na din ang akin. Shu! Shu!" aniko tsaka ko siya tinaboy na animo'y aso.

Nakita ko siyang ngumuso na parang bata kaya ako natawa.

Bumalik siya makalipas ng ilang minuto. Tumayo naman ako para siya'y tulungan. Kinuha ko ang isang tray na kanyang hawak at kami ay naupo na.

"Uh...Tim, kamusta ang trabaho?" kaswal niyang tanong.

Nag angat naman ako ng tingin. "Okay naman. Mababait ang mga empleyado."

"How about kuya, kumusta siya bilang Boss?"sunod sunod niyang tanong.

"Okay lang din." matipid kong sagot.

Tumango siya. "Nice to hear that. Alam ko namang hindi ka niya kayang pagalitan o pag-initan." aniya.

Muli akong napatingin sa kanya pagkatapos kong sumubo ang pagkaing inorder niya. "Bakit?"

"Subukan lang niya. Tsaka sinabihan ko si kuya na huwag na huwag kang pagagalitan at pahihirapan."

"Kumain ka na nga. Paubos na itong kinakain ko samatalang ikaw wala pang nababawas." sabi ko sa kanya.

Ngumunguya ako ng bigla siyang magsalita. "Ikaw Tim, sinong crush mo? Sa tagal na nating mag kaibigan pero ni minsan wala kang nasasabi o nakukwento man lang sa akin."

"Kailangan bang sabihin iyon?" tanong ko.

"Oo. 'Di ba ganoon naman ang mag kaibigan? Walang sikreto sa isat isa."

"Hindi naman kailangan ay alam mo lahat. At tsaka na-kwento ko na ang istorya ng buhay ko sa iyo." walang emosyon kong sagot.

"Ito may tanong ako sa iyo. Bakit hanggang ngayon hindi ka pa nagkaka jowa? Gwapo ka naman, matalino, masipag, mabait. Lahat ng katangian nasa iyo na." aniya.

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon