Kabanata 30

336 24 1
                                    

Kabanata 30

Binaba ko ang aking bag sa sofa. Pinagmasdan ko ang kanilang napakalaking tahanan. Hindi lang ito basta bahay, ito ay mansyon. Nakakamangha. Hindi ko maiwasang maging ignorante dahil mas doble ang laki nito kaysa sa bahay na nilalagian ko kay Sir Costin.

Muling napako ang ang tingin sa isang painting na pagkalaki laki. Familiar at tila nakita ko na ang larawan na ito. Alam ko na! Isang painting nilang buong pamilya. Habang pinagmamasdan ko ito ay may narinig akong sigaw dahilan para ako'y magulat dahil sa kanyang boses na umalingaw ngaw sa buong bahay.

"Tim! Come here!" narinig kong sigaw ni Clyde.

Sinunadan ko ang tinig na aking narinig. Naglakad at sinundan ko kung saan nakita kong patungo si Clyde kanina.

Nang makarating ako sa kanilang dining area, nakita ko si Clyde na naka-upo na at kaharap niya ang isang mahabang lamesa. Lamesa na kung saan nakikita ko lang sa mga pelikula.

Parang fiesta ang dating sa akin dahil sa dami ng pagkaing nakahain. Umupo na ako ng walang pasabi.

"Anong meron? Fiesta?" nagaalangan kong tanong.

Magkatapatan kami ng upo.

Humalukipkip siya at dumeretso ang tingin sa akin. "Fiesta? Nope! It's your birthday remember? So... You are here to celebrate your special day with me."

Umayos ako sa aking pagkakaupo. Maya maya pa ay nakita ko nang kumilos papalayo ang mga nakapalibot na mga naka-unipormeng babae na sa tingin ko ay kanilang mga kasambahay. Ang dami. Tantsa ko ay nasa anim o pito ang mga ito.

Sa laki ba naman ng mansyon na ito ay hindi na ako magtataka kung bakit ganoon na lang ang bilang nila.

"Bakit umalis na sila? Pinaalis mo noh?" tinaasan ko siya ng isang kilay.

Ramdam na ramdam ko na masaya siya ngayon at nakikita ko iyon sa kanyang mukha. Maaliwalas. Kanina lamang ay nakabusangot siya pero mabilis itong nagbago ngayon ngayon lang.

"Of course not! Sadyang marunong lang silang makiramdam." biglang naging seryosong muli ang kanyang mukha. "Lets eat?" aniya.

Tumango ako sabay lagay niya ng kanin at iba pang pagkain sa aking pinggan. Napakarami niyang nilagay kaya pagkita ko palang noon ay halos mabusog na ako.

"Clyde tama na. Hindi mo naman ako bibitayin 'di ba?" biro kong tanong.

"Pfft! Mukha kasing hindi ka pinapakain ni kuya ng maayos kaya tingnan mo, ang payat mo na."

"Hindi nga? Hindi mo ba nakikitang nagkakalaman na ulit ako? Hindi na ako payat gaya dati dahil nakakakain na ako ng maayos ngayon." pagtama ko sa kanya.

"Uhm...I see. Let's eat." Aniya.

Kumain kaming dalawa. Inubos ko naman ang pagkaing nilagay niya sa akin kahit napakarami. Kaya ang ending, halos masuka ako sa sobrang busog.

"Uhm...Clyde? Nasaan nga pala ang parents mo? Para kasing hindi ko na sila gaanong nakikita." tanong ko.

Nilingon niya ako habang umiinom siya ng tubig. "Nag-out of the country sila last month ago, so... probably hindi mo talaga sila makikita." sagot niya. "But I think, sooner or later they'll come back after ng kanilang vacation."

Tumango tango ako. Kaya pala hindi ko sila nasisilayan man lang sa school o kaya sa kumpanya. Iyon pala ang rason.

Umiinom ako ng tubig nang bigla muling tumunog ang aking cellphone. Shit! Ito na naman siya. Kanina pa niya ako tinetext at tinatawagan ngunit hindi ko ito nasasagot. Panigurado akong tatanungin muli ako ni Clyde kung sino itong text nang text sa akin kanina pa.

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon