Kabanata 24

346 28 1
                                    

Kabanata 24

Clyde's Point of View

Nagmamadali akong bumalik sa loob para kumuha ng tuwalya. Nilalamig na si Tim at ayokong magkasakit siya. At mas hindi ko gu-gustohing may mangyaring hindi maganda sa kanya.

"What are you doing here, Clyde?" tanong sa akin ni kuya.

He looked so mad and I don't know why. Hinarang niya ako sa aking daraanan.

"I'm here for Tim at alam kong alam mo kung bakit ako naririto. Is there any problem with you kuya?" tanong ko.

"Nothing..."

"Meron. May kailangan ba akong malaman? May sasabihin ka ba sa kapatid mo?"

"Clyde!" mahinang tinig ang aking narinig. Hindi ko alam kung saan ito nagmumula basta may kung anong bigat ang aking nararamdaman. Kumalabo bigla ang aking dibdib.

"Where's Theo?" he suddenly asked.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Fuck!" pabulong niyang mura.

Nagmadali siyang tumakbo at nagtungo papuntang pool. Agad ko din naman siyang sinundan.

"Fucking shit! Theo!" malakas na mura at sigaw ni kuya.

Nabitawan ko ang hawak hawak kong tuwalya.

Halos malagutan ako ng hininga nang makita kong nasa ganoong posisyon si Tim. Hindi ako makakilos at halos ma-stuck na ako sa kinatatayuan kong ito.

Tumalon si kuya sa pool at agad kinuha si Tim mula doon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang alam ko lang, ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa kanya. Hindi ko siya dapat iniwan.

Binaba ni kuya si Tim sa may galid ng pool. At sinimulang bigyan ng hangin sa kanyang bibig. Napakabigat ng dibdib ko nang lapitan ko sila.

"Breathe Theo, breathe." sambit ni kuya.

Pinanuod ko si kuya sa kanyang pagsagip kay Tim. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala.  Parang hindi si kuya ang nasa harapan ko. May kakaiba sa kanya na ngayon ko lang nasilayan.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang malakas na paghugot na hinga ni Tim. Kasabay rin nito ang paglabas ng tubig sa kanyang bibig. Ligtas siya.

Nang nakahinga ako ng maluwag,  lumapit ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin ng napakahigpit. Ngunit, naunahan na ako ni kuya. Mahigpit niyang hinagkan si Tim na ngayon ay yumakap din sa kanya pabalik.

"Thank god you're alright." sambit ni kuya.

I'm staring at them. Bumagsak ang aking balikat. Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Anger, disappointments, pain and confusion. Pero may parte din na nagsasabing nagseselos ako. Nagseselos ako dahil ako dapat ang nasa katayuan ni kuya. Pero, anong magagawa ko? Samatalang ako ang may kasalanan kung bakit nasa ganoong kalagayan si Tim.

Napahamak ko ang taong nagpapasaya sa akin, ang taong nagbibigay sa akin ng inspirasyon at higit sa lahat ang taong mahal ko. Hindi bilang kaibigan, kung 'di higit pa sa kaibigan. I fell in love with Theo Alvarez , my best friend.

"Theo!? Hey!"

"What happened kuya?" nag aalala tanong ko.

"Nawalan siya ng malay." he replied.

"Ako na mag dadala sa kanya sa kwarto." suhestiyon ko.

"I can handle him by myself. Magbihis ka na baka magkasakit ka pa." sambit niya.

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon