Kabanata 17

471 32 0
                                    

Kabanata 17

Gusto ko sanang tanungin si Sir kung bakit ganon na lang ang mga kinikilos at pinagsasabi niya sa akin tuwing kaming dalawa lang ang magkasama. Ngunit wala akong lakas ng loob para komprontahin siya.

Oo P.A niya ako pero ganon ba niya dapat ako ituring o pakisamahan? Sa tingin ko hindi. Ang hirap kasing intindihin ng mga kilos at galaw niya sa akin lalo na nitong mga sumunod na araw. Parang may mali. Parang may kakaiba at parang hindi naman dapat.

"Timo! Tulala ka diyan! Lumalamig na ang pagkain mo oh!" pambabasag ni Seb sa katahimikan. Nandito kasi kami sa canteen nitong building para kumain.

Sa totoo niyan, dapat lagi akong kasama ni Sir kung saan man siya magpunta. Subalit pinayagan niya naman ako ngayon. As in ngayon lang. Hindi niya kasi ako pinapayagang lumabas sa kanyang opisina kung wala naman siyang inuutos. At dapat daw sa kanya lang ang atensyon ko. Ayaw niya daw akong mawala sa paningin niya. Pwede ba 'yon? Kalokohan 'di ba?

Humarap ako sa kanya. Nakataas ang kanyang kilay habang ngumunguya. "Bakla ba si Sir?" pabulong kong tanong sa kanya, marami kasing tao baka may makarinig. Matagal ko na itong gustong itanong. Humahanap lang talaga ako ng tiyempo.

Bigla siyang nasamid. Inabot ko sa kanya ang tubig. Kasalanan ko pa kung mabulunan siya at mamatay. Humawak siya sa kanyang dibdib at pinalo ito.

Humagalpak siya sa tawa. "PUTA TIMO! ANONG NAKAIN MO AT NAITANONG MO IYAN?"

"Naitanong ko lang naman." sabi ko.

"Ibang klaseng tanong 'yan. Pero kung ako ang sasagot, posible nga." biglang naging seryoso ang kanyang mukha.

Sabi ko na!

"Talaga? Sabi ko na't bakla nga si-"

"Posibleng may nakain kang panis. Si Sir bakla? Imposible naman 'yon pre. Eh mas straight pa nga si Sir sa bagong rebond na buhok!"

"Eh bakit wala akong nababalitaang girlfriend ni Sir?"

"'Yon din ang tanong na gustong malaman nang karamihan. Pero balita ko, may minsan daw na babae ang pumupunta sa opisina ni Sir Costin. At ang sabi pa, posibleng kasintahan daw ito ni Sir. Chismis lang naman 'yon. Malay mo naman 'di ba?"

Tumango-tango ako. "Totoo ba 'yong bawal tingnan/titigan o hawakan si Sir?"

"Hindi naman sa bawal. Kung ayaw niyang siya'y tingnan, edi sana magtakip siya ng mukha para hindi siya makita. Sadyang ayaw lang niya o hindi lang siya ganong ka-komportable." sagot niya habang ngumunguya.

"Madaldal ba si Sir?" tanong kong muli.

"Nako! Eh hindi ko pa nga naririnig na magsalita 'yon! Alam mo, ang sabi ng mga kasamahan ko sa department, pili lang daw ang kinaka-usap ni Sir. Hindi nga daw ito ngumingiti tapos lagi lang daw naka poker face. Wala kang mababasang emosyon sa kanyang mukha."

Nakita kong ngumisi siya sa akin kaya napakunot ang noo ko. "Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ko.

"Shettttttt! Kailan ka pa naging curious sa isang tao? Kilala kita, Timo! Kahit. minsan hindi ka naging ganyan kamaraming tanong." kinikilig niyang sambit.

"Kung magtanong ka man sa akin dati tungkol lahat sa pag-aaral kaya hindi kita masagot. Kapag naman pinag-uusapan natin dati ang mga babaeng nagkakagusto sa 'yo, iniiba mo ang usapan. Pero ngayon? Himala! Sunod sunod ang tanong!"

"Ewan ko sa 'yo. Boss kasi natin siya kaya dapat,.alam mo 'yon....may alam ka sa kanya kahit papaano." sagot ko.

"'Yon na nga, 'BOSS' natin siya. Pero bakit ang dami mong gustong malaman kay Sir? Hindi naman kaya-"

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon