Kabanata 29

309 24 0
                                    

Kabanata 29

Tumigil ang kanyang sasakyan. Humarap at tumingin muna ako sa kanya bago ako tuluyang bumaba. "Una na ako, Sir." aniko.

Nag iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nanlisik ang mga mata niyang tumitig sa akin. Natawa ako. "Bye, Costin?" may pag aalinlangan kong sambit.

Mas lalong nanlisik ang mata niya. Alam ko na ang pinuputok ng butsi nito. "Hindi pa pwede ang gusto mo. Hindi pa naman tayo, 'di ba?" pangaasar kong tanong.

"Yeah. Pero alam kong doon din ang punta no'n. Sooner or later, you'll call me Love as well." determinado niyang sagot. Kumindat siya.

"Late na ako. Bye."

Ngumiti siya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kayang kotse ngunit agad niya akong pinigilan. Hinawakan niya ako sa aking pisngi. Hinalikan niya ako sa aking labi.

"I love you." Aniya.

Tinanguan ko siya.

Hindi ko maiwasang mapangiti at makaramdam ng saya. Basta! Bukod sa pag-ihi, ngayon lang ako kinilig. Kakaibang kilig na masarap sa pakiramdam.

Pagkahatid niya sa akin sa school, siya naman ay dumeretso na sa opisina. At dahil napansin niya na bumili ako ng cellphone, walang ano-ano ay kinuha niya ito sa akin at nilagay ang kanyang numero. Hinayaan ko na lamang siya.

Lumipas ang ilang oras. "Okay, Class dismissed." sabi ng prof. namin sa unahan. "By the way class, be ready for our long quiz tomorrow-"

Hindi pa man tapos magsalita ang professor at tuluyang nakakalabas ay nagsitayuan na ang mga kaklase ko at nagmamadaling nagsilabasan. Mga bastos talaga. Ako naman, inyos ko muna ang mga librong nakalabas at nilagay ito sa loob ng aking bag.

May umakbay sa akin. "Tim! Let's go? May pupuntahan tayo." aniya.

Napatalon ako dahil sa gulat. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Saan naman tayo pupunta?"

"Basta. Malalaman mo din." aniya sabay ngiti.

Ngumiwi ako at napakamot ng ulo. "Hoy! Baka nakakalimutan mong may trabaho pa akong papasukan." asik ko.

"Ako na bahalang magpaalam kay kuya. Tsaka alam ko namang papayag iyon. Ano tara na?"

Hindi ako nakasagot ng tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng aking inupuan. Aabutin ko sana iyon kaso naunahan ako ni Clyde.

Kumunot ang noo niya nang kunin niya ito. Tiningnan niya ako at muling binaling ang tingin sa cellphone kong kapit kapit niya.

"Love? Sino si Love?" tanong niya sa akin at tiningnan ako ng mata sa mata.

Nanlaki ang mata ko. Hinablot ko ang aking cellphone at itoy aking tiningnan. Shit!

Love:

Hi love. I'm craving to see you. Wait for me and I'll be there in a minute. I love you."

Mas lalong nanlaki ang mata ko sa gulat nang mabasa ko ang nilalaman ng mensahe na natanggap ko. Hindi na ako magtatanong kung sino at kanino galing ito. Kay Sir este Costin nanggaling ang mensaheng iyon. Hindi ko akalaing ganoon pala ang nilagay niyang profile name sa contacts ko. Dalawang numero pa lang naman ang mayroon ako sa aking phone at iyon ay kay Seb at iyong isa, sa kanya. Bago ko pa lang kasi kukunin ang numero ni Clyde ngayon.

Nilingon ko si Clyde na kanina pa pala ako pinagmamasdan.

"U-uhm...tara na. Saan ba kasi tayo pupunta?" sabi ko na lang sa kanya.

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon