Kabanata 11

447 29 2
                                    

Kabanata 11

Ang sakit ng ulo ko hanggang ngayon. Paano ba naman, alas tres na ng madaling araw ako nakatulog dahil sa lintek na hilik ni auntie. Idagdag mo pa ang mga hagikhik ni shaira na alam ko ay dahil ito sa kanyang boyfriend na magdamag niyang katawagan. Mag-ina nga talaga sila.

Lutang at sobrang bagot ako nang pumasok ako kanina sa school. Wala akong kausap, kasamang kumain, at higit sa lahat walang nangungulit at ng aasar sa akin. Absent kasi si Clyde. Oo hindi siya pumasok at hindi ko alam kung bakit at anong dahilan kung bakit siya lumiban ngayong araw. Gusto ko man siyang i-text o tawagan upang tanungin siya, ngunit wala naman akong cellphone na maari kong gamitin. Makabili na lang kapag nakasahod na.

Ngayon papunta na ako sa opisina ni Sir dahil malapit ng mag ala una nang may napansin akong pamilyar na naglalakad sa hallway na parang may kung anong tinitingnan at pinagmamasdan. Para din siyang nawawala kung aakalain mo. Nakatalikod man ito ngunit kilalang kila na ko na kung sino siya.

Lumapit ako sa kanya at agad ko siyang pinitik sa tainga. "Aray! TIMOO!" reklamo niya sabay hawak sa tainga niyang namumula.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka nandito? Para kang nawawalang bata." aniko.

Napakamot siya sa kanyang ulo. "Hinahanap kasi kita kanina pa. Tapos bigla bigla ka na lang namimitik."

"Bakit mo naman ako hinahanap? Alam mo nang ganito ang oras ng pasok ko 'di ba?" sabi ko.

"Oo alam ko naman 'yon. Balak ko lang sanang sabihin sa 'yo na sabay tayo mamayang umuwi." sabi niya at bumaling sa akin ng tingin.

Tumawa ako at muli siyang pinitik. "Sabay ka diyan! Hindi na nga kita nakita kagabi tapos sasabihin mo sabay!?"

Napakamot naman siya ng ulo at ngumiti ng pilit. "Sorry na! Niyaya kasi ako ng mga kasamahan ko sa department. Tatanggihan ko sana kaso...alam mo na libre." aniya. "Alam mo pre-"

Tinakpan ko ang kanyang bibig. "Shit! Late na ako! Sigurong mapapagalitan na naman ako ni Sir! Daldal mo kasi!" sabi ko naman agad. Tatalikuran ko sana siya para pumasok na sa opisina ni Sir nang bigla niya akong hinila pabalik sa kanya. "Abno ka ba? Late na ako oh!" reklamo ko.

Ngumisi ng nakakaloko. "Buti na lang wala diyan si Sir. Kung hindi, nilabas na tayo ngayon." sagot niya ng mahinahon.

Kumunot ang noo ko at nagtaas ng kaliwang kilay. "Wala si Sir? Nasaan?" tanong ko.

"Narinig ko na may ka-meeting daw siya ngayon kaya wala siya sa opisina niya."

Tumango tango nalang ako sa kanya. Salamat naman....dalawang minuto na kasi akong late kaya sobrang kaba ko na ngayon. Nakahinga ako ng maluwag. Kinalabit ako ni Seb kaya humarap ako sa kanya. "Tara? Sama ka sa akin." aniya.

Hindi ko na naitanong kung saan kami pupunta dahil agad niya akong hinila.

Iniikot ko ang mata sa aking paligid habang nasa loob ako ng silid na ito. Maraming mata ang nakatingin sa akin at tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Guys! Ito nga pala si Theo, single, matalino, mabait, gwapo at higit sa lahat virgin! Kaibigan ko siya since elementary." pakilala ni Seb sa mga kasamahan niya sa HR Department.

Pinitik ko siya sa kayang likudan dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga nakakahiya siya. "Siya din ang bagong P.A ni Sir Costin." patuloy nito.

Tila naglakihan ang mga mata ng mga ito. Narinig ko silang nagbubulungan habang ako ay tinitingnan.

Nakaupo ako ngayon sa isang upuan dito pa din sa loob ng HR Department. "Hindi ko akalaing ikaw pala ang bagong P.A ni Sir Costin?" sabi ng isang babae sa akin nasa tingin ko ay ay ilang taong ang agwat ng edad sa akin. Pamilyar ang mukha nilang dalawa sa akin hindi ko alam kung saan ko sila nakita.

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon