Kabanata 27

311 26 3
                                    

Kabanata 27

"Gago ka pre. Anong ginagawa natin dito?" tanong ng kasama ko.

"Gusto mong magdasal? Ano bang ginagawa dito?" sakrastiko kong sambit.

"Eh nasa bar tayo kaya maraming pwedeng gawin. Pero huwag mong sabihing magiinom ka?"

Ngumisi ako. "Tayo! Magiinom tayo!"

Nanlaki ang mga mata niya at gulat na gulat. "Hayop, pre! 'Di nga? Sinasabi ko na nga ba't may problema ka eh. Batid kong hindi ka magiinom kung wala kang dahilan. Mababaw o malalim?"

"Ano?"

"Ang problema mo, mababaw ba o malalim?"

Nagpatuloy pa din siya sa kanyang kadaldalan habang umo-oder ako ng alak na aming lalagukin at tutunggain maya maya lamang.

"Natatandaan ko dati noong high school tayo na nag-inom ka, dahil lang bumagsak ka sa quiz. Ako nga zero hindi ko dinamdam. Ang babaw mo kaya noon pre."

"Sige lang, mag balik tanaw ka pa. Eh ikaw nga itong may sinukahang matandang mayaman kaya ano? Nasuntok ka?"

"Easy, Napapahiya na ako. Sige na panalo ka na ulit."

Bitbit ko ang apat na beer samantalang dalawa lang kay Seb. Bali...ito ang pangalawang beses na magiinom ako. Nakalimutan ko na nga ang lasa ng alak dahil matagal tagal ko na din iyong hindi natiktam.

Naalala ko dati na isang lagok ko lang ng alak ay hilong hilo na ako. Nakauwi ako sa bahay nina Auntie ng umaga kaya naman halos mapalayas na niya ako noong araw na iyon. Kaya simula noon, hindi na naulit.

"Woah! Hanep pare apat! Isang baso pa nga lang halos hindi mo na kilala ang sarili mo, apat pa kaya?" pangaasar niya.

"Mang-asar ka pa Seb."

"Oh, ano ngang problema? Isalaysay mo na."

"Baka lalo mo lang akong asarin pag nagkataon."

"Sus! Takot ko na lang sa 'yo. Kwento mo na dali!"

Sinimulan ko ng tumungga ng alak kaya napangiwi ako sa lasa nito. Ang tapang! Hindi ko alam kung bakit ba kami pumunta dito basta may nag udyok sa aking isip na dito sa lugar na ito ko malalaman ang tanong na hindi ko masagot sagot.

"Hoy pre! Huwag mo namang gawing tubig ang alak. Dahan dahanin lang natin iyan."

"Masama bang magmahal?" panimula ko.

"So.... Iyan pala ang problema mo? Pag-ibig? Hmm...sa tingin ko naman hindi. Hindi masamang magmahal."

"Alam mo pare, hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Kasi miski ako nahihirapang paniwalaan." aniko.

Tumango siya. "Tuloy mo lang pre. Dami pang paligoy-ligoy." reklamo pa niya kaya binatukan ko siya.

Bumuntong hininga ako. "Kapag ba ang ako nagmahal ng kapareho kong lalaki, ang tawag na ba sa akin bakla?"

"Oo. Hindi. Siguro. Ewan." sagot niya. "Mahirap sagutin pre. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Ikaw na bahalang mamili."

"Hindi mo ba ako huhusgahan kapag nalaman mong lalaki ang gusto ko?" tanong ko.

"Teka.... Ibig bang sabihin may nagugustuhan ka? Hindi babae kung 'di lalaki?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Hmm-"

Hindi ko naiwasang hindi tumango. "Hindi ko alam kung gusto ko na ba siya. Pero kasi parang ganoon na eh. Sa kanya ko lang naramdaman iyong mga bagay na hindi ko pa nararamdaman noon. Siya lang din ang nagparamdam sa akin na mahalaga ako, na hindi ako nagiisa. Bukot sa Mama't Papa ko, siya lang din ang hindi ko ka-ano ano na nakapagsabi na mahal niya ako at hindi niya ako iiwan. Sa mga haplos at halik niya, napatunayan ko na ganoon pala ang pagmamahal kahit hindi mo man sabihin at least napaparamdam mo."

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon