Kabanata 16

486 32 0
                                    

Kabanata 16

Umalis siya sa pagkakapatong sa akin. Ako naman ay dali dali nang lumabas na para bang hinahabol sa sobrang bilis. Hindi ako mapakali pagkababa ko ng dumeretso ako ng kusina.

Naabutan ko si Mang Ben na naghuhugas ng kanyang pinaglutuan.
"O-oh Timee, ano't hingal na hingal ka? Gising na ba si Sir?" tanong niya.

Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang kahingalan. Lumapit siya sa akin. "O-oh uminom ka. Saan ka ba nang galing at pinagpapawisan ka?" abot niya ng isang basong tubig.

"Gising na po si Sir. Sigurado po akong pababa na 'yon." sagot ko sabay abot sa basong hawak niya.

Kasalukuyan akong uminom nang makita ko si Sir na papalapit sa amin. Nakangisi ito. Dumaan siya sa harap ko at tumigil. "Good morning." he whispered.

Dahil sa ginawa niya bigla akong nasamid. Halos mabuga ko ang aking iniinom na tubig. "G-good m-morning din S-sir." nabubulol kong sagot. Narinig ko na natawa siya.

"Magandang umaga Mang Ben." masigla niyang bati. Nakita ko siyang umupo na sa lamesa.

"Magandang umaga din Sir Costin. Mukhang maganda ang gising natin ah!"

"Yeah. Because of someone." sagot nito sabay tingin sa akin. "Makita ko palang siya ay maganda at kumpleto na ang araw ko." dagdag pa niya.

Napailing na lang ako pati na din si Mang Ben. Hindi ko akalain na may ganitong side pala si Sir. Akala ko hindi siya nagsasalita kapag may kaharap siyang ibang tao. Pero mali ako. Talagang hindi ko pa siya ganong kilala.

Pinasabay na kami si Sir kumain. Nong una nahihiya ako dahil ang alam ko, kapag kasambahay ka hindi ka pwedeng sumabay sa amo mo. Kapag natapos na lang sila tsaka ka pwedeng kumain. Natuwa ako dahil mas maigi pa siya kay Auntie na kamag-anak ko na kulang na lang 'wag akong pakainin.

Habang kumakain ako, hindi ko maiwasan hindi tingnan si Sir. Pinagmasdan ko siya habang kinakagat ang hotdog. Ngunit nag-init ang mukha ko nang bigla niya din akong tingnan pabalik. Dahan dahan niyang kinakagat ang hotdog na para bang tinatakam ako. Umiwas ako ng tingin dahil sa asta niya.

Ang manyak tingnan.

Unang natapos si Sir kumain. Nakita ko siyang tumaas muli. Kaming dalawa na lang ni Mang Ben ang naiwan kaya napagdesisyunan kong ako na lang ang maghugas ng aming pinagkainan. Pero bigla akong pinigilan ni Mang Ben dahil siya na daw ang bahala dito. Syempre hindi ako pumayag. Ako ang kasambahay ngunit iba naman pala ang gagawa ng responsibilidad ko. Mali 'yon. Kaya sa huli, ako pa din ang naghugas dahil nagpumilit ako.

Sumapit ang alas-otso, lumabas ako para puntahan si Mang Ben. Naglilinis kasi siya ng kotse. Kasalukuyan niyang sinasabon ito. Napansin ko siyang parang nangangalay sa kanyang ginagawa. Siguro dahil na din may kaedadan na siya. Nilapitan ko siya.

"Mang Ben ako na ang gagawa niyan." Aniko.

Nakayuko siya at kapit-kapit niya ang kanyang balakang. "Nako Timee ako na." sagot niya.

Hindi ako nakumbinsi. Pansin ko na nahihirapan siya sa kanyang ginagawa. "Mang Ben ako na po. Tingnan niyo po, hindi ba't nangangalay na kayo? Ako na po ang bahala diyan." sabi ko.

"Sigurado ka ba diyan?"

"Opo, Mang Ben." tinapik ko ang kanyang balikat. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"O-oh siya. Kung sakali mang hindi mo matapos o kaya naman mapagod ka, tawagin mo ako ha?" sambit niya sa akin bago pumasok sa loob ng bahay.

Tumango ako.

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon