Kabanata 25

344 25 1
                                    

Kabanata 25

"Faster, Mr. Alvarez!" sigaw niya sa akin.

Nagmamadali akong maglakad patungo sa kanyang sasakyan habang binobotones ko ang polo na binili niya sa akin noong mga nakaraang araw. Sabi niya kasi ito daw ang isuot ko. Nakasandal siya sa pinto ng kanyang kotse at pinaglalaruan niya ang susi sa kanyang mga daliri.

Binilisan ko na ang lakad ko. Batid kong naiinip na siya at kita ko iyon sa mga mata niya, nanlilisik. Kanina pa siya siguro naghihintay. Paano ba naman, tinapos ko pang maglinis ng bahay kahit wala namang dumi, nagluto ng agahan tapos hinugasan ko din ang kinainan namin.

"Sorry Sir. Tinapos ko pa kasi ang-"

"I see, Get in. We're late." aniya.

Hindi na ako sumagot pa. Pumasok na siya sa sasakyan at ganoon rin naman ako.

"Fasten your seatbelt." gaya ng lagi niyang sinasabi sa akin.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe pero hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung saan ba kami pupunta. Wala naman siyang nasabi sa akin basta pinagmadali niya lang akong papaliguin dahil may pupuntahan daw kami sa hindi malamang lugar.

Bahagya akong napalingon sa kanya. Napaka seryoso niya at talagang nakatuon lang ang tingin niya sa daan na talaga namang dapat. Maya maya pa ay napansin kong sumulyap siya sa akin kaya mabilis akong umiwas at tumingin sa labas ng bintana.

Tumikhim siya.

"Saan tayo pupunta, Sir?" sa wakas, naitanong ko din.

Hindi siya sumagot at parang walang narinig. Pinagkibit balikat ko na lang. Oo nga pala busy siya sa pagda-drive.

Ilang minuto pa ang lumipas. Nawala ang nararamdaman kong antok at pagka-boring dahil sa pagtingin ko sa mga dinadaanan namin. Kinalaunan, tumigil ang sasakayan. Mukhang nakarating na kami sa aming patutunguhan.

"We're here. Let's go." aniya.

Muli akong tumingin sa labas. Dali dali akong bumaba mula sa kotse. Sumilay ang ngiti sa aking labi. Sa wakas, dalawang linggo na halos ng huli akong makapasok dito. Sa simbahan.

Simbahan ito sa maynila na madalas kong pinag si-simbahan tuwing araw ng linggo. Taong simbahan ako dahil dati akong sakristan. Hindi rin naman ako nagtagal dahil huminto na din ako sa rason na wala naman daw akong mapapala sa pagsa-sakristan ko. Iyon ang sabi sa akin ni Auntie, Gayunpaman hindi ko nalilimutan ang mag simba.

Humarap ako kay Sir. Nakatingin lang siya sa akin kaya nginitian ko siya. Nanlaki naman ang mata ko. Hindi ko akalaing dito ang aming sadya.

Pumasok na kami sa loob at naupo sa bandang likuran. Hindi pa ganoon karaming tao.

Nagsimulang mag-dasal si Father, kaya tinuon ko ang atensiyon ko sa kanya. Tumungo ako at pinikit ang dalawa kong mata. Maya maya lang ay may naramdaman akong humawak sa kamay ko kaya nagulat ako.

Nagmulat ako ng mata at kumunot ang noo. "Sir, mahiya ka naman kay Father pati na din sa kanya." bulong ko sa kanya at tinuro ang altar.

Hindi niya ako pinansin at animo'y walang narinig. Nakapikit lang siya. Pilit ko mang tanggalin ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak ngunit ayaw niya itong pakawalan.

Lumingon ako sa paligid pati na din sa aking likuran. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya at ng kaba lalo na't nandito kami loob ng simbahan. Batid kong hindi ito naayon sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Nakakahiya. Nahihiya ako.

Natapos ang pagsamba kaya lumabas na kami ni Sir. At hanggang sa nakapasok na kami ng sasakyan ay walang kumikibo sa amin o nagsasalita man lang. Paano na lang kung may nakakita pala sa amin? Edi na husgahan na agad kaming dalawa?

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon