Kabanata 14

439 28 0
                                    

Kabanata 14

Dala dala ko ang isang malaking bag papunta sa may kanto kung saan naroon ang sasakyan ni Sir. Hindi naman karamihan ang aking damit at gamit kaya hindi ganon kabigat ang bit-bit kong bag. Suot ko ang puting T-shirt at may kaiksiang short.

Kinausap ko si Auntie kanina. Sa totoo niyan, ngayon palang talaga ako nakapagpaalam sa kanya dahil nawawala 'to sa aking isip. Pagkasabi ko palang sa kanya ay agad siyang pumayag. Para ngang ang saya ng mukha niya lalo na ang pinsan ko. Siguro masaya sila na aalis na ako sa kanilang tahanan.

Nilagay ko ang aking bag sa aking gilid pagkapasok ko ng sasakyan. Sa front seat niya ako pinaupo at syempre, naglagay ako ng seatbelt.

Bakit kaya nagbago agad ng desisyon si Sir? Baka wala lang siyang mautusan sa kanyang tinitirahan.

Binuksan niya ang pinto. Pero bago ito, isang tingin ang binigay niya sa akin. Tingin na nagbibigay sa akin ng kaba at takot.

Inayos kong muli ang aking bag dahil nasisikipan ako. Ang laki kasi ng sakop nito. Kung ilagay ko kaya sa back seat? Tama! Pero bago 'yon, palihim ko siyang tiningnan.

Nang makapasok siya sa kotse, nagiigting ang kanyang panga. Inayos niya ang kanyang seatbelt at humawak sa manibela. Akala ko ay magsisimula nia siyang mag maneho pero laking gulat ko ng muli akong tumingin sa kanya.

May tinitingnan kasi siya at talagang titig na titig siya dito. Sinundan ko ang kanyang tingin. Shit! Nanlaki ang mata ko. Bakit doon siya nakatingin?

Sa hita ko.

Kesa ilagay ko ang bag sa back seat ay ipinatong ko na lang ito sa aking hita. Kahit mabigat, wala akong pakialam. Okay lang kahit ako mangalay. Ilang sandali pa'y umiwas na din siya ng tingin at sinimulan nang mag-drive.

Balita ko may iba pang bahay si Sir bukod sa kanyang condo. Iba talaga kapag mayaman ka. Kahit anong bilhin mo, mabibili mo.

Medyo may katagalan ang naging biyahe namin. Idagdag mo pa ang lamig sa loob ng sasakyan. Hindi ko na lang pinapahalata sa kanya na giniginaw ako. Ang lamig sobra kaya hindi ko na din maiwasang manginig.

Sumilip ako sa bintana nang bigla nalang tumigil ang sasakya. Pinarada niya ito sa gilid ng daan na aking ipinagtaka. 'Wag niya sabihing naubusan ng gas?

Akala ko ay bababa siya pero hindi pala. Lumiyad lang siya patalikod. Sa tingin ko ay may kinukuha lang siya sa back seat. Humarap siyang muli at hawak niya ang coat na hinhubad niya.

Inabot niya ito sa akin. "Here. Suotin mo para hindi ka ginawin." aniya. Seryoso ang mukha niya. Tinanggap ko naman ito agad.

Sinuot ko ang kanyang coat. Makapal ito kaya kahit papaano ay nawala ang lamig na nararamdaman ko.

Ilang minuto ang lumipas wala kahit isa sa amin ang nagsalita o kumibo man lang. Tutok na tutok kasi si Sir sa pagda-drive.

Pumasok kami sa isang village na sa pagkakaalam ko ay kanila ding pagmamay-ari. "We're here." sabi niya.

Sumilip ako sa labas ng bintana at bigla akong napatingala sa laki ng bahay na nasa harapan ko ngayon.

Kusang bumukas ang gate at pinasok na niya ang kanyang kotse sa garahe.

Sabay kaming bumaba. Sinara ko ang pinto ng kotse at sumunod sa kanya papasok. Namangha ako pagkapasok ko. Napakalaki ng kanyang bahay at talaga namang kamangha-mangha ang loob nito. Nilibot ko ang aking mata sa loob. Napukaw nito ang aking atensiyon dahil sa ng larawang nakikita ko. Larawan nilang buong pamilya.

Ano kayang pakiramdam na kompleto kayong pamilya? Syempre masaya 'yon. Lahat kayo nagmamahalan at magkakasama. Bigla akong nalungkot. Siguro kung buhay pa sina Mama at Papa sigurado akong masaya ako ngayon. Masayang masaya. Pero, mag-isa nalang lang ako. Oo may kaibigan ako, nadiyan naman si Auntie na nagpalaki sa akin ngunit may kulang. May kulang pa din na inahanap hanap ko, pagmamahal ng isang magulang na kahit kailan hindi ko naramdaman at hindi ko na muling mararamdaman sa buong buhay ko.

Pumatak ang luha sa aking mata.

Huling luha na ito at ipinapangako ko. Ito na ang huling luha na tutulo sa aking mata. Hindi na ako muling iiyak.

Naramdaman ko ma may lumapit sa akin. "Hey, Are you crying?" may paga-alala niyang tanong sa akin.

Kita ko na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha na ngayon ko lang nakita sa kanya. Madalas kasi siyang walang emosyon o lagi nalang seryoso. Pero iba ngayon ang nakita ko.

Agad kong pinunasan ang aking mata gamit ang palad ko. "Ayos lang ako Sir." sagot ko. Hindi ako tumingin sa kanya.

Hinawakan niya ang baba ko at unti unti niya itong itinaas. Umangat ang ulo ko at bigla nalang akong napatingin sa kanya. Laking gulat ko na nakatingin din pala siya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Kakaibang kaba na ngayon ko lang din naramdaman.

Napako ang akin tingin sa kanyang mata. Patay ako nito. Pero anong magagawa ko? Kusa itong tumingin ng hindi ko namamalayan. Titig na titig siya sa akin ngayon. As in, mata sa mata.

Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking ilong hanggang sa aking mga labi. Ang lapit ng kanyang mukha. Konting galaw ko lang ay mangyayaring hindi kanais-nais. Shit! Hindi ako makahinga. Hindi din ako makagalaw. Para akong na estatwa.

Mas lalo niyang nilapitan ang mukha niya. At ang aking kinaloko, bigla nalang akong napapikit. Hanggang sa-

Bigla siyang bumulong. "Damn! I wanna taste your fucking lips. But I can't." naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking kanang tainga.

Agad naman nagmulat ang dalawa kong mata. Puta!? Bakit ako pumikit? Nakakahiya! Tsaka 'yong sinabi niya, anong ibig niyang sabihin?

Tumingin akong muli sa kanya. Nakangiti siya. What!? Nakangiti siya? Oo. Kitang kita ng dalawa kong mata. "Tara sa taas?" tanong niya. Iba ang tono ng kanyang boses. Para bang nangaakit.

Tinalikuran niya ako at nauna na sa aking maglakad. Naiwan akong nakatayo at tulala. Bakit ganoon nalang ang impact ng kanyang ngiti sa akin? Kumakabog ng husto ang aking dibdib at nararamdaman ko 'yon ngayon. Hindi naman kaya..... Shit! Nababakla na ako ako. Nahawa na ako sa kanilang magkapatid.

Sinampal ko ang pisngi ko para matauhan at bumalik sa wisyo. Napailing nalang ako.

Naglakad ako at sinundan siya.

Pagtading namin sa taas, dalawang magkatapat na pinto ang aking nakita. Napa-isip ako bigla. Ang sabi ng matatanda, bawal daw ang magkatapat na pinto. Kumunot ang noo ko. Tsaka sa laki ng bahay na ito dalawa lang ang kwarto? Imposible.

Dinala niya ako sa pangalawang pinto. Binuksan niya ito. Pumasok siya at ganon din ako. "Ito ang magiging kwarto mo." sabi niya.

Nanlaki ang mata ko. 'Ito ang magiging kwarto ko?' tanong ng isip ko.

Pinagmasdan ko ang kwarto. Malaki pa ito sa mismong bahay ni Auntie ah! Isang hamak lang akong P.A o kasambahay niya tapos sa ganito ang magiging kwarto ko? Hindi ako nagrereklamo, pero parang hindi naman ako nababagay dito.

"Sir? Wala na po bang ibang kwarto? 'Yong po sanang maliit at hindi ganito kalaki. Kahit po sa bodega ayos na po ako." naga-alangan kong sabi.

Tiningnan lang niya ako. Malamig na tingin.

Ilang segundo niya akong tinitigan. Lalabas na sana siya ng bigla siyang magsalita. "Sayang naman ang pinarenovate kong kwarto kung hindi mo naman pala tutulugan." sambit niya bago tuluyan nang lumabas ng silid.

Huminga ako ng malalim. Muli kong ginala ang aking paningin sa loob ng silid. Malawak at sadyang napakalaki. Binaba ko ang aking dala-dalang bag sa sahig. Naglakad patungo sa isang malaking closet na nasa gilid ng kama. Kung dito ko nalang kaya ilagay ang aking mga damit?

May TV sa loob, may mini ref, may sofa at CR. Kwarto ba ito o bahay? Binuksan ko ang closet, gusto ko kasing tingnan. Napakusot ako ng mata. May laman na ito. Baka kay Sir ang mga kasuotang nasa loob. Alam ko na! Sa sofa nalang ako matutulog.

Bago ako maupo sa sofa, may nakita akong table sa gitna. Salamin ito at may kalakihan din.

May nakapatong sa ibabaw ng lamesa kaya tiningnan ko ito. Isang maliit na papel. Binasa ko ang nakasulat.

'Now, You are mine.'

Napakunot ang noo sa nabasa kong iyon. Now you are mine?

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon