Kabanata 5

521 29 1
                                    

Kabanata 5

Nakaka-limang dasal na ako ngayon simula nang iwan ako dito ni Clyde sa loob ng office ng kapatid niya. Kailangan ko daw kausapin ang kuya niya para pag-usapan namin ang gusto kong mangyayari. Walang akong gustong mangyari dahil ang gusto ko lang ay bumalik na ulit sa school. Hindi ko ata kayang magtagal dito dahil para akong inaasinan sa loob ng silid na 'to.

"Sit." utos niya. Uupo ba ako? Tanong ko sa sarili ko. No choice kaya sinunod ko nalang siya dahil nangangalay na din ako. Idagdag mo pa ang sakit ng aking likudan dahil sa kanya!

"So...Where's your resume?" tanong niya. Agad ko namang kinuha ang kanyang hinihingi sa loob ng aking bag. Alam kong kakailangnin ko ito kaya mabuti naman at nadala ko ito. Binagay ko ito sa kanya.

Habang nagbabasa siya ay nakita ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Napansin kong may sugat siya sa ibaba ng kanyang labi kaya hindi ko maiwasan itong titigan. Pinagsawalang bahala ko na iyon.

Bigla siyang gumalaw kaya umayos ako ng upo at umiwas ng tingin. "Here." binalik niyang muli ang aking resume kaya kinuha ko naman ulit ito sa kanya. Sa tingin ko ay hindi siya nasiyahan sa kanyang nakita. Puro kasi achievements at seminars na napuntahan ko lang ang nakalagay sa aking resume.

"Kailan mo gustong magsalita? Rebulto ba ako?" tanong niya. Nagiigting ang kanyang mga panga kaya bigla akong napalunok.

"I'm sorry Sir."

"For what? Oh, I knew it. Because you left me that day? I mean yesterday?" nanlaki ang mata ko sa kanyang tinuran. "Am I right Mr. Alvarez?" dagdag niya.

"Ahh Sir. Excuse me aalis na po ako." sagot ko. Hindi ko na matiis ang aking sarili sa sobrang hiya kaya tumayo na ako para lumabas sa kanyang opisina.

"Iiwanan mo akong muli ? Bakit? 'Di ba at naghahanap ka ng trabaho? Ibinigay ko na sa'yo ang nais mo."

"Sir, mali po pala ako, hindi ko na po kailangan ng trabaho ngayon. Tsaka hindi ko po gustong maging P.A niyo. Pwede na po ba akong makaalis?" tanong ko.

Naramdaman ko siyang papalapit sa akin. "No. You're hired and I want you to be my P.A." he whispered.

"Hindi ko po matatanggap ang gusto niyo."

"Fine, hindi na kita pipilitin. Pero alam kong babalik at babalik ka dahil kakailanganin mo ako. Get out!" utos niyang muli.

Lumabas ako ng kanyang office. Anong sabi niya? Kakailanganin ko siya? Hindi! Kahit kailan hindi na ako babalik dito. Maarte na kung maarte pero mas gugustuhin ko na lang maghanap ng ibang pagta-trabahuhan kesa naman dito. Oo galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin. Para akong babae na nawalan ng virginity. Totoo naman dahil siya ang kumuha nito kaya talagang galit ako tapos lalaki pa siya...a-ay bakla pala.

Nakita kong papalapit si Clyde sa akin at abot langit ang kanyang ngiti. "Ano? Ayos ba? Congrats Tim!" masaya niyang wika tapos bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. "Sorry. Masaya lang ako." agad din naman siyang humiwalay sa pagkakayapos.

Humarap ako sa kanya. "E-ehh hindi ko naman tinanggap ang gusto ng kapatid mo." sagot ko.

"Huh? Bakit? Kala ko ba-" pinutol ko ang kanynag gustong sabihin.

"Siguro kailangan ko muna ng sapat na oras para naman makapagisip-isip. Clyde, mahirap magdesisyon lalo na't hindi madali ang papasukin kong trabaho." sagot ko.

Totoo naman na mahirap ang ganoong trabaho. Para sa akin oo, ewan ko sa iba. Anong alam ko sa pagiging P.A? Wala. Ang alam ko lang ay maglaba, magluto at maglinis ng bahay. Pang katulong lang ang ganap ko sa buhay, 'yon lang.

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon