Kabanata 2

578 30 1
                                    

Kabanata 2

Pasado alas sais na ng gabi ngayon kaya naman medyo madilim na sa labas. Palabas na kami ngayon ng classroom dahil katatapos lang ng aming last subject.

Inaayos ko ang aking gamit at inilalagay sa aking bag nang biglang may lumapit sa akin. "Tim! Sabay ka na sa akin?" pagaalok niya.

"Nako huwag na Clyde. Malapit lang naman ang bahay ni Auntie at tsaka naglalakad lang ako pauwi." sagot ko.

Malapit lang bahay nina Auntie sa school kaya kayang kaya lakarin, kung masipag kang maglakad. Mga tatlong kanto ang layo nito pero para sa akin malapit na 'yon.

"Madilim na. Baka may mangyari pa sayong masama sa daan.

"Ano ka ba naman, Clyde! Hindi naman ako bata para maligaw. Sanay na akong maglakad tsaka walang mangyayaring masama sa akin. Hindi ako babae para alalahanin mo." sagot ko.

"'Wag ka nang mapilit! Tara na! Gusto mo buhatin pa kati papunta sa kotse para sumakay ka!?" pamimilit niya.

"Ewan ko sayo! Tara na nga!" hindi na ako nakatanggi pa kaya ako na ang unang naglakad papunta sa parking lot. Narinig ko naman siyang tumawa.

Nang makadating kami sa kanyang sasakyan ay sumakay na siya at ganon din ako. Gusto pa nga niya akong pagbuksan ng pinto pero nagmatigas na ako dahil para naman na akong babae kung gagawin niya 'yon.

Nasa biyahe kami ngayon pero walang nagsasalita sa amin. Ewan ko kung bakit bigla siyang tumahimik samantalang ang daldal niya kapag kasama ko siya. Dahil siguro naka-focus siya sa pagmamaneho.

Sumandal ako dahil nangangalay na ang aking likod at unti unti ko ding ipinikit ang dalawang kong mga mata. Gustong gusto ko nang matulog at magpahinga dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko. Para atang magkakasakit ako, 'wag naman sana. Isa kanto na lang ay bababa na ako kaya tsaka na lang ako bibili ng gamot sa botika baka sakaling gumaling na ang nararamdaman kong hilo.

Kaso ang inaalala ko ay baka wala pang kakainin sila auntie kaya kailangan ko pa silang asikasuhin bago ako tuluyang magpahinga. Siguradong papagalitan na naman ako no'on.

"Tim? Okay ka lang?" sa wakas narinig ko na din siyang nagsalita. Pero parang wala akong ganang sumagot dahil parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. "Tim!? Hoy! Pansinin mo naman ako! Promise hindi na kita pipilitin o kukulitin pa sa susunod." aniya. 

Hindi pa din ako nakasagot sa kanya kaya naman may naramdaman akong kamay na humipo sa noo ko. "Sh*t! May lagnat ka!" iritado niyang wika sa kawalan.

"Ibaba mo nalang ako pag may nakita kang botika sa daan." walang gana kong sagot.

"Tim naman! Ako na ang bahalang bumili ng gamot mo tapos iuuwi na kita sa Auntie mo."

"Clyde, Kaya ko na ang sarili ko. 'Di ba kasasabi mo lang na hindi mo na ako kukulitin o pipilitin? Nag-promise ka pa nga."

"Oo pero-"

"Clyde."

"Fine! Pag may nangyaring masama sa 'yo 'wag mo akong sisisihin." sagot na na parang nango-ngonsensya.

Ilang minuto ang nakalipas sumilip ako sa bintana ng kotse niya. "Dito na lang ako." sabi ko. May nakita na kasi akong botika na maaari kong bihan ng gamot.

"Sigurado ka? Hindi na kita mapipilit?" tanong niya. Tiningnan ko siya ng masama. "Oo na! Mag-ingat ka ha?" dagdag niya.

"Oo. Tsaka lalaki ako Clyde at hindi babae kaya huwag mo akong problemahin! Salamat, ingat ka din. Bye!" paalam ko bago lumabas ng kotse. Nakita ko siyang tumingin sa akin bago ako makalabas. Kumaway naman ako kaya nakita ko siyang ngumiti.

"Sh*t! Nahilo ata ako sa pagtayo ko!" bulong ko sa sarili ko. Para akong naduduling dahil nagdadalawa na ang tingin ko ngayon.

Naglakad ako papunta sa botika para bumili nang gamot na iinumin ko. "Dalawa pong paracetamol." sabi ko sa babaeng nagtitinda.

Inabot niya 'yong gamot sa akin. "14 pesos." saad niya. Ang mahal naman. Dumukot ako sa aking bulsa baka sakaling may barya pa. Hala! 13 pesos nalang? Kinulang pa nang piso! "Ate okay lang po bang kulang nang piso? Kulang po kasi ang pera ko." sabi ko sabay ngiti.

"O-oh siya akin na! Pasalamat ka at gwapo ka." sabi niya. Inabot ko ang bayad sa kanya at umalis na.

Teka saan ba ako bumaba? Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko ang isang bar na sa tingin ko ay pang mayayaman lamang ang gumagawi doon. Medyo malayo pa pala ang lalakadin ko. Teka anong oras na ba? Baka hinahanap na ako ni Auntie!

Lalo ata akong nahilo sa pagkababa kong 'yon. Umiikot na ang aking paningin kaya nagmadali akong naglakad papasok sa may eskenita sa may gilid noong bar na sinsabi ko. Alam kong may short cut dito papunta sa aming street kaya ko naisipang dito nalang dumaan tutal naman ay ngayon nalang ulit ako makakadaan dito.

Pagpasok ko sa eskenita ay para akong matutumba dahil sa aking pagkahilo. Nako! 'wag naman dito! Nasa may likod na ako nitong bar at malapit sa may parking lot. Paglingon ko sa aking likod ay lalo atang akong nahilo dahil sa usok ng sigarilyong aking nalalanghap. Kaya walang ano ano ay bigla akong bumagsak sa matigas na semento.

Gising pa ang diwa ko kaya ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking pagkakabagsak. Hindi ako makatayo dahil hindi kaya ng katawan ko. Pinipilit kong bumangon pero ayaw talaga. Bago pa man ako tulungang mawalan ng malay ay naamoy kong muli 'yong sigarilyo na labis na nagpahilo sa akin.

Nagising ako dahil sa lamig na nararamdaman ko sa aking balat kaya pilit kong binuksan ang aking dalawang mata. Teka bakit puti na ang nakikita ko? Patay na ako? Buti naman kung ganon at least wala na akong problema.

Pero bigla akong nakaramdam ng sakit nang katawan. Lalo na ang likuran ko na parang binibiyak sa sakit. Hindi pa ata ako patay. Pilit kong bumangon sa aking pagkakahiga pero hindi ko kaya dahil sumasakit din ang ulo kaya bumagsak akong muli. Ang pinagtataka ko ay bumagsak ako sa semento pero bakit ang lambot ng pinagbagsakan ko ngayon? Nasaan ako?

Nakaramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Wag mong sabihin may katabi ako ngayon? Walang ano ano ay tumingin ako sa aking tabi kaya halos mahimatay ako sa aking nakita.

"PUTANGINAAAA!" sigaw ko. Ngayon lang ako nakapagmura dahil kamura-mura naman talaga ang tumambad sa akin ngayon!

Alam kong masama ang pakiramdam  ko kagabi at nawalan ng malay dahil sa pagkahilo tapos magigising nalang ako ng may katabi!? Nakahubad pa!? Tumingin din ako sa katawan ko, bakit ako din ay walang saplot!? Hindi kaya? Shit! HINDIIIIII!! Halos magwala ako dahil sa galit na aking nararamdaman.

Hinipo ko ang aking pang-upo dahil sobrang sakit nito pati na din ang aking balakang kaya hindi ako makakilos ng maayos. Patay ako kay auntie hindi ako nakauwi kagabi!

Bigla akong nataranta tsaka sinabunutan ko ang aking sarili. Puta naman oo! Hindi ko pinangarap makisiping ang kapareho kong lalaki! At hindi ko din pinangarap na maging bottom!

Tumingin ulit ako sa aking katabi. Mahimbing siyang natutulog at narinig ko ang mahihina niyang paghilik.

Tatayo na sana ako nang bigla akong may naamoy. 'Yong amoy na lalong nagpahilo sa akin kagabi. Iba ang amoy nito kumpara sa ordinaryong sigarilyo dahil sobrang tapang nito. Hinanap ko ang aking suot na uniform dahil kailangan ko nang umalis sa lalong madaling panahon. Baka maabutan pa niya ako dito.

Nakita ko ang uniform ko sa ilalim ng kanyang kama kaya dali dali ko itong dinampot at sinuot. Bago pa man ako lumabas ng silid na ito ay tumingin ulit ako sa kanya at pinagmasdan maigi.

Malaki ang kanyang katawan at kitang kita ko ang mga burol burol na pandesal sa kanyang tiyan. Hindi siya sobrang puti dahil katamtaman lang ang kulay ng kanyang balat na lalong nagpapalakas ng kanyang dating. "Gwapo sana kaso bakla." sabi ko.

Parting Ways (Montevedra Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon