Chapter 62

389 17 0
                                    

Katulad ng inaasahan ko ay nandito na naman kami sa training room para syempre magtraining, alangan nandito kami para matulog

Napapalibutan kami ng mga clone na syang kumakalaban sa amin

Para rin silang magicians. Katulad namin ay nagsasalita, at gumagalaw pero lahat yon ay dahil sa may kumukontrol sa kanila, si HM

Para hindi kami malito ay nakaputi kaming mga studyante at nakaitim naman yung mga clone

Teka! Alam ko na!

Agad akong nagteleport papunta kay Eshton at hinawakan sya at nagteleport papunta kay Ella at ganon din ang ginawa ko sa kanya at sa iba

Dinala ko sila sa dorm namin para don sila kausapin "bakit mo ba kami dinala dito?" Tanong ni Rhea

Naglabas ko ng tubig sa kamay ko at saka ipinalibot sa amin para manatiling lihim ang paguusapan namin

"Alam ko na kung paano natin matatalo yung mga dark magicians"sabi ko

Nakita ko naman na ngumiti sila at agad nagtanong "paano?"

"Kailangan lang natin pumunta sa mga dark magicians at patayin yung iba sa kanila ng hindi tayo napapansin. Tapos papalitan natin yung mga pinatay natin ng clone para hindi nila mahalata na may nawawala. Kung magagawa natin yon at makokontrol natin ng ayos yung mga clone, sa darating na digmaan ay magagawa nating patayin yung clone kung gugustuhin natin ng hindi gumagamit ng kahit na anong kapangyarihan at lakas natin. Sa ganong paraan ay kokonti nalang ang matitira sa kanila na syang kakalabanin naman natin"paliwanag ko sa kanya

"Magaling"sabi ni Eshton

"Maghanda na tayo kasi ngayon natin gagawin ang plano ko. Wala kayong pagsasabihan ng gagawin natin kahit pa kay HM. Hindi nati sigurado na wala na ngang traydor dito" sabi ko at gumamit ako ng mahika at sa isang iglap lang ay iba na ang suot ko

Nakaitim na ako. Lahat black! Pati yung sa ulo ko ay may nakatakip na bonet na yung mata ko lang nakalabas at yung buhok ko ay nakatago

Nung tingnan ko sila ay nakapagpalit na rin sila kaya tinanggal ko yung water shield sa amin at saka sabay sabay kaming nagteleport

Nung makaratingin kami sa mga dark magicians ay nagtago kami sa likod ng puno

"3/4 ng populasyon nila ang papatayin natin. Wag na wag magpapahuli at kung maaari ay kapangyarihan lang natin ang gamitin natin"sabi ko

Tumingin kami sa mga dark magicians "Dun ako sa north part, ikaw Eshton sa South, ikaw naman Ella ay sa--" napatigil ako sa pagsasalita ng mapadako ang tingin ko sa isang lamesa kung saan nakaupo si Dane at napapalibutan sya ng mga babaeng higad

Naginit yung ulo ko yumapos yung isang babaeng higad sa braso nya at sinadal pa talaga yung ulo nito sa balikat nya at parang wala lang yon sa kanya kasi wala syang ginawa

Sa kanya daw ako! Pero ngayon ay makikita ko sya na kasama ng iba at parang gustong gusto pa nya!

Wala nga pala syang sinabi na akin lang sya. Ang sabi nya ay sa kanya lang ako pwes hindi ko sya kailangan! Diyan na sya sa mga makakating higad na yan!

"Pumunta kayo sa kahit saan nyo gusto! Patayin lahat ng makikita nyon dark magicians!"inis na sabi ko at nagteleport

Nung makarating ako sa north part ay agad akong nagtago sa likod ng puno ng makakita ako ng limang lalaking naguusap don

Tsk, buti naman at hindi na nila ako pinagintay pa

Itinaas ko yung kamay ko at itinutok sa kanila saka ko sila tinanggalan ng hangin sa katawan nila

Napaluhod sila habang hawak hawak yung mga leeg nila at maya maya lang ay natumba na sila kaya napangisi ako

Mabilis kong pinalutang sila palapit sa akin at saka gumawa ng clone na kamukha nila at pinapunta sa pwesto nung mga dark magicians kanina

Nung naglaho na yung mga dark magicians ay nagintay ulit ako ng panibago

Kung pwede ko lang talaga silang ubusin, ginawa ko na. Pero hindi kasi pwede eh. Kailangan na may maganap na digmaan kasi yun yung nakalagay sa propesiya at magugulo ito kung hindi namin matutupad

Hindi naman pwedeng lahat sila ay gawing clone kasi sino pa ang makakalaban namin bukod kila Alexander at Dane?

Nung makita ko na may lumapit don sa lima ay hinanda ko yung sarili ko

"Nakakainis na yung Ramon na yon, masyadong sipsip"

"Ang sarap nyang patayin. Kung kaya ko nga lang"

"Patayin na natin sya. Kaya naman natin eh"

Tsk, ako muna ang papatay sa inyo pero wag kayong magalala, may katapusan din ang kinaiinisan nyo

Gaya ng ginawa ko don sa iba ay ay tinanggalan ko din sila ng hangin kaya namatay sila at pinalatan ko sila ng clone

Ilang oras ko pa yun paulit ulit na ginawa hanggang sa maisip ko na sapat na ang mga yon kaya bumalik nalang ako don sa pwesto namin kanina

"Ang tagal mo naman"

"Buti naisipan mo ng bumalik dito"

Agad akong sinalubong ng naiinip nilang mukha "nagenjoy lang ako sa ginawa ko"palusot ko

"Baka naman inubos mona sila"sabi ni Eshton kaya agad akong umiling

"Hindi ahh. Konti lang yon"sabi ko

Kung konti nga bang matatawag yung 500+

Nagtataka na nga ako sa mga dark magicians na yan eh. Ilang beses ko na silang pinahirapan. Pinahirapan na rin sila nila Eshton pero buhay parin sila at madami parin

Napatigil kami sa paguusap ng bigla nalang may babaeng lumitaw sa harap namin

"Kiara" sabi ko

Tiningnan nya kami isa isa hanggang sa tumigil yung mata nya sa akin

"Anong ginagawa nyo dito? Umalis na kayo dito kasi baka may makahuli pa sa inyo at mapahamak kayo"parang nagaalalang sabi nya

"teka, diba dark magician ka?" Tanong ni Rhea na naglabas pa ng water ball

"Rhea, hindi sya kalaban. Sya yung tumulong sa akin oara makatakas ako nung pinasok nila ako sa machine"sabi ko at ibinaba nya naman yung kamay nya

"Buti naman, maayos ka na" sabi ni Kiara habang nakatingin sa akin

"oo eh, thank you dahil niligtas mo ako. Sumama ka na sa amin sa academy. Hindi ka namin sasaktan don"

"Hindi ko yan maaaring gawin. Hawak nila ang pamilya ko at baka saktan nila sila kung tatakas ako. Umalis na kayo dito bago pa may makakita sa inyo"tumango kami sa kanya

"Magiingat ka dito"sabi mk at sabay sabay kaming nagteleport pabalik ng academy

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now