Chapter 70

645 19 0
                                    

Ashley POV
Grabe talaga itong mga ito. Hindi man lang nila kami inintay ni Dane bago kumain, hindi man lang kami inisip

Sila mommy at daddy din, hindi man lang kami inantay. Lalo na yung mga kupal, lagot sa akin yang mga yan

"Alam mo yung masakit? Yung kumakain sila pero hindi man lang nila tayo inintay"sabi ko kay Dane

"Biruin mo, isang araw at isang gabi lang tayong nawala pero parang kinalimutan na nila tayo" sagot naman nya, nakatingin don sa mga nakain

"Bumalik nalang kaya tayo, mukha namang wala na silang pakialam sa atin eh"

"Tara, para masolo kita don"nakangising sabi nya kaya sinuntok ko sya sa balikat nya

"Mukha mo, kasama na nga kita ng twenty four hours don eh" sabi ko sa kanya

Tiningnan ko ulit yung mga nakain at nagtaka ako kung bakit para silang yelo na nanigas, naibagsak pa ni Eshton ang kutsara at tinidor nya

Hinawakan ko yung kamay ni Dane at saka sya hinila palapit don sa lamesa at naghanap ng bakanteng upuan

Isa lang yung nakita ko kaya nagshare nalang kami ni Dane don. Isa lang rin yung plato at kutsara't tinidor.

Kumuha nalang ako ng kanin at ulam habang sila ay nakatulala parin at saka nilagay yon sa harapan namin

"Share nalang tayo, wala ng extra plato eh. Natatamad naman akong kumuha, nagugutom na ako eh"sabi ko at saka sumubo ng kanin at ulam

Kinuha nya yung kutsara't tinidor ko saka sumubo din ng pagkain

Kasi naman eh, gutom na gutom na kami. Hindi kami pinakain ng umagahan don sa palasyo ng mga gods and goddesses at tanghali na ngayon kaya gutom na talaga kami

Bumalik yung tingin ko sa mga kasama namin dito sa lamesa at halos mapatalon ako sa gulat ng sabay sabay silang tumingin sa akin

"Ano ba?! Nanggugulat kayo eh! Papatayin nyo ba sa gulat?!" Inis na sabi ko sa kanila

"Ahhh"sabi ni Dane na pinapanganga ako kaya ginawa ko at sinubuan nya naman ako

Ngumunguya akong tumingin uli sa kanila na nakatunganga naman sa akin ngayon

"Ashley!!"

Nahulog ako sa upuan ko ng magulat sa sabay sabay nilang sigaw

Biruin mo banaman, ang tahitahimik kasi walang nagsasalita tapos bigla silang sisigaw lahat

"Huy, bakit ka ba nakaupo diyan" sabi ni Dane na tinulungan akong makatayo

Hindi ko sya sinagot at saka tumingin lang ng masama sa mga kasama ko

"Nakikita mo ba yung nakikita ko?" Parang wala sa sariling tanong ni Ella na kinukulbit pa si Eshton

"Diba patay na sila? Minumulto ba nila ako?" Wala rin sa sariling tanong ni Rhea

Naiinis ako na lumapit sa kanila at saka binatukan silang lima isa isa

"Tange ba kayo, nasa harapan nyo nga ako tapos sasabihin nyo patay na ako at minumulto kayo. San kayo nakakita ng multo na kayang mambatok?"inis na tanong ko sa kanila

Bigla silang tumayo lahat at niyakap ako at nagtaka pa ako umiyak sila pati narin sila mom and dad

"Ano ba ang nangyayari sa inyo? Bakit ba kayo umiiyak? Mom, dad?"tanong ko sa kanila pero mas umiyak lang sila at humigpit ang yakap sa akin

Sobrang ipit na ipit na ako dito at hindi na ako makahinga ng ayos "lumayo kayo sa akin. Hindi na ako makahinga" utos ko pero para silang walang narinig

Twelve silang nakapalibot sa akin ngayon kaya ang sikip sikip talaga

Naramdaman ko lang na lumuwag nung may humawak sa braso ko at nagteleport kami palayo sa kanila

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Dane

"Oo, nahirapan lang talaga ako huminga dahil sa kanila"sagot ko

"Ashley"umiiyak na sabi ni mom at saka lumapit ulit sa akin at niyakap ako

"Mom" niyakap ko rin sya

Nagtataka na ako sa kanila kung bakit sila umiyak ng iyak eh wala namang nakakaiyak

"Buhay ka" sabi nya

Humiwalay ako sa yakap nya at saka sila tiningnan isa isa.

"Buhay naman talaga ako ah. Hindi naman ako namatay kaya bakit ba iyak ka ng iyak diyan? Para namang isang taon nyo akong hindi nakita"

"Dalawang taon hindi isang taon!"sigaw nilang lahat

"OA nyo, twenty four hours lang akong nawala!"

"Dalawang taon na ang nakalipas nung mangyari ang digmaan, kambal"sabi ni Eshton na yumakap pa sa akin

"Imposible, saglit lang naman kami nanatili sa gods and goddesses palace ah"sabi ko pa sa kanila

"don ka galing?"parang nagugulat na tanong ni Ella kaya tumango ako

Napakamot naman ng noo si Rhea "aabot ka talaga ng dalawang taon na wala dito pero twenty four hours lang don"

Oo nga pala! Magkaiba nga pala yung oras don at dito! Bakit ko ba kinalimutan yon

"Dalawang taon tayong nawala dito" sabi ko kay Dane

"Narinig ko, hindi ako bingi" sabi nya kaya agad ko syang binatukan

"Sapakin kita diyan eh"

"Binatukan mo na nga ako tapos sasapakin mo pa. Harassment na yan ah"reklamo nya

Nakangiting niyakap ko nalang sya na ginantihan nya naman. "ikaw kasi eh. Kupal ka din" sabi ko sa kanya

"ikaw din"sabi nya naman sa akin at hinalikan ako sa ilong kaya sabay kaming napatawa

Napabitaw ako ng yakap sa kanya ng may marinig akong umubo at napatuwid ako ng tayo ng makita na masama na yung tingin sa amin ni Eshton at Daddy

"Hehe, nandiyan pa pala kayo" naiilang na sabi ko

"Travis, sumama ka sa amin. Maguusap tayo"sabi ni daddy

Kinakabahan akong tumingin kay Dane na ngumiti sa akin at saka sumunod kay Daddy na sinundan naman ni Eshton

Lagot na

"Hello mom, miss me?" Tanong ko at tumango naman sya

"Akala ko talaga patay ka na anak"

"Mom, hindi ako namatay. Dinala lang kami ng mga gods and goddesses sa palasyo nila at nanatili don ng isang araw at isang gabi"

"Nagdaos pa naman ng ceremony nung mamatay kayo ni Dane. Nagbigay pa ng message yung ibang studyante at nagalay pa ng bulaklak kung saan kayo namatay"

"What?!!"sigaw ko

Buhay pa kami pero nagkaroon na agad ng ganon?

"Akala nga kasi naming lahat ay patay na kayo"

"Pero buhay pa ako"

Hindi ko magawang isipin yung nangyari don sa ceremony na yon. Para akong kinalilibutan

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now