Chapter 27

425 19 5
                                    

Ashley's POV

Nandito kami sa mall at take note, kaming tatlong babae lang. Tinakasan lang naman namin sila Eshton at Chen para magliwaliw

Pagkatapos ng paghihirap namin sa kanila kahapon ay deserving kami na magenjoy ngayon, saka wala namang pasok eh

Tungkol naman kay Dane, ayon hindi ko parin sya pinapansin dahil sa bwisit ko sa kanya, magdusa sya. Kahit nga sila Eshton ay hindi ko pinapansin

"Ano kaya ang magandang gawin natin ngayon?" Tanong ni Rhea habang nililibot ang tingin ng biglang tumunog ang tiyan ko

"Mukhang alam ko na kung ano ang magandang gawin natin. Ang tiyan na ni Ashley ang sumagot eh"sabi ni Ella na natatawa

"Gutom na kasi ako. Hindi ako nakakain ng umagahan at tanghalian na ngayon"

Agad kaming pumasok sa isang kainan at saka umorder ng pagkain namin at saka naghanap ng table pero agad kaming natigilan ng makita namin si Dane kasama si Eshton at Chen na nakaupo sa isang lamesa habang nakangisi sa amin

Nagkatinginan kaming tatlo saka bumalik sa counter "i-take out nalang namin" sabay sabay na sabi namin na para bang pare-pareho lang ang iniisip namin

Ibinalot nila yung pagkain namin at saka ibinigay sa amin ng mga paper bag. "sa food court nalang tayo kumain" bulong ko kaya nagsitango sila at sabay sabay kaming nagteleport sa food court

Iniiwasan talaga namin sila. Tumakas na nga kami para maenjoy namin na kaming tatlo lang tapos makikita pa namin sila. Halata naman na sinusundan nila kami kasi nakaupo sila don sa restaurant pero wala naman silang mga pagkain tapos mga nakatingin pa sa amin

Nung makarating kami don ay uupo na sana kami ng makita na naman namin sila na palapit sa amin kaya sa inis ko ay nilagyan ko ng metal barrier sa paligid ng lamesa namin. Naglagay din ako ng apoy sa gilid nito para maliwanag dito sa loob tapos naglagay din ako ng air ball sa gilid para hindi kami mahirapang huminga

"Ang galing talaga ng powers mo. Hindi na nila tayo makikita tapos hindi pa natin sila makikita"pumalakpak pa si Rhea kaya naman nagumpisa na kaming kumain at magkwentuhan

Nung matapos kami kumain ay inayos na namin ang pinagkainan namin "gusto nyo naman sigurong maging maayos ang paggala natin na walang mga asungot diba? Maginvisible na lang tayo"sabi ko

"Pero kayo lang ni Ella ang may kaya non" sabi naman ni Rhea

"Don't worry ako na ang bahala sayo"binalutan ko sya ng invisible barrier na pati ang taong nasa loob non ay hindi makikita mabilan nalang sa gumawa non at sa kung saan nya gustong magpakita kaya nakikita parin namin sya ni Ella

"Hindi ka na makikita ng iba nyan" ang kaya lang gumawa nya ay yung may mga kapangyarihan na invisibility.

Pwede din namang humawak nalang sila sa invisible para maging invisible rin sila pero sa tingin ko ay mahihirapan kaming gumala kung nakahawak lagi sya sa amin

"Okay, tanggalin mo na yang mga ginawa mo" sabi ni Ella na agad ko namang ginawa at natagpuan ko sila Eshton sa kabilang lamesa habang nakatingin sa lamesa namin at nakita namin na nagtataka sila kung bakit wala kami don

Paalis na sana kami ng biglang matisod si Ella sa lamesa dahilan para gumalaw yon kaya napahinto kaming tatlo at nagkatinginan

Sabay sabay kaming tumingin sa tatlo na ngayon ay nakapikit na na parang nakikiramdam sa paligid kaya agad ko silang sinenyasan na tumakbo na kaya nagsitakbo na kami paalis

"Oh my gosh! Muntik na tayong mahuli don" sabi ni Rhea kaya napatawa nalang ako

"Oo nga, sorry talaga. Muntik pang masira ang gala natin"sabi naman ni Ella

Pumunta nalang kami sa timezone at saka pumunta sa laruan ng basketball. Buti nalang talaga at may mga extra kaming token kaya hindi na namin kailangang bumili

May nakita kaming tatlong babae din na naglalaro sa basketball kaya nilapitan ko sila at tinanggal ang pagiging invisible ko

"Hello po, need ko ang help nyo" sabi ko sa kanila at tumango naman sila

"Sige po, prinsesa" sagot nila

"Gagawin ko kayong invisible tapos kokopyahin namin ang presensya namin at ipapasa sa inyo, don't worry mawawala rin ang presensya namin sa inyo kapag natanggal na ang pagiging invisible nyo"pakiusap ko sa kanila na nagmamadali kasi baka biglang dumating yung tatlo

"Sige po" sabi nila

"Basta pag may humawak o kumausap sa inyo ay wag kayong magrereact. Hayaan nyo lang sila tapos kami na ang bahala"sabi ko at tumango naman sila kata ginawa ko na silang invisible at nilipat ang presensya nila sa amin at ang amin ang sa kanila

"Anong plano mo?" Tanong ni Rhea

"Ang pagtripan yung tatlong lalaki" nakangising sabi ko

"Sige, maganda yan laro muna tayo"

"Wait lang, pag nakita nyo yung dalawang prinsepe at may kasamang dalawang lalaki ay sabihin nyo sa amin okay?"sabi ko ulit sa tatlong babae at nagsitango naman ulit sila

Tumingin na ako kila Ella at niyaya na silang maglaro"Pataasan tayo" sabi ni Ella at sabay sabay kaming naghulog ng tigdadalawang token at nung magumpisa na yung time ay nagshoot na kami ng nagshoot pero sa kalagitnaan non ay pare parehas kaming napatigil

"Mga mahal na prinsesa, papasok na sila dito" sabi nung isa kaya pinalapit ko sila sa amin saka binigay namin yung bola sa kanila ng dahan dahan na hindi halatang pinasa saka kami pumunta sa gilid para manood

Nakita namin ng pumasok sila Dane at agad na lumapit sa tatlo. Hinawakan pa nila yung mga babae na halata namang kinikilig kaya walang tunog na napatawa kami kasi baka marinig nila

"oh may naglalaro dito" nakangising sabi ni Dane habang nakatingin kila Eshton at Chen

"Siguro naginvisible sila" sabi naman ng nakangising si Chen

"Sino kaya sila?"katulad nung dalawa ay nakangisi rin sya

Nagkatinginan kaming tatlo habang hirap na hirap na kami sa pagpipigil ng tawa namin

"Hawak ko sa braso yung isa"

"Hawak ko naman sa balikat yung isa"

"Hawak ko sa damit yung isa"

"Sa tingin nyo, anong magandang parusa sa kanila dahil sa pagtakas nila ng walang paalam"

Ang tanga talaga nito si Eshton! Malamang hindi kami magpapaalam kasi nga tumakas kami! Sino ba namang tanga ang tatakas tapos magpapaalam?!

"Paglinisin kaya natin ulit"

"Gawin nalang nating alalay, lalo na yung girlfriend ko"nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Chen

Girlfriend nya si Rhea? Kelan pa? Bakit hindi ko alam? Bakita hindi nila sinabi?

Napatingin kami ni Ella kay Rhea na nanlalaki ang mata at nagsign naman sya ng ieexplain nya mamaya

"Kunin ko nalang kaya ang third kiss nya" mas nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Dane

Nakita ko ng nagteleport sila kasama yung tatlong babae kaya nagkatinginan kami saka malakas na tumawa. Halos sumakit na yung tiyan ko sa kakatawa at yung dalawa naman ay halos gumulong na sa sahig

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now