Chapter 57

372 20 1
                                    

Ella POV
Muling itinaas ni Ashley yung kamay nya at agad naman kaming naghanda ni Rhea

Alam namin ang kayang gawin ni Ashley at kapag hindi namin sya napigilan ay maaaring mamatay ang babaeng nasa likod namin at baka madamay pa kami

Nakita namin kung paano unti unting nagkaroon ng apoy sa kamay nya hanggang sa lumaki iyon

Ilang beses sinubukan na lumapit nila Eshton at Chen pero hindi nila magawa. Ginamit na nila ang kapangyarihan nila pero nabalik lang sa kanila lahat yon

"Ano na ang gagawin natin?" Ramdam na ramdam ko ang kaba ni Rhea habang sinasabi nya yon

Hindi ko din alam. Hindi ko din alam kung ano yung gagawin namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil una palang ay alam ko na na wala kaming laban kay Elliza

"Shield" tanging sagot ko

Itinaas din namin ang kamay namin ay saka kami gumawa ng shield. Akin ay hangin at sa kanya ay tubig

Hindi ko alam kung ano ang magagawa non laban sa kapangyarihan ni Ashley pero kailangan parin namin sumubok

"Shit!" Rinig kong sigaw ni Chen habang pilit parin lumalapit kay Ashley habang may Ice shield sya

"Chen, subukan mo lumapit kay Ashley at pigilan sya. Susubukan ko na pigilan ang ginagawa nya!"Sigaw din ni Eshton

"Miss, umalis ka muna. Wag na wag kang magpapakita kay Ashley kung ayaw mong mamatay ng maaga. Kami na ang bahala dito"agad namang nagteleport yung babae

"Magsialis kayo!" Sigaw ko sa mga nananatiling nanonood

Nagagawa pa nilang manood kahit alam naman nila na delikado na

Nung nagsialisan sila ay sabay namin itinaas yung isa pa naming kamay ni Rhea at saka nagpalabas ng kapangyarihan don at saka agad na ipinatama yon sa apoy na ginagawa ni Ashley

Malaki na yon at alam ko na kung tumama yun kung saan ay sasabog yon at maraming madadamay

Ilang beses na kaming nagpaulit ulit sa pagpapalabas ng kapangyarihan pero walang silbi yon sa kapangyarihan ni Ashley

"Ashley, makinig ka sa akin. Tigilan mo yan. Madaming mapapahamak kapag pinakawalan mo yan."pakiusap sa kanya ni Eshton

Parang walang naririnig si Ashley. Patuloy nyang pinapapalaki yung apoy. Yung itsyura nya, walang mababakas na emosyon don

"Ashley. Makinig ka please. Madaming mapapahamak kapag tinuloy mo yan."sigaw din ni Rhea

Ayaw man namin ay sinubukan namin syang hagisan ng kapangyarihan para kung sakaling matamaan sya ay matigil sya

Napailag agad ako ng bumalik sa akin yung mga air balls at spikes na hinagis ko sa kanya.

Itinaas ko yung kamay ko at itinapat sa langit ako saka ako nagpalabas ng kuryente don kaya nagkaroon ng kidlat at sinigurado ko na tatama yon kay Ashley

Hindi sya mamatay sa ginawa ko pero makakatulog sya. Pero kahit ilang beses kong ipatama sa kanya yung kidlat ay hindi sya natatamaan

Parang syang may shield na matibay para hindi sya tamaan ng kapangyarihan namin

Lahat kaming apat ay napapikit ng biglang ihagis ni Ashley yung apoy na ginawa nya sa pwesto namin

Para kaming naging estatwa dahil hindi kami makagalaw. Iniintay ko nalang talaga na tumama sa amin yung malaking bolang apoy at yung kamatayan namin

Ilang segundo na akong nakapikit pero wala parin akong maramdaman kaya dahan dahan kong iminulat ang akong mata

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si tita Elliza na nasa harap namin habang nakataas yung kamay at napapalibutan kami ng shield

"Ashley, anak. Ano ba ang ginagawa mo? Maari mong mapatay yung mga kaibigan mo" sabi ni tita at saka lumapit kay Ashley at niyakap ito

"Mommy" rinig naming sabi ni Ashley at agad na yumakap kay tita

Nakahinga ako ng maluwag kasi alam ko na maayos na sya

Nakita ko sila mom at dad pati narin yung iba naming tita at tito dito

Lumapit ako kila mom at dad "anak, okay ka lang ba?" Tanong ni mom

Kahit nanghihina ay tumango parin ako sa kanya at saka tumingin kay Ashley at Tita Elliza

Magkatabi si Eshton at tito Dark na nasa likod ni Ashley

Ang sunod kong nakita ay ang pagiyak ni Ashley habang nakayakap sya sa mommy nya

"Mom, sorry" sabi nya habang humihikbi pa sya

Namalayan ko nalang ay tumulo na yung luha ko. Sa wakas, nakita ko na ulit syang umiyak

Masaya ako, masaya ako hindi dahil sa umiiyak sya ngayon. Masaya ako kasi nakitaan ko na sya ulit ng emosyon

Dalawang linggo na syang walang emosyon, gusto ko na umiyak sya sa tabi namin. Gusto ko na umiyak sya ng kasama kami

Alam ko na nasasaktan sya kaya sya ganyan. Alam ko na sa likod ng walang emosyon nyang mukha ay ang sakit na ilang linggo nya ng iniinda

Nandito naman kami eh. Handa kaming sumama sa kanya. Handa kaming damayan sya. Handa kaming maging iyakan nya

Mas gugustuhin ko pa na makita sya na umiiyak kesa sa walang emosyon nyang mukha kasi alam ko na mawawala yung sakit kung papakawalan nya yon at hindi iindahin

"Anak, alam ko na nasasaktan ka, kung kaya ko lang tanggalin yan ay gagawin ko pero hindi eh. Kaya kong gumamot ng mga sugat pero yang nasa puso mo. Ikaw lang ang makakatanggal nyan"

"Mommy, a-ano ba ang gi-ginawa ko sa kanya para ganituhin nya a-ako?"

Alam ko na si Travis ang tinutukoy nya sa tanong myang iyon. Nakita ko ang pagmamahal nya dito kaya alam ko na nasasaktan talaga sya

"Wala anak, wala. Kami ang may kasalanan kung bakit sya nagkakaganon. Wala kang kasalanan"

Hindi ko alam kung ano yung kasalanan sa paggawa ng tama. Tama lang naman kasi yung ginawa nila mom sa dark king dahil inisip lang nila yung kapakanan ng nakakarami

Pero habang nakikita ko na ganito si Ashley. Parang gusto ko nalang ibalik yung nakaraan at pigilan ang sarili namin at sya na mapalapit kay Travis

Gustong gusto kong patayin si Travis pero hindi ko magawa. Dahil bukod sa sya ang may hawak ng dark magic ay alam ko na mas masasaktan si Ashley kapag pinatay namin si Travis

"Magiging maayos din ang lahat, anak" sabi naman ni tito Dark

Nakita ko kung paano pumikit yung mata ni Ashley at saka sya nawalan ng malay kaya binuhat sya ni tito Dark

"Magpahinga muna kayo, alam namin na mga pagod kayo"

"Bakit nga po pala kayo nandito?"tanong ni Rhea

"Dahil nakaramdam kami ng panganib sa inyo at tama nga ang pakiramdam namin. Buti pumunta kami agad kundi patay na sana kayong lima"

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now