Chapter 28

401 21 0
                                    

Dahil sa baka ano pa ang mangyari don sa tatlong babae ay nagteleport kami papunta sa dorm kasi alam namin na don sila pupunta

Nakita namin na hawak parin nila yung tatlong babae habang invisible parin ang mga ito kasi ako lang ang makakapagtanggal non

Tumingin sila sa akin na parang sinasabi na tanggalin na yung pagiging invisible nila kaya ginawa ko naman

Agad na napalayo yung tatlong lalaki sa mga ito na parang gulat na gulat kaya napatawa ulit kami

Umupo kami sa center table habang pinapanood sila na lumayo sa tatlo

"Sino kayo?"

"Anong ginagawa nyo dito?"

"Bakit kayo nandito?"

Sunod sunod na tanong nila na nakapagpatawa ulit sa amin

"Kami po si Louis, Laine at Lily" wow! Triple L sila ahhh

"At kayo po ang nagdala sa amin dito"

"At nandito po kami kasi akala nyo kami ang mga prinsesa"

"Pe-pero ba-bakit nasa inyo ang presensya nila? "Naguguluhang tanong ni Chen

"Kasi po, pinagpalit nila at ngayon ay bumalik na sa dati"

Patay! Bakit nya sinabi? Baka mahuli kami kasi baka pakiramdaman nila ang presensya namin

"Sige, sorry sa ginawa ng tatlong babae na yon. Pagbabayarin namin sila. Maaari na kayong umalis"sabi ni Eshton na agad namang sinunod nung tatlo saka sila nagsiupuan sa sofa at napahilot at napahawak nalang sa ulo nila

Pero ganon nalang ang gulat namin ng merong vines na pumulupot sa aming tatlo na magkakasama at pagbalik ko ng tingin sa kanila ay mga masasamang nakatingin na sila sa amin

Natanggal na ang pagiging invisible namin dahil sa vines ni Eshton!!!

Oh my gosh! Patay kami!

"Ano masaya ba paglaruan kami?" Inis na tanong ni Eshton

"Ahmmmm oo"sagot ni Ella

"Nakakatawa"sagot ni Rhea

"Sobraaaaa"sagot ko naman

"Aba! Mga sumasagot pa talaga kayo" galit na tanong ni Chen

"Malamang nagtanong kayo eh! Bakit pa kayo nagtanong kung ayaw nyo na sagutin namin kayo"

Susubukan ko na sana tanggalin yung vines ng biglang nagsalita si Eshton "subukan mong tanggalin yan, sasabihin ko kila mom at dad na boyfriend mo si Travis"

"Eh ano ba kasing problema nyo? Sinira nyo na nga ang pageenjoy namin eh tapos kayo pa ang galit!"

"Sinong matutuwa sa ginawa nyo?"pagsabat din ni Dane

"Kami! Hindi pa ba halata!"inis na tanong ko

"Isusumbong kita kila Dad, Ashley"sabi ng baliw kong kakambal

"Eh ano naman, isusumbong din kita, pinahirapan nyo kami"

Mukha kaming bata dito na magsusumbong sa magulang namin, nasanay na kasi kami na lagi naming sinasabi sa magulang namin ang ginagawa namin

"Tsk, mga bata" sabi ni Dane kaya sinamaan namin sya ng tingin

"Ayyy, oo nga pala. Narinig ko na may relasyon pala si Rhea at Chen, kwento naman diyan"pagiiba ko ng usapan

Baka sakaling malipat ang atensyon nila at makatakas ako dito, naalala ko kasi yung sinabj ni Dane na kukunin nya yung third kiss ko. No way!

"Oo nga, narinig ko rin kanina na sinabi yon ni Chen" sabi ni Ella na pasimple akong kinindatan habang si Rhea at Chen ay namumula na

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now