Chapter 25

462 19 5
                                    

"Ewwwww! San ka nakaalam na kayang ibalik ang halik?!" Inis na tanong ko sa kanya habang sinasamaan ko sya ng tingin

"Babe, ako lang ang nakagagawa non kaya lumapit ka na sa akin"sabi nya habang lumalapit tapos ako naman ay lumalayo

"Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng babe, nagtataasan ang balahibo ko sa pinagsasabi mo"

"Kinikilig ka lang eh"nakangising sabi nya

Nagpalabas agad ako ng air ball saka ko ibinato sa kanya pero bigla nalang syang nawala

"Pagbabato ka, siguraduhin mo na tatama" naramdaman ko sya sa likod ko kaya agad ako nagisip ng magandang gawin sa kanya

Humarap ako sa kanya saka ko sya tinuhod sa tiyan nya pero hindi masyadong malakas. Nung mapayuko na sya ay saka ko sya tinulak padapa sa sahig

Nagpalabas ako ng mga baging sa kamay ko at saka pinulupot sa katawan nya. Sinigurado ko na hindi na sya makakagalaw pa at hindi makakapagteleport para tumakas

"Yan ang napapala mo" tumawa pa ako na parang nababaliw habang sya ay nagpupumiglas don

"Ashley, anong gagawin namin sa mga ito" napatingin agad ako sa dalawa ng sumigaw si Rhea

Prenteng nakaupo si Ella sa likod ni Eshton na sa tingin ko ay nanghihina na. Tinitingnan nya pa yung kuko nya. Si Chen naman ay nakasalampak sa sahig habang hawak ni Rhea ang kamay nya sa likod nya

Kagaya ng ginawa ko kay Dane ay pinuluputan ko rin silang dalawa ng baging "kuha kayo ng lubid para maitali natin sila at siguradong hindi na makakapalag"

Agad namang tumakbo si Ella pataas at bumaba na may dala nang lubid. Pinalutang ko si Dane at Chen palapit kay Eshton

"Pagkami nakawala dito, sisiguraduhin namin na magdudusa kayo" sabi ni Eshton pero hindi namin sya pinansin bagkus ay inayos namin sila at pinaupo habang nakatalikod sa isa't isa

"My dear brother, wala kang magagawa sa amin. Kay Ella palang ay talo ka na kasi hindi mo sya kayang saktan. Tingnan mo nga yang itsyura mo, may mga sugat at pasa ka pero si Ella ay wala. Mas malakas ka pero wala kang laban kasi mahal mo"bulong ko sa kanya. Sinugurado ko na kami lang ang makakarinig

Habang sila Rhea ay busy sa pagtatali sa tatlo ng sama sama ay lumapit naman ako kay Chen na masama ang tingin sa akin

"Dapat kasi sa akin ka kumampi kanina. Tingnan mo, nakatali kayong tatlo habang kami ay masayang pinagmamasdan kayo. Gusto mo ba sabihin ko kay Rhea na mahal mo sya?"pangiinis ko

Kahit mahal ko yang mga yan kasi kaibigan ko sila at kapatid ay hindi ako magpapatalo sa kanila. Hindi rin naman masama ang mangasar kahit minsan. Hahahaha

"Manahimik ka nga" utos nya na tinawanan ko lang saka ako lumapit kay Dane

"Yan ang napapala mo sa pagkuha ng first kiss ko. Alam mo ba na para yon sa taong mamahalin ko pero ngayon wala na kasi kinuha mo na!"nagmamaktol na sabi ko habang sya ay wala na namang emosyon!

"Makagaganti rin ako sayo" parang nagtaasan ang mga balahibo ko sa sinabi nya at agad na lumayo sa kanya

"Ella, Rhea. Magpaorder kayo ng masasarap na pagkain tapos magluluto din ako para may makain tayong TATLO nakakagutom din kasi ang laban natin eh kaya yung masasarap ang bilhin nyo"

Pumunta na ako sa kusina para magluto ng masasarap na pagkain namin. Nagbake pa ako ng cake at gumawa ng mga maiinom at desert namin

Hindi naman ako nagtagal sa pagluluto kaya dinala ko yon sa sala kung saan nagpupumiglas ang tatlo para makaalis na tinatawanan lang nila Rhea at Ella

Agad tumayo si Rhea ng may nagdoorbell at binuksan ang pinto. Bumalik sya sa amin na ang daming dalang pagkain

"Ito na ang masasarap na pagkain" excited na sabi nito kaya nagsikuha na kami ng pagkain namin at saka pumunta sa harap ng tatlo at don kumain ng nangiinggit

"Ang sarap mo talagang gumawa ng cake" sumubo pa si Ella ng cake na parang sarap na sarap sya dito

"Rhea, subuan mo rin ako nyan" nagpacute pa si Chen kay Rhea na kumakain ng pizza

"Ayoko nga" sabi ni Rhea na natatawa

Inayos kasi namin ang pagkakatali nila at nilipat sila sa tigiisang upuan kaharap namin kaya naman kitang kita nila kami na nakain at kitang kita rin namin sila na masama ang tingin sa amin

"Mmmmm. Ang sarap!" Sabi ko habang nakain ng fries

"Gusto mo?" Tanong ni Ella kay Eshton at tumango tango naman ito habang malawak na nakangiti

Inilapag ni Ella yung burger sa hita ni Eshton "ayan oh. Kunin mo tapos kainin mo" napatawa kami ni Rhea sa ginawa ni Ella kay Eshton kasi hindi naman nito makakain yon kasi nakatali nga ang kapatid ko

"Pagako nakaalis dito. Doble ang punishment mo" banta pa ni Eshton na tinawanan lang din ni Ella

"As if I care"

"Humanda ka talaga sa akin mamaya Xarein. Gaganti ako sayo at ikaw naman ang itatali ko at paparusahan kita sa paraang hindi mo magugustuhan"

Napatigil ako sa pagkain ko at kinakabahang napatingin kay Dane na nakangisi na sa akin ngayon

"Nandiyan naman si Eshton para ipagtanggol ako" nagmamalaking sabi ko

"Asa ka naman. Matapos mo itong gawin sa akin"sabat ni Eshton sa usapan namin

"Hoy! Mahal kong kakambal. Isusumbong kita kila mommy at daddy" inilabas ko pa ang dila ko para mas lalo syang inisin

"Yakkk, ang prinsesa ng Light at fire kingdom ay sumbungera pa sa mommy at daddy nya. Parang bata"inis akong binato si Chen ng lagayan ng fries dahil sa sinabi nya

"Yakk ka rin. Dalawang prinsepe at isang lalaki na laging walang emosyon ay ngayon ay nakatali sa harapan namin at hindi magawang makatakas"ganti ko pa

Pero nagulat nalang ako sa sumunod na nangyari at hindi agad nakagalaw. Ang alam ko nalang ay nakawala na silang tatlo at kami na ang nakatali sa upuan ngayon

"Hindi pala makawala huh?! Ngayon magdusa kayo diyan" nakangising sabi ni Dane at hinalikan pa ako sa pisngi ko at nagsimula silang kainin yung kinakain namin kanina

"Pakawalan nyo kami" sigaw ni Ella at Rhea

"Hindi pa yan ang punishment mo, baby. Maintay ka lang kasi pagkatapos namin kumain ay may punishment ka sa akin"sabi ni Eshton saka ngumisi din

"Chen, pakawalan mo ako"nagpaawa pa si Rhea

"Mamaya na. Pagkatapos namin kumain" sabi ni Chen na patuloy sa pagkain

"Nakakaiirita kayo!!!"sigaw naming tatlo

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now