Chapter 39

376 14 0
                                    

"Now let's play a game!" Sigaw ko ng kaming lima nalang nila Eshton ang natira at mga dark magicians

Nakalutang kaming lima samantalang yung mga dark magician at pilit na sinisira yung barrier

"Handa na ba kayo?" Tanong ko sa kanila at sabay sabay naman silang nagsitanguhan

"Paramihan ng mapapatay, ang talo ang syang magluluto ng ating umagahan"nakangising sabi ni Rhea

Oo, hindi pa kami naguumagahan. Pagkagising namin ay puro kalokohan agad ang ginawa namin tapos sumugod pa ang mga dark magicians na ito

"Spikes at ball lang ang gagamitin. Isang kapangyarihan lang kaya mamili na kayo" sabi ni Eshton

"Metal"Chen

"Water"Rhea

"Air"Ella

"Nature" Eshton

"Fire" sabi ko

"In a count of 3" sabi ni Chen at naglabas na kami ng mga ball at spike sa ibabaw ng kamay namin

"ONE....TWO....THREE!" Sabay sabay naming sigaw at saka sila nagumpisa na pagbabatuhin yung mga kalaban ng napili naming kapangyarihan

Habang binabato namin sila ay malakas kaming nagbibilang para marinig namin kung ilan na ang napatumba namin

Hindi kami makakapangdaya dahil kaya namin magbasa ng isip at don namin malalaman kung totoo ba ang sinasabi

Nagpatuloy kami sa pagbato ng mga spikes at ball na pilit namang iniiwasan ng mga dark magicians

Actually, hindi naman sila namamatay talaga. Pagnawala sila dito ay mapupunta sila sa isang lugar kung saan don na sila mamumuhay at hindi na makakalabas

Wala pa daw nakakaalam kung saan ang lugar na iyon kahit ang mga hari at reyna. Tanging mga gods at goddesses lang ang nakakaalam. Kwinento lang yon sa akin ni mommy

Ganon din ang mga light magicians. Nawawala rin sila dito pero namumuhay sila kasama ng mga gods and goddesses

Maaari pa silang bumalik kung malalagpasan nila ang pagsubok ng mga gods and goddesses pero hindi na sila mismo ang babalik dahil ipapanganak na silang muli na parang sanggol at walang maaalala sa kanilang nakaraan

Para naman sa aming pamilya ay nakakabalik parin kami dito kapag namatay na kami, ang kailangan lang namin gawin ay muling magpalakas pero isang beses lang yon

Kagaya ni mommy, namatay na sya dati at buhay na ulit sya ngayon pero hindi na sya maaring mamatay ulit kasi hindi na sya makakabalik

Hindi ko alam pero sa pamilya lang talaga na pinagmulan nila mommy nangyayari yon. Si Daddy ay hindi rin pwedeng mamatay kasi hindi na sya makakabalik dito mabilan nalang kung nanaisin nyang ipanganak muli

Kami ni Eshton ay maari pang mabuhay pag namatay kami pero kailangan muna namin magpalakas sa tirahan ng mga gods and goddesses pero sila Ella ay hindi pwede kaya lagi namin silang iniingatan

"137!" Sigaw ko ng maubos lahat ng kalaban

"Mukhang ikaw ang pinakamarami"sabi ni Ella

"Ilan ba sa inyo?"tanong ko

"105"Eshton

"97"Ella

"95"nagkatinginan si Chen at Rhea ng sabay silang nagsalita

"Mukhang dalawa ang talo ahhhh, kayong dalawa ang magluluto"nakangiting sabi ni Ella

Ang dami pala naming kalaban. Buti nalang ay ipinasok ko sa barrier yung mga istudyante dito kundi marami pa ang masusugatan

Nakiusap na kami sa mga dark magicians na itigil na ang ginagawa nila pero hindi parin nila ginawa.

Hindi ako papayag na matatalo nila kami. May mga kapangyarihan kami na magagamit laban sa kanila.

Nagsibaba kami at saka ko tinanggal yung barrier nila at agad na lumapit don

Rinig ko ang mga iyakan ng mga studyante habang nakatingin sila sa mga kasama nila na ngayon ay isa isa nang nawawala na

"Ate, bumangon ka diyan!!" Agad na naagaw ng isang babae ang atensyon ko ng bigla itong sumigaw

Naiyak sya habang pilit na yinuyugyog yung isang babae na ngayon ay duguan at may sugat sa tiyan, patay na

Agad akong lumapit sa kanya at saka tumabi sa kanya at hinagod ang likod nya pero nagulat ako ng itulak nya ako

"Kayo ang may kasalanan nito! Kung dumating sana kayo ng mas maaga edi sana hindi sya namatay! Sana hindi sila namatay!!"sigaw nya habang tinuturo nya pa ako

Napayuko ako " sorry" totoo naman sya eh

Kung hindi sana namin inuna ang pagaasaran namin at naglibot muna kami sa academy edi sana walang namatay, sana buhay pa sila

"A-ano bang si-sinasabi mo, Mitch? Prinsesa sya kaya wag mo syang pagsalitaan ng ganyan" rinig kong sabi nung isang babae

"Wala akong pakialam kung sya ang prinsesa, kung sila ang mga prinsesa at prinsepe. Responsibilidad nila na protektahan tayo pero nasaan sila nung kailangan natin sila? Huli na sila dumating kung kailan namatay na ang iba nating kasamahan. Dapat kayo nalang ang namatay! Dapat hindi nalang sila!"

Naramdaman ko nalang na may humila sa akin at ipinuwesto ako sa likod nya

"Ms, alam namin na masakit sayo na mawala ang ate mo pero wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang kakambal ko, hindi namin ginusto ang nangyari"sabi ni Eshton pero nakita ko na mas nagalit pa yung babae kaya hinawakan ko sya sa braso para patigilan

"Sino ka para patigilan ako magsalita ng tungkol diyan sa kakambal mo na walang kwenta?! Kayo ba ang nawalan? Kayo ba ang namatayan?"pilit na syang pinapatigil ng mga katabi nya pero ayaw nyang magpaawat

"Ms, hindi man kami ang namatayan pero alam namin ang nararamdaman nyo" sabi ni Ella at pilit na lumapit don sa babae na tinawag nilang Mitch

Agad kaming nagulat ng bigla syang itulak ni Mitch kaya napaupo sya

"Sumusobra ka na ah! Kanina pa ako nagtitimpi sayo kaya manahimik na ka nalang diyan dahil pag ako ang nainis sayo ay sinisiguro ko na hindi mo na magagamit ang bibig mo dahil ipagdidikit ko yan!"agad akong napatingin kay Rhea na bigla nyang sigawan si Mitch

"Rhea, tama na" awat ko sa kanya pero nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Mitch at sasabunutan sana ako pero nagulat ako ng bigla syang napatigil

"Subukan mo syang saktan, sisiguraduhin ko na magsisisi ka"

Napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Dane na masama ang tingin kay Mitch

"Dane, wag mo syang patulan" sabi ko at saka ko tinanggal yung mahigpit na pagkakahawak nya sa babae

--------------------------
Mitch Mantuhac, hello. Yan na po pangalan nyo. Don't worry, hindi pa yan tapos

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now